Part 3 ... Takipsilim

100 5 2
                                    

Takipsilim

Ang Nakaraan

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig sa Asia-Pacific. Sinakop ng bansang Hapon ang mga karatig nitong mga bansa. Kaanib ng Japan ang bansang Alemanya at Italya. Dito sa Pilipinas ay nagkagulo na ang mga mamamayan lalo na sa Maynila. Isa sa mga nangamba sa nalalapit na pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas ay si Don Vicente Alcantara. Minabuti niyang ilikas ang kanyang pamilya sa Kabisayaan, sa Isla Puting Bato kung saan mayroon siyang isang bahay bakasyunan. Buwan ng Hunyo ng lisanin nila ang Maynila kasama ang tatlong anak na lalaki at tatlong babae pati na rin ang kanilang mga asawa at mga anak.

Umaga ng dumating sila sa isla. Iilang pamilya pa lamang ang mga naninirahan sa isla at wala pa silang dalawang daang katao. Dumaong ang kanilang sinasakyang malaking lantsa sa pantalan. Sumalubong ang kanilang mga katiwala. Nasa itaas ng isang burol ang malaking bahay bakasyunan ng don. Dalawang palapag ito. Gawa sa adobeng bato ang mga dingding ng unang palapag at kahoy na ang ikalawa. Halos kalahati ng isla ay pag aari ni Don Vicente. Kaya ang ibang mga pamilyang naninirahan ay sa lupain niya nakatirik ang mga bahay. May mga maliliit na sakahan ng palay na pag-aari rin ng don. Karamihan sa mga puno sa isla ay mga niyog. At karamihan din sa mga naninirahan naman ay mga mangingisda.

Isa mga pamilyang ito ay ang pamilya Bartolome. Ang mag-asawang sina Mang Rogelio at Aling Carmen, ang tatlong anak nilang mga lalaki na sina Arnel, Agusto at Armando. Tanging si Armando na lamang ang binata. 24 na taong gulang siya . Hindi na siya nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Minabuti na lamang niyang tulungan ang kanyang mga magulang at kapatid sa pamamalakaya. Nang umagang iyon ay nalaman nilang paparating sina Don Vicente. Dahil nakatira sila sa lupain ng Don ay minabuti nilang pumunta sa pantalan at tumulong sakaling maraming dalang kargamento ang don.

Nasa pantalan si Armando, kausap ang ilang kasamahan at kaibigan ng dumaong ang lantsa. Lumapit sila at naghintay kasama ang ilang katiwala ng don.

Naunang bumaba sina Don Vicente at Donya Carlota. Kasunod ang tatlong anak na babae na ang dalawa ay kasama ang kanilang asawa. May mga bitbit silang bag at maleta. Isa-isang sumalubong ang mga katiwalang lalaki at kinukuha ang mga maleta sa mga babae. Sumunod na rin si Armando, sumalubong siya at ang ikatlong anak na babae ni Don Vicente ang kanyang nakasalubong.

" Señorita, ako na ho ang magdadala ng maleta ninyo. " Tumingin sa kanya ang dalaga.

" Salamat. Huwag mo naman akong tatawaging señorita. Eleonor ang pangalan ko. "

" Opo senyo. Eleonor pala." Kinuha ni Armando ang maleta na hawak ni Eleonor.

" Huwag ka na ring mag po. Hi hi hi!"

" Sige. " Paghawak ni Armando sa hawakan ng maleta ay nahawakan niya ang kamay ng dalaga na hindi naman kaagad naialis.

" Paumanhin Eleonor. "

Ngumiti lang si Eleonor.

Nakita ni Armando ang kislap ng mga mata ng dalaga. Nabighani agad siya sa ngiti at sa kagandahan ng dalaga na kumintal sa kanyang dibdib. Naunang naglakad sa kanya ang dalaga. Sumunod siya kasabay ang ibang mga katiwala na may bitbit ng mga maleta. Pinagmamasdan niya ang likod ni Eleonor, balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok na lampas balikat. Maputi ang makinis na kutis. At malambot ang kamay na parang nararamdaman pa rin niya sa kanyang palad. Naaamoy niya ang pabango ni Eleonor na halos langhapin niya ang hanging dumadaan sa dalaga. Sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso ni Armando. Nakarating sila sa malaking bahay. Pinapasok si Armando ni Eleonor. Sa isang silid sa ibaba ay pumasok ang dalaga kasunod ang binata. Inilapag ni Armando ang maleta sa isang tabi na malapit sa kama.

" Maraming salamat." sabi ng dalaga.

" Walang ano man. Armando nga pala ang pangalan ko. Babalik pa ako sa lantsa para makatulong doon."

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon