II

44 5 0
                                    

Chapter 2

"Natanggap ako sa theatre club!" I said to Dave as he sat down next to me.

Kakarating lang niya.

"That's nice. Kailan ang first meet niyo?"

"May nakasulat do'n sa papel kanina na mamayang after class daw." I said.

"Good luck, malapit na ang foundation day. I hope may makukuha kang role. Hindi lahat ng natanggap ay may role agad."

I feel a bit sad. It's fine, the year is a long way to go, maraming play pa ang dadating.

"May kakilala ako sa club, pwede ko siyang sabihan na bigyan ka ng role. Mataas ang posisyon no'n do'n." dagdag pa ni Dave.

"No! Okay lang. I want to pave my own way." I said and smiled.

Tumango siya sa akin.

Dumating na ang guro namin kaya nagsiayos kaming lahat. We took a quiz the last time she was around. Magbibigay ata siya ng resulta dahil dala-dala niya ang mga sinagutan namin no'ng nakaraan.

"I have here the results of the quiz you took. I'll give all of the answer sheets and we'll reveal it together."

I hate her subject. History.

She placed my paper over my desk upside down. Kahit hindi ko pa ito buksan, alam ko na ang puntos ko. Alanganin.

"On three. One, two, three!"

Twenty three over fifty.

The first score I expected. Around twenties.

"What's your score?" I asked Dave.

"Fourty eight." he answered.

He's the highest, I bet. As usual.

"Sabi mo hindi ka nag-review no'ng nakaraan."

Scammer. Hindi raw nag-review pero highest.

"Hindi naman talaga. I took the test with my stock knowledge." sabi pa niya.

Edi siya na.

I just shrugged at him.

"Score mo?" tanong niya.

I gestured her with number two and three then he laughed. Edi siya na matalino.

"Sabi mo gusto mong maging abogado. Pa'no ka magiging abogado niyan?" patawa niyang sabi sa sa'kin.

Salbahe!

"Kung hind ako papalarin na magiging abogado, mag-a-artista nalang ako." sabi ko.

Baka sign na talaga ang pagkatanggap ko sa theatre club na pag-a-artista talaga ang para sa akin.

Ang bilis ng takbo ng oras. Nalalakad kami ngayon ni Dave sa hallway patungo sa mga club na sinalihan namin. At the end of this hallway he'll be going left and I'll be going right. Magkaiba ang location ng pagme-meetingan namin ngayon.

"Jen, marunong ka magbilang?"

"Anong klaseng tanong ba naman 'yan, Dave?"

Sa History lang ako mahina.

"Sige nga, bilangin mo nga kung ilang bench ang nando'n." sabi niya sabay turo sa mga bench na nasa left side ng quadrangle.

Sinabayan ko nalang ang trip niya.

"One, two, three, four, five, six, and seven!"

"Mali ka."

"Why?"

Moved By The Unexpected ErrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon