XX

26 5 1
                                    

Chapter 20

Nagmano ako nina Mama at Papa.

"Nakuha mo na ba 'yong requirements mo para sa enrollment, Ess? Tagal mo atang nakabalik." si Mama.

"Yes po. Dumaan po kasi ako sa bahay nina Maz, nando'n kasi siya." sabi ko.

"Buti nando'n siya. Hindi ba siya busy? Sikat na siya, ah? Nakikita ko na siya sa mga balita sa TV."

"Oo nga po, Ma. Aalis na rin 'yon ngayong gabi. May binigay lang po sa'kin." sabi ko at halos abot tenga ang ngiti ko.

I raised my hand and showed them the bracelet that Maz got for me.

"Ito po, oh! Ganda diba?" sabi ko sa kanila.

Tumango naman si Mama at si Papa nama'y patuloy lang sa pagbabasa ng diyaryo.

"Sabi niya may pera na raw siya. Nahihiya na nga ako. Magpa-part-time job kaya ako, Ma, 'ano?"

Papa gave me a glance.

"Wala akong problema tungkol diyan. Ano? Kakayanin mo ba? Hindi ba hadlang 'yan sa pag-aaral mo?"

"I don't think so. Si Dave nga rin siguro, magpa-part-time." sabi ko.

"That's nice to hear. Ready na ba 'yong mga gamit mo? Magdala ka ng kaunti bukas tutal alam mo na naman kung saan ang unit." sabi ni Mama.

Dave and I will leave tomorrow for the enrollment that will be happening the day after tomorrow. Mas mabuting do'n nalang kami para maaga kami.

"Sasabay ako kay Dave. Ipapahatid kasi siya ni Tito Michael." Maz's Dad.

Mama nodded.

"Mukhang nagkakaintindihan na ang mga 'yan, ah." sumingit si Papa.

"Opo. Sabi ni Dave okay lang naman daw ang Mama niya, pati na rin 'yong Papa niya." sabi ko.

I'm happy for Dave.

"Buti at naintindihan nina Lito at Delilah."  Mama said.

"Oo nga po. Sabi ni Dave okay lang daw kay Tito Lito kasi wala namang balak si Tita Delly magkaroon ng koneksiyon kay Tito Mike." Mike, that's Tito Michael's nickname.

"Napakamaintindihin talaga nitong si Lito."

Napatingin si Papa kay Mama ng dahil sa sinabi nito. Tiningnan ko ang dalawa at mukhang hindi maganda ang patutunguhan nito.

"Sa kuwarto po muna ako." sabi ko at iniwan sila.

I don't know what's going on between them. I think it's better to leave things to them and let them settle it.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko para magbihis. Nilapag ko ang bag ko sa kama at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang box mula sa ilalim ng kama. There are couple of bags in here.

I scanned the box and found the right bag that the stuffs I'll be bringing will fit in. Not too big, not too small. Next month pa naman talaga ako lilipat do'n.

Inareglo ko ang mga dadalhin ko at pinasok ito sa bag. Kinolekta ko ang mga binigay ni Maz na liham at nilagay ito sa isang box. I think I'll be bringing the letters so as the flowers I placed on my notebook. Atleast, I can somehow feel him when we're not together.

Nagkasya naman lahat. I double checked the folder with all of my documents. I also prepared my sling bag para hindi na ako magmadali pa bukas.

Wait... 'yong shoes na dadalhin ko, nasa labas ata.

Lumabas ako sa kwarto ko para kunin 'yong sapatos ko na nasa shoe rack sa aming teresa. I was about to pass-by at our sala when I heard Mama and Papa talking about something.

"Pwede bang kumalma ka? Ilang taon na ang nakalipas at 'yan pa rin ang nasa isip mo. Anong akala mo sa'kin? Nagpakasal sa'yo dahil wala na akong choice?" rinig kong sabi ni Mama.

What are they talking about?

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit tayo lumipat dito. Okay naman tayo sa dating bahay natin, ah. Bakit dito pa? Sa daming munisipalidad na maari nating lipatan, bakit dito pa? Dito pa kung saan narito siya." Papa this time.

If we didn't move-in here, I wouldn't have met Maz.

"Please lang. Ayaw kong mag-away tayo. Sawang-sawa na ako sa pag-aaway natin."

"Hindi lang ikaw ang sawa sa pag-aaway natin, Lyn. Pa'nong hindi tayo mag-aaway kung palagi mong tinatakbuhan ang mga tanong na kailangan ko ng sagot." Papa said.

"Gusto mo ng sagot, Sam? Ito ibibigay ko sa'yo. Lumipat ako dito dahil pinangako ko sa sarili ko na haharapin ko ang munisipyong ito na wala ng sakit na kinikimkim at gusto kong ipakita sa kanya na hindi lang siya ang masaya." Mama said and I saw tears falling from her eyes.

I see how Papa got stilled.

"Sa ginagawa mong pagpapalaki sa mga maliliit na bagay, sa tingin mo masaya ako? Imbis na pinapalakas ko ang loob kong harapin ang mga tao dito, mas lalo lang akong nawalan ng pag-asa. Ikaw lang ang mayro'n ako, Samuel. Inaasahan ko pa naman na ikaw ang masasandalan ko." sabi ni Mama habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Hindi lang ikaw ang nagpapalakas ng loob para harapin ang mga tao dito. Naiisip mo ba ang mga anak mo? Sa hindi nila alam na dahilan ay araw-araw nilang hinaharap ang mga tao na ayaw sa kanila. Wala silang alam, nalilito sila sa pagtrato ng mga tao dito sa kanila, lalo na si Jenim." wika ni Papa.

They got my attention more when I heard my father mentioned my name.

"Masama ba akong ina? Kapakanan ko lang ba ang iniisip ko?" naiiyak na tanong ni Mama.

I saw how Papa comforted Mama.

"Wala akong sinabing ganyan. Nag-aalala lang ako sa mga anak natin. Alam kong malalakas sila pero hindi natin alam kung hanggang kailan. Mas lalo akong nag-alala no'ng nagkatuluyan itong si Mazro at Jenim." sabi ni Papa.

What the hell are they talking about? Kanina pa akong parang tangang sekretong nakikinig sa kanila pero wala akong maintindihan.

"Natuwa nga ako, kasi kahit papano, gumaan 'yong pakiramdam ng mga tao dito sa'kin. Natutuwa ako na nakikitang masaya si Jenim at unti-unting naiibsan ang tensyon sa'ming dalawa mula sa mga tao. Masama bang naging masaya ako?" si Mama.

"Kung 'yan ang nararamdaman mo, susuportahan kita. Sa susunod, kung magdedesisyon ka, isipin mo ang mga anak mo. Ang sakit lang na nakikita ko silang naaapektuhan."

Tumango si Mama.

"Samuel..."

"Oh?" Papa responded.

"Gusto kong malaman mong matagal ko ng nakalimutan ang tungkol sa aming dalawa. Pinakasalan kita hindi dahil gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang masaya kundi pinakasalan kita dahil gusto kong makasama kita... araw-araw at sa pang-habangbuhay."

^_^

Moved By The Unexpected ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon