Chapter 1

566 27 6
                                    

"Bitiwan n'yo ako!"

Tumigil kami sa harapan ng abandonadong building sa loob ng eskuwelahan namin. Wala akong ibang maramdaman kundi takot dahil sa posible nilang muling gawin sa akin.

"Tumigil ka, Keres! Akala mo ba may tutulong sa 'yo kahit ilang beses ka pang sumigaw? Wala! Kaya tumahimik ka na!"

Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang palad ni Aya na tumama sa pisngi ko. Tumulo ang luha sa pisngi ko habang nakayuko ang ulo.

Alam ko namang ayaw nila sa akin. Dahil hindi naman nila gagawin lahat ng pang-aabuso na ito kung hindi, di ba? Pero hindi bakit parating ako na lang?

Bakit parang wala na akong karapatang magreklamo?

"Dalhin niyo na yan kay Airi. Dali. Panigurado kanina pa naiinip 'yon," utos ni Aya sa dalawa niyang kaibigan na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Bigla na lamang nila akong hinila rito at hindi man lang hinayaang binigyan ng opinyon kung gusto ko bang sumama sa kanila.

Lahat na lang ng pakiramdam nilang mas nakaangat sa kanila ay hinihila nila pababa. At isa na ako doon.

Ito rin ang resulta kung bakit hindi ko na magawang magreklamo man lang o tumingin sa mga mata nila sa tuwing bababuyin nila ang pagkatao ko—diring-diri ako sa mga tulad nila.

Halos sumubsob ako sa semento nang itulak ako sa likod ni Irene—isa sa mga alipores nina Aya at Airi. Mga kilala silang bully ng eskuwelahan namin at lahat ng mga taong walang laban sa kanila ay binabangga nila.

Kung sabagay, sino ba namang may kakayahang labanan ang anak ng principal. Hindi ba?

"Airi, nandito na kami. Tingnan mo kung sino itong dinala namin para sa 'yo," masayang pahayag ni Aya.

Naramdaman ko na lang ang paa niyang pumatong sa leeg ko habang nakaluhod ako sa semento.

"Ano ba?! Bakit late na kayo— oh! Look who we have here . . ."

Ipinikit ko ang mga mata ko nang mariin. Ayoko silang tingnan...ayoko silang makita.

"Idilat mo yang mga mata mo at tingnan mo ako, Keres. Hindi mo ba ako namiss?"

"Aray!" sigaw ako nang hilahin ng isa sa kanila.

"Sinabing dumilat ka, e! Gusto mo bang dukutin ko yang mata mo, ha?!" bulyaw ni Airi sa mukha ko.

Gustong-gusto nang dumilat ng mga mata ko pero alam kong pagsisihan ko lang kapag ginawa ko 'yon.

"Anong kailangan mo sa akin, Airi?" nanginginig ang boses na tanong ko.

Kusang napadilat ang mga mata ko at nakangising mukha ni Airi ang sumalubong sa akin nang sampalin niya ako.

"Sinabi ko na sa 'yong dumilat ka para matapos na tayo rito, hindi ba? Bingi ka ba, Keres?" patuya niyang tanong.

Kumuyom ang kamao kong nakalapag sa semento habang nakikipagtitigan sa kanya. Ito ang isa sa mga ayaw ko kapag pumapasok sa eskuwelahan. Kapag sumasapit ang break time at hihilahin na naman ako rito ni Aya.

"Kailan ka ba magsasawang mangtrip ng tao, Airi? Hindi ka pa ba naaawa sa sarili mo?"

Tumawa siya at tinampal ang noo ko. "Magsasawa? Saan? Ang pagtripan ang mga outcast na kagaya mo? Siyempre, hindi. Tinatanong pa ba yan?"

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon