Chapter 27

100 7 0
                                    

"Anong kailangan mo?"

Nilipad ng hangin ang buhok ko ngayong nasa harap ko si Summer.

Malapit na ang araw ng foundation week at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Wala namang masiyadong klase kaya busy rin ang lahat sa preparasyon para sa darating na linggo.

"Naisip ko kung ayos lang bang musical play na lang ang gawin natin para sa magiging event ng section natin next week?"

Desidido na ako sa plano ko. Kailangan ko lang din siyang makausap para mapag-isipan niya yung idea. Afterall, siya ang president ng classroom namin which is hindi ko in-expect.

Tumaas ang kilay niya. "Masiyadong magastos sa props ang musical play, hindi mo ba alam? Saka sa tingin mo ba magpa-participate sila sa gusto mong mangyari?"

Bumuntonghininga ako. Alam ko naman na mahihirapan akong kausapin siya patungkol dito pero hindi ko alam na magiging ganito kahirap.

"Then, may naisip na kayong gawin? Wala pa naman, 'di ba? Ayaw niyo ba ng bago naman? Kung props lang ang pag-uusapan, tingin mo, hindi natin magagawan ng paraan 'yan?"

Natawa siya. Halatang sarkastiko. Wag niyang sabihin sa 'kin na pati ang ganitong idea, e gagamitan niya ng katapangan niya?

"Alam mo, una palang, hindi na kita gusto eh. Masiyado kang pakialamera. Ako yung president ng classroom natin. Ako ang magdedesisyon ng kailangan nating gawin—"

"Bakit ayaw mo sa 'kin? Kasi naalala mo yung sarili mo? Kung paano ka ayawan ngayon ng mga estudyante sa eskuwelahang 'to dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa pero sinasalo mo?" putol ko sa kaniya.

Napakurap ang mga mata niya at lumunok. "Ano bang alam mo?"

"Wala naman akong planong sabihin sa 'yo ng ganito yung opinyon ko, e. Pero ikaw yung nagtutulak sa 'kin. Summer, hindi lahat ng bagay ay patungkol sa kung anumang pinagdaraanan mo ngayon. Kung galit ka, magalit ka—ilabas mo. Hindi yung ibubunton mo sa ibang tao yung galit mo dahil lang sa nafu-frustrate ka. Nagsasalita ako ngayon bilang kaklase mo na may gustong i-ambag para sa classroom natin—wag mong gamitin sa 'kin yung "pakialamera" card na minsan mo nang ginamit dahil hindi kita kinakausap ngayon para doon," wika ko.

Tinagilid niya ang ulo niya at tinulak ako. "Hindi ka ba masiyadong sumosobra na? Wala ka namang alam tungkol sa 'kin kaya baka puwede ka nang tumahimik? Ano bang pakialam mo kung binubunton ko sa iba yung galit ko? Bakit? Ikaw ba ang nakakaranas?"

Siguro nga kung may nakaligtaan akong pansinin sa isang tao—ito na 'yon. Ang mga dahilan kung bakit mas pinipili nating lumabas na masama sa ibang tao kaysa ang damdamin ang sakit na nararamdaman natin mula na gawa ng ibang tao.

"Hindi nga ako. Pero hindi mo ba napapansin na sa ginagawa mo ngayon—nagmumukha kang kaawa-awa? Tingnan mo yung sarili mo sa salamin. Tingnan mo rin kung gaano ka nasasaktan na kahit pinaparusahan mo yung bestfriend mo sa bagay na hindi naman niya kasalanan, e sinasaktan mo pa rin. Pagtapos no'n, saka mo na lang ako balikan kapag totoong tapang na ang pinakikita mo sa 'kin ngayon."

Hindi na siya nakapagsalita at tinitigan lang ako sa mga mata. Siguro nga, masiyado lang akong na-overwhelmed noon. Masiyadong nasaktan dahil kahit totoong maraming may ayaw sa akin sa mundong ito dahil sa mga mata ko—ako lang din naman ang totoong nagpapahirap sa sarili ko.

Ako ang totoong nagpaparusa sa sarili ko.

Nilagpasan ko siya at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng rooftop.

"Mukhang natatauhan ka na, Keres."

Bumaling ako ng tingin sa gilid at natagpuang nakangiti sa akin si Helldric.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon