Part 14 ... Muling Pagtatagpo

57 3 0
                                    


"Muling Pagtatagpo"

-----------

Ang Kasalukuyan . . .

Walang tambay sa harap ng tindahan nang dumating sina Noreen at Clayden. Nakita sila ng matandang babaeng nagtitinda.

"Magandang hapon po!" Sabay nilang bati sa matanda.

"Si Lola Justa ba ang sadya ninyo?"

'Opo sana." sagot ni Clayden.

"Halikayo! Tumuloy na kayo sa loob ng bahay. Auring may bisita si lola!" Sigaw ng matandang babae. Lamabas ang tinawag niyang Auring.

"Salamat po." Sabi ng binata at pumasok sila sa bakuran ng bahay. Sinalubong sila ni Auring ang apo ni Lola Justa.

"Tuloy kayo at sasabihin ko kay lola na naririto kayo."

"Salamat! "Pumasok sila sa loob ng bahay at umupo sa mahabang sofang kahoy.

Bumaba sa hagdanang kahoy si Liza at nakita sina Clayden at Noreen. Nakita rin siya ng dalawa. Napatayo si Clayden ng lumapit sa kanila si Liza.

"Liza! Meet Noreen. Noreen siya si Liza ang dati kong schoolmate sa kolehiyo." Sabi ng binata at tumayo si Noreen at nakangiting nakipagkamay kay Liza.

"Hi Liza! Sabi ng dalaga."

"Upo tayo. Palabas na siguro ang lola ko." sabi ni Liza.

"Maganda ka nga pala talaga Noreen pero aagawin ko pa rin si Clayden sayo!" Tinitignan niya si Noreen na nakatight maong jeans at yellow teeshirt na nakatack-in. May suot itong white sneakers.

Nakatingin din naman sa kanya si Noreen dahil sa suot niya. Nakawhite short si Liza na ubod ng iksi. Nakasandong black lang at walang bra. Bakat ang mga nipples niya. Naisip ng dalaga na nasa bahay lang si Liza kaya ganito ang suot. Tumingin siya kay Clayden kung nakatingin ang binata kay Liza. Nakayuko ito. Nilalaro ang mga palad.

"Liza hindi ka namin nakita rito noong huling punta namin ni Clayden?"

"Kararating ko lang kahapon ng gabi. Binibisita ko si Lola Justa. Dito ako lumaki Noreen. I didn't expect na magkikita kami ni Clayden dito."

"Kung magtatagal ka rito ay iimbitahan sana kita sa isang birthday celebration doon sa yate na nakadaong sa pantalan.

"Kanino birthday?

"Mine. Sa darating na Saturday na."

"Okey. Pupunta ako." sagot ni Liza at tumingin siya kay Clayden na hindi pa rin kumikibo.

Lumabas sa kanyang silid si Lola Justa na akay ni Auring. Tumayo ang dalawa at napatingin sa kanila ang matanda. Bigla itong lumuha.

"Señorita Eleonor! Armando! Hu hu hu! Mabuti ho ay ligtas kayong dalawa. Hu hu hu! Patawarin po ninyo ako señorita. Ako ho ang nagsumbong sa mga Hapon kung saan kayo makikita ni Armando!" sabi ng matanda.

Tumayo si Liza at nilapitan ang kanyang Lola Justa.

"Lola. Hindi sila sina Armando at Señoritang sinasabi ninyo. Sila ay sina Clayden at Eleonor." Hinawakan niya ang kamay ng matanda at tinulungang umupo ito.

"Señorita, Armando..."

"Lola! Hindi nga sila ang sinasabi ninyong señorita at Armando!" Sabad ni Liza.

"Liza please! Hayaan mo na munang magsalita si Lola Justa. Ang tungkol kina Lolo Armando at Lola Eleonor kaya kami pumupunta rito. Gusto naming malaman ang totoong nangyari sa kanila noon at alam ni Lola Justa." sabi ni Clayden.

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon