Part 8 ... Ang Katotohanan

43 2 0
                                    

"Ang Katotohanan"

----------

Kasalukuyan...

Parang hinahabol ni Lola Justa ang kanyang hininga. Hawak niya sa kanyang kaliwang kamay ang mga lumang larawan nina Armando at Eleonor. Lumuluha siya habang nakapikit.

"Patawad Señorita Eleonor at Armando. Hu hu hu!"

" Lola bakit kayo humingi ng tawad kina Eleonor at Armando? Ano ho ba ang kasalanan ninyo?" Mahinang tanong ni Clayden.

"Ako ang may kasalanan kung bakit sila namatay. Dahil sa aking pagiging makasarili. Hu hu hu!"

--------

Nagkwento ang matanda . . . . .

Unang araw ko sa bahay ni Don Vicente at kasama ko ang aking  Inang na tagaluto at ako ang katulong niya. Marami kaming kinuhang mga katulong sa malaking bahay.

" Justa dalhin mo muna itong gatas ni Señorita Eleonor sa kanyang kwarto. Kanina pa siya hindi lumalabas." Atas ni Inang habang hinihiwa ko ang mga gulay na iluluto nila.

" Opo Inang." Iniwan ko ang aking ginagawa at kinuha ang tray.

Pumunta ako sa kwarto ni Señorita  Eleonor na nasa ibabang palapag ng bahay. Kumatok na muna ako sa pinto bago ko binuksan. Ito ang habilin sa amin bago kami papasok sa alin mang kwarto sa bahay.

Pumasok ako sa kwarto. Nakahiga pa si Señorita Eleonor pero gising na.

"Señorita heto ho ang gatas ninyo!"

"Pakipatong mo na lang sa mesa. Salamat! Bago ka rito?" Umupo si señorita.

"Opo. Kaninang umaga pa lang po ako dumating."

" Huwag mo na akong popopoin. Magkasing edad lang naman tayo. Anong pangalan mo? "

"Justiana señorita."

Umisod si Señorita Eleonor sa gilid ng kama. Kinuha niya ang baso ng gatas at uminom ng kaunti at ibinalik niya ang baso sa tray.

"Huwag ka munang lumabas Justiana. Dito ka muna saglit."

Tumayo si Señorita Eleonor at pumasok sa banyo. Naiwan ako na nakatayo sa isang tabi. Tinitignan ko ang malaking larawan na nakasabit sa dingding sa tapat ng kama.

Napakaganda nga naman ni Señorita Eleonor. Ang layo ng hitsura niya. Maganda rin naman ako iyun nga lang medyo hindi matangos ang aking ilong. Makinis din naman ang kutis ko na inalagaan ko noon pa para kay Armando iyun nga lang may kaitiman ako. Mahaba pa nga ang buhok ko kaysa kay Señorita Eleonor.

"Bakit ka pa pumunta rito? Bakit hindi ka na lang nanatili sa Maynila? Inaagaw mo ang lalaking pinakamamahal ko. Kung hindi ka dumating sana ay maligaya kaming dalawa ni Armando. Kinamumuhian kita!" Sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang malaking larawan.

Lumabas si Señorita  Eleonor sa banyo. Bagong suklay ang mahaba niyang buhok. Muli siyang umupo sa gilid ng kama.

" Justiana kilala mo naman siguro si Armando."

"Oo señorita! Bakit?"

"Nakakainis naman at ano na naman ang gusto niya kay Armando?" Sa isip ko na pakunwaring ngumiti pa.

"Nagkaroon na ba siya ng nobya?"

"Kung hindi ka dumating ako sana ang kasintahan niya." Naisip ko bago ko siya sinagot.

"Wala señorita. Mula pagkabata pa ay kilala ko na siya. Malalaman ko kung may nililigawan siya lalo na sa mga tagarito."

"Samahan mo ako mamayang hapon puntahan natin siya."

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon