"Sanib"Ang Kasalukuyan . . .
Sanay na si Clayden humarap sa mga tao bilang presidente ng kanilang kompanya pero ngayong nasa tapat siya ng pinto ng bahay na bato ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.
"Tok! Tok! Tok!" "Krrriiikkkkk!"
Nabuksan ang pintuan. Isang matandang lalake ang nagbukas ng pinto.
"Sino po sila?"
"Mang Domeng baka yan ang bisita ko! Papasukin ninyo ho!"
Narinig ni Clayden ang nagsalita sa loob.
"Pasok raw po kayo!"
"Salamat po!"
Pumasok si Clayden. Maraming tao sa sala. May mga bata pa. Dalawang matanda ang naka-upo sa mahabang sofa at katabi ang ilang mga bata. Lahat ay sa kanya nakatingin.
"Good evening po!"
Tumayo si Noreen at sinalubong ang binata.
"Tuloy ka Clayden."
Hinawakan niya sa kamay ang binata at sabay silang humarap sa lahat.
"Dad, Mom, ito ho si Clayden Bartolome aking kaibigan. At sila ang dad and mom ko, ang aking mga kapatid at mga pamangkin. Kilala mo na rin mga bests ko."
"Tuloy ka and welcome. Upo ka Clayden. Bartolome? Any relation with Arnel Bartolome?" Sabi ng ama ni Noreen.
Umupo ang binata sa sofa at tumabi sa kanya si Noreen na napansin ng mommy niya ang pagiging magiliw ng dalaga kay Clayden.
"Father ko ho sir!"
"Ha ha ha! Father mo pala. Kalaro ko siya ng golf. So why are you here in a remote island?"
"Bakasyon po muna. I need fresh air and new environment. Nakababagot po kasi sa Maynila."
"Tama ka Clayden. Kaya narito kaming lahat. Once every year ay umuuwi kami rito. Noreen. Why don't you invite ang kaibigan mo sa iyong birthday celebration?"
"Done dad!"
Napatingin si Clayden sa dalaga. Medyo nagulat siya sa sagot nito. Hindi pa kasi siya naimbitahan.
"Clayden akala ko ba ay tatawag ka sa father mo?" Bulong ng dalaga sa kanya.
"Sana!"
"Dad. Mom excuse lang ho kami saglit. Makikitawag si Clayden sa kanila."
"Sige go on!"
"Halika Clayden dito tayo sa kwarto ko malakas ang signal ng WiFi."
Tumayo sila. Muling hinawakan ni Noreen ang kanyang kamay. Medyo namula ang binata kasi nakikita ng lahat ang ginawa ng dalaga pero hindi niya inalis. Sumama siya at pumasok sila sa loob kwarto.
Sa loob ay kinuha ni Noreen ang kanyang cp at binuksan.
Nakatingin naman ang binata sa paligid ng kwarto. Nakita niya ang malaking larawan.
"Noreen siya ang Lola Eleanor mo?"
"Oo Clayden. Ano ang napansin mo?"
"Kamukhang-kamukha mo nga!"
"O heto ang WIFi at password. Pwede ka ng tumawag."
Umupo siya sa isang silya at pumipindot sa kanyang cp.
"Clayden maiwan muna kita saglit."
"Sige at salamat Noreen!"
Yumuko ang dalaga at hinalikan siya sa pisngi saka na lumabas ng kwarto.
Naiwan si Clayden na nakatingin pa rin sa kanya hanggang sa sumara ang pinto.

BINABASA MO ANG
Reincarnation (Completed)
ParanormalMinsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko n...