Part 4 ... Aplaya

75 3 1
                                    


"Aplaya"

KASALUKUYAN.

Sa silid ni Lola Justa ay naka-upo ang matanda sa kanyang higaang papag. Hawak ang isang munting lumang kahon. Kinuha niya ang tatlong lumang larawan sa loob. Larawan niya noong dalaga pa, kay Armando at kay Eleonor na ninakaw niya sa silid ng kanyang señorita noon. Lumuha si Lola Justa. Nabigla siya ng makita si Clayden. Kamukhang-kamukha ni Armando. Muling nabuhay ang nakaraan sa kanyang gunita. Pinagmamasdan niya ang mga lumang larawan.

" Armando, Señorita Eleonor, kailan ninyo ako mapapatawad? Matagal ko ng pinagsisihan ang nagawa kong kasalanan sa inyo. Matagal na akong nagdurusa sa sakit na aking nararamdaman. Hu hu hu!"

Hinipo niya ang mga mukha nina Armando at Eleonor sa mga larawan.

-------

Sa may Parola ay nakatayo sina Clayden at Noreen sa gilid ng harang.

" Hindi ako makapaniwala na kamukhang-kamukha mo si Elonor.

" Sabi ni Clayden. "

Lola ko siya Clayden. Ako rin ay nabigla ng makita ko ang larawan niya sa silid. Nalaman ko kay Daddy na namatay si Lola noong panahon ng Digmaan .

"Sa malaking bahay ka nakatira?"

" Oo. Kararating lang namin kanina. At ngayon lang ako nakarating dito sa isla. Ikaw, taga rito ka ba?"

" Hindi! Nagbabakasyon lang ako rito. Ikatlong araw ko pa lang dito. Nahihiwagaan ako rito Noreen. Habang tumatagal ay nararamdaman kong parang galing na ako sa lugar na ito. Kailangan kong kausapin ang aking ama pagluwas ko sa Maynila. Ano kaya ang kaugnayan ko kay Armando. Bakit kamukha ko siya. Ahhh!"

Tinignan ni Noreen si Clayden. Seryoso na ang mukha ng binata. Tumingin rin ang binata kay Noreen. Napatungo naman ang dalaga.

" Sorry ulit sa nangyari kanina. "

" Okey lang. Kasalanan ko rin naman. Kung hindi kita nilapitan ay  hindi mangyayari yun. "

" Salamat! "

" Uuwi na ako Clayden. Baka hinahanap na ako!"

" Ihahatid na kita. "

Napangiti si Noreen. Bumaba sila sa hagdang bato. Naka-alalay ang binata kay Noreen. Pinagmamasdan nilang pareho ang dagat.

Binabaybay nila ang dalampasigan pauwi sa lumang bahay. Naghubad ng sapatos ang dalaga at tuwang tuwa siyang nagtampisaw sa tubig. Nilalaro niya sa mga paa ang mga alon. Nakasunod naman si Clayden na nakangiting pinapanood ang dalaga.

Habang tumatagal ang pagkatitig niya kay Noreen ay parang lumalabo ang kanyang paningin. Nagbabago ang suot na damit ni Noreen. Nagiging mahabang damit ang suot na pantalong maong at blouse ng dalaga sa kanyang paningin. Napasigaw siya.

"Eleonor! Ha ha ha! Huwag kang pupunta sa malalim."

Sa paglingon naman ni Noreen ay parang maulap ang nakikita niya. Parang hindi si Clayden ang naglalakad sa buhangin. Naka pantalong khaki at nakahubad pang itaas ang nasa harapan niya.

" Ha ha ha! Huwag kang matakot Armando! Mababaw lang naman ang tubig. Halika rito! "

Lumusong sa dagat si Clayden. Wala na siya sa sarili at lumapit kay Noreen.

" Oh Aking Eleonor! Kay ganda mo pa ring pagmasdan. "

Yumakap si Noreen kay Clayden.

" Hi hi hi! Aking Armando."

Masayang-masaya ako sa tuwing kita ay kasama. "

Hinalikan niya sa mga labi si Clayden. Yumakap sa kanya ng mahigpit ang binata! Matagal na magkayakap ang dalawa. Nag-aalab ang kanilang mga halik. Halos hindi na makahinga si Noreen. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

Reincarnation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon