Part 11 ... Ang Pag-amin

44 2 0
                                    

"Ang Pag-amin"

-------

Naghalungkat ang daddy ni Noreen sa mga kahon na nakatago sa mga closets. Isa-isa niyang binubuksan ang mga lumang photo albums na nasa mga kahon. Bawat album ay may date. Tumulong na rin ang mommy niya sa paghahanap hanggang sa nakita ang isang lumang album na may petsang March, 1945.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nila binuklat ang album.

"Ito na kaya ang hinahanap natin mommy?

"Sana nga daddy. Ibuklat mo na."

Marahang ibinuklat ni Don Vicente ang photo album. Mga lumang black and white at sepia colored na mga litrato ang una nilang nakita. Mga kuha sa mansion nila sa Maynila. Nasa mga larawan ang pag-alis nila sa mansion, pagdating nila sa pier, pagsakay nila sa yate.

Ang sumunod ay ang kuha ng mag-anak sa yate habang naglalayag ito sa karagatan. May kanya-kanyang litrato ang pamilya. May mga kuha ng mga islang nadadaanan ng yate hanggang sa mga litratong dumaong na ang yate dito sa pantalan.

Sa mga huling pahina ay mga litrato bawat isa sa pamilya habang bumababa sa hagdan ng yate. At nakita nila ang tatlong pahina na mga litratong post card sizes ni Eleonor. May pababa siya sa hagdan, papasalubong sa kanya ang isang lalaking nakahubad ang damit pang-itaas na nakatalikod sa camera, nang naglalakad na sa buhangin si Eleonor at kasunod ang lalaki na dala ang isang malaking maleta at nakangiting nakatingin kay Eleonor habang naglalakad sila.

Tumigil si Don Vicente sa pagbuklat ng mga pahina. Kinuha niya ang huling litrato. Sepia colored ito at malinaw na malinaw. Tinitigan nilang dalawa ng matagal ang lalake.

"Diyos ko daddy! Kamukhang-kamukha siya ni Clayden. At si Aunty Eleonor ay kamukhang-kamukha ng ating anak."

Nakaramdam ng kilabot ang dalawa. Nagkatinginan sila.

"Nakapagtataka ito mommy. Kung hindi ko hawak ang litratong ito ay hindi ako maniniwala sa mga kababalaghan. Paano ang nangyari at silang apat ay magkakamukha?"

Muling binuklat ni Don Vicente ang album sa susunod na pahina. Bakante ito. Walang litrato pero may naiwang bakas ng dalawang litratong nawawala.

Muling isinara ng don ang album at ibinalik ito sa kahon. Lumabas sila ng silid na dala ang litrato.

Sa balkonahe sa ikalawang palapag ay nakatayo sina Noreen at Clayden. Minamasdan nila ang karagatan at aplaya. Kahit kalahati pa lang ang buwan ay sapat na ang liwanag nito para makita nila ang malaking bato sa malayo. Sa may kalayuan ay natatanaw nila ang isang bonfire pero hindi nila binigyan ng pansin. Dumadampi sa kanila ang malamig na ihip ng hangin na nanggagaling sa dagat. Hinawakan ni Clayden ang kamay ni Noreen. Humarap sa kanya ang dalaga.

"Noreen, hindi ko kayang ipaliwanag sayo kung bakit bigla kong naramdaman ang umibig sayo. Kung bakit bigla kang naging napakahalaga sa akin. Kung bakit ayokong mawala ka sa paningin ko kahit saglit lamang. Kung bakit ibig kong maramdaman ang init ng iyong katawan ang lambot ng iyong mga labi. Pinakamamahal kita aking Noreen."

"Clayden kung ano ang nararamdaman mo ngayon ay siya ko ring nararamdaman. Hindi ko rin kayang ipaliwanag ito. Pinakamamahal din kita aking Clayden."

Yumakap ang dalaga at inilapit niya ang kanyang mga labi sa binata. Masuyong hinagkan ng binata ang mga labi ng dalaga. Kapwa sila napapikit at dinarama ang halik na wagas at puno ng pagmamahal.

"Ahem! Ate!"

Nagulat ang dalawa at biglang naghiwalay. Nakatayo sa may pintuan si Noraida at kakaiba ang ngiti.

"Bakit Bunso?"

"Ipinatatawag kayo nina daddy at mommy."

"Bakit daw?"

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon