I

75 5 2
                                    

Chapter 1

"Dave!" I shouted no'ng nakita ko siya papasok ng paaralan.

He noticed me and walked towards me. Nakarating siya sa kinaroroonan ko at sabay kaming naglakad. Magkaklase kami at siya lang ang malapit sa'kin. It's been two weeks since the classes started and today is the audition day for the clubs.

"Mag-o-audition ka na this year?" tanong niya.

"Gusto ko sana sa theatre club pero hindi pa ako sure."

Last school year no'ng nag-transfer ako sa paaralang ito. Hindi ako nag-audition last year o wala akong sinalihan na club kasi nahihiya pa ako no'n. Wala akong kakilala. Dave and I became close friends no'ng naging partner ko siya sa isang project until it turned out that we are now each other's best friend.

"Maganda ang club na 'yan. Maraming opportunities ang makukuha mo do'n."

"Tingnan ko. Ikaw, sa photojournalism club ka pa rin this year?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Since first year, sa photojournalism na ako. Fourth year na tayo ang hassle na kung lilipat pa ako, magco-college na rin naman tayo." wika niya.

"Sabagay." tanging saad ko.

Nakarating na kami sa classroom namin at umupo na kami sa mga upuan namin. Magkatabi kami. May iilang lider ng clubs na nagpo-promote ng mga clubs nila. The theatre club got my attention the most.

Walang pasok ngayon. Everyone is in their outfits for audition and others are bringing their equipments. Dave is bringing his DSLR camera. Nag-aantay nalang kami for the bell to ring for us to gather up sa social hall to formally start the day.

"Alam mo kung sino ang president ng theatre club?" tanong ko. Ang vice-president lang ang nandito kahapon dahil nasa kabilang room ang president.

"Mizee Villanueva." he answered.

"Yung anak ni Mayor? Diba second year college na 'yon?"

"We are in a university. Yung amin nga, fourth year college." sabi pa niya.

Pwede pala 'yon...

"Bakit ayaw mong lumipat? Hanggang college pala ang mga clubs, it's still a long way to go."

"You're gonna audition again in college." he said.

Tumango lamang ako. Wala akong alam sa paaralang ito.

Ilang minuto ang lumipas at nag-ring na rin ang bell. Pumunta ang lahat ng estudyante sa social hall. The program formally started. Magkatabi kaming nakaupo ni Dave. Nakikinig kami sa mga speakers na nagsasalita. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang program.

May mga kaklase ako na ngayong taon pa lang din mag-o-audition at may iba rin na hindi na nag-abala pa. May mga kaklase rin akong kagaya ni Dave, tapos ng nag-audition sa mga nagdaang taon.

"Punta na ako sa club namin." wika ni Dave.

"Sige. Mag-iisip muna ako kung mag-o-audition ba ako."

"Galingan mo, ha?" bilin niya.

Tumawa ako, "Ewan ko kung ano ang mangyayari. Mag-ingat ka." sabi ko sa kanya.

"Ikaw rin, ingat." he said then we separated ways.

Naglakad ako papunta sa room kung saan gaganapin ang theatre club audition. Sa isang fourth year classroom ito gaganapin pero hindi 'yong amin ni Dave.

Mahaba ang pila nito. May mga iba't-ibang grade level ako na nakikita na pumipila para sa audition. Maganda talaga ang club na ito, sa dami ba naman ng nag-audition.

Nag-register ako at pumila. Binigyan ako ng papel na may linya na sasabihin ko sa loob. Puro ingles ang nakasulat nito. May nakikita akong nagpa-practice ng linya nila at gumaya na rin ako. Isang babae na nagmamakaawang huwag iwan ng nobyo niya ang role na gagampanan ko. This is so sick, I would never do this.

"Number seventeen." sabi no'ng babae na nag-aabang sa pintuan.

Oh! That's me.

Pumasok na ako sa classroom at nakapatay ang mga ilaw nito. May spotlight sa harap ng lamesa na may mga tao. Pumunta ako sa gitna. Nakita ko ang mga anak ni Mayor.

Now I doubt kung talaga bang maganda ang club na ito kaya nag-o-audition ang mga estudyante o dahil nandito ang maganda at guwapong anak ni Mayor.

"Introduce yourself." sabi ni Mizee.

"I'm Jenim Essa Santiago, sixteen, and from fourth year section dandelion."

"Three, two, one... action!"

Gagi, ang bilis!

"Am I not enough? Please don't leave me... I'll do anything to make you stay."  I said in a melancholy tone.

"I can be her, just let me know what I need to change. I'll make you happy, buy you gifts, and I can be everything you want me to become. Three years... we were together for three years and we'll just end up like this?"

Tears fell from my eyes.

"Please don't leave me. I love y--"

"Cut!" the male child of Mayor cut me off.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi pa nga ako tapos. Pangit ba ang pag-arte ko?

"Why did you do that, Maz?!" wika ni Mizee.

"Sorry po. Uulitin ko nalang po." nahihiyang saad ko.

"Don't do it again, you may leave." he said.

"Maz!"

Nahihiya akong naglakad papunta sa pintuan papalabas ng biglang nagsalita si Mizee.

"I'm sorry for my brother, Jenim Essa. We're going to announce if you made it or not." she said.

Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas.

It's been two days since I auditioned in the theatre club. Wala na akong aasahan pa. I was cut off, malamang hindi ako gusto.

May mga nakikita akong papel sa bulletin board. This must be the results. Ang daming mga estudyante ang nakatingin. There are some na nakangiti after looking at the result and there are also some that are sad. Kinakabahan ako. There's a part of me na gustong tingnan ang resulta.

Inantay ko muna na hindi na gano'n ka rami ang estudyante para makatingin ako. There are just too many where I can't even touch the board.

I slowly got the chance to see the results. Unti-unti akong nakalapit sa board. Hinanap ko ang papel kung saan nakasulat ang resulta ng mga nakapasok sa theatre club. Unti-unti ko itong binuksan no'ng nakita ko ito.

1. Jenim Essa Santiago

I got in!

^_^

Moved By The Unexpected ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon