Chapter 14
"You can choose to make this project with a partner or by yourself." our teacher said.
We need to make a research about a historical landmark and make a brochure endorsing it. History na naman. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang utak ko sa subject na ito.
Ang gulo ng nakaraan.
Tamad lang siguro ako.
The first person that came into my mind is him. Sa tingin ko okay naman kami. Nasabi ko naman sa kanya ang dahilan ko. Siguro naintindihan niya 'yon.
I sighed. Bakit parang hindi ako kumbinsido sa sarili kong rason. 'Yon lang ba talaga? Bakit parang hindi.
Argh! Hindi ko alam.
What is this thing I'm feeling for a person? No, hindi puwedeng siya. Out of reach siya. I can't reach his standard.
Erase. Why am I thinking about that person out of the blue?
I think about Dave again. Unti-unti kong nilingon siya. He's not the Dave I used to know. Ang nakasanayan kong reaksiyon niya ay sabihan ako na pilitin siya na maging partner ko. Unlike now, he's just copying the rubrics written on the board.
Gusto niya bang gawin ang project mag-isa?
"Uhm... Dave. Gusto mo bang sabay natin gawin 'yong project?" tanong ko.
I bet this project will be one of the requirements to get our clearance signed for the upcoming exam. Thinking about the upcoming exam makes my brain mixed up.
"Sorry, Jen. Magiging busy kasi ako sa mga susunod na araw. I don't think I have some free time to make any project with other people. I guess I'll only be free during nights." he blankly said.
Other people? Ako? Basta-bastang tao lang ako para sa kanya?
Bakit ang bilis magbago ng mga bagay mula sa nakasanayan nito.
"Weekends? Are you also busy on weekends?" tanong ko.
Come on, Dave. The probability of me getting a high score doing this project all by myself is very low.
Dapat ba hindi ko siya tinanggihan? Dapat ba um-oo nalang ako para hindi maging ganito ka-komplikado ang sitwasyon? Sabihin nating um-oo ako, paano kung hindi gagana? Mas magiging komplikado lang ang lahat.
Simula't sapol pa lang ay hindi ko naisip na hahantong kami sa ganyang relasyon.
Hindi ko kayang suklian, eh. Kahit anong pilit ko."Oo, eh. May meeting kami sa club para sa school paper ngayong quarter." sabi niya at patuloy na nagsulat.
Makes sense. Malapit na matapos ang first quarter.
Ano na ako ngayon? No one in this room wants to pair up with me.
Gano'n ba ka-tindi ang ginawa ko kay Dave? Siguro nasaktan siya kaya gano'n nalang siya umasta, kaso, sino ba naman ako para masaktan siya ng sobra-sobra?
Ang gulo!
I sighed, exhausted.
Sinulat ko nalang din ang rubrics na nakasulat sa pisara. I have no choice. I guess I'll just work my ass off to comply this project somehow.
Reality is slapping me hard that I can't rely on him all of the time. That there are times where I need to get things done on my own. Hindi lang ito ang unang pagkakataon.
I should grow. That's it.
The teacher left so that we can have the remaining time for our project. Natungo lahat sa library. Maski ba naman sa pagpunta do'n iiwasan din ako ni Dave?
What have I done?
Tahimik kami ng mga ka-klase ko na naghahanap ng libro. Others are searching by pair and others are alone like me.
'Yong iba kong mga kaklase ay napagdesisyunan din na gawin mag-isa ang project namin. May rason na trip lang nilang mag-isa, may iba rin na malayo ang bahay nila, at kung ano-anong rason pa.
I searched for History books and skimmed through the pages to know if there are possible historical landmarks. Marami na akong nakita, hindi ko lang talaga bet.
Bingo! Magellan's Cross.
Kinuha ko ang libro at umupo sa sahig. Wala ng bakanteng upuan. Hindi gano'n ka rami ang upuan dito sa library para sa aming lahat. Nagsimula akong magsulat ng mga importanteng impormasyon.
I'm just going to endorse it, it shouldn't be that hard.
I took notes about its history. I made formats of how my brochure is going to look like. I also drafted how I'm going to endorse it.
Piece of cake!
Tapos na ako. Bibili nalang ako ng art materials at magpa-print ng mga litrato para masimulan ko ng gawin. I have one week to do it. It'll be enough minding those other projects I also need to comply.
I'm listing down stuffs I need to buy and pictures I need to print out. Binilang ko ang pera sa wallet ko at mukhang kulang ito. Sayang... mababawasan 'yong ipon kong pambili ng pocketbook.
Tumayo na ako at lumabas ng library. Hindi na akong nag-abala na ayain pa si Dave dahil alam kong magbibigay lang 'yon ng rason para iwasan ako. I'll just let him be. It'll pass.
Babalik muna ako sa classroom para kunin ang bag ko at ilagay itong dala kong notebook para makapunta na ako sa canteen. Mukhang mag-isa akong kakain ngayon.
The canteen is not that crowded. Pumila ako para bumili ng ulam. Nakahanap agad ako ng bakanteng upuan at inilapag ang pagkain ko sa mesa.
Konting tiis lang, Jenim. Lilipas din ang lahat at babalik sa normal. Hayaan mo muna si Dave.
Nagsimula akong kumain. Magre-review pa ako para sa quiz namin mamaya. Walang Dave na babatuhin ako ng papel na may sagot.
"Uy, Jenim!"
I lifted my head to know where it's from. It's from Ate Mizee.
"Ate Mizee. Wala po ba kayong pasok?" tanong ko.
Naiilang ako kay Ate Mizee dahil sa aking mga nalalaman.
Umupo si Ate Mizee sa upuan na nasa harap ko. She looked at me with malicious eyes and I can't figure out why.
"It's our lunch break."
Gaga ka, Jenim!
"Hinahanap ko kasi si Maz, hindi mo ba nakita?" tanong pa niya.
Bakit sa akin niya hinahanap.
"Hindi po, eh." sagot ko.
Tumango siya.
"Kamusta na kayo? Did you give him a chance?"
"What chance?" naguguluhan kong tanong.
"Shit! Wala ba siyang sinabi sa'yo?"
"Wala naman po." sagot ko.
Ate Mizee grinned at me.
"I thought he confessed already. Torpe pala ng kapatid ko."
^_^