Chapter 10

166 11 4
                                    

"Hey, loser."

Napatigil ako sa pag-inom ng juice nang marinig ang boses ni Airi sa likod ko. Talaga bang wala ng araw na hindi puwedeng hindi niya ako tantanan?

"Anong kailangan mo?" tanong ko nang lingunin ko siya.

Humalukipkip siyang naglakad patungo sa puwesto ko. Katatapos lang ng dinner at nasa loob pa rin ang mga magulang ko kasama ang mga business partner nila pati na rin ang mga kapartido.

"Hindi mo naman sinabing hindi ka pala basta-basta. Hindi ka lang loser. Isa kang mayamang loser." Natawa siya. "Alam kaya ng mga magulang mo 'yang mga kalokohan mo?"

Tumaas ang kilay ko. Kung may pagkakataon man na ayoko sanang pagurin ako ni Airi sa mga salita niya—gusto ko araw-araw sana. Pero hindi naman niya alam ang salitang "pahinga" o "tigil" kaya parati siyang nagpapatuloy. Pero ngayon, gusto ko munang magpahinga sa lahat ng kalokohan na ginagawa niya sa akin. Kahit ngayong gabi lang.

"Ano ba talagang gusto mo, Airi? Hindi pa ba sapat na may namatay ng dahil sa 'yo?"

Natigilan siya at muling natawa. "Sinong pumatay? Ako?" Tinuro niya ang sarili. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng mga pulis noong nakaraan? Ikaw ang nakita nandoon. At ikaw ang huling nasa rooftop na naabutan namin. Kaya bakit mo sa akin isisisi?"

Pinagmasdan ko siya. Palagi ko namang nakikita sa mga mata niya ang kadeterminahan sa lahat ng ito. Kailan ba hindi? Kaya maraming takot sa kaniya dahil iyon ang ipinakita niya, na matapang siya.

Pero alam rin kaya nila na ang lahat ng ito ay maskara niya lang?

O maski siya, alam niya kayang halatang peke lang ang pagmamatapang na ipinapakita niya ngayon?

"O bakit hindi ka na makasagot? Kasi tama ako, hindi ba? Pinatay mo si Elysha. Ikaw ang tumulak sa kaniya."

Umiling ako. "Hindi mo siguro alam 'to pero Airi, kung ito ang paraan mo para magcope up sa kung anong totoo mong problema—may iba pang paraan."

Kumunot ang noo niya. "Keres Morrigan, iba rin 'yang tapang mo, ha? Hindi ka nakakaramdam ng takot na baka totoo lahat ng sinasabi ko. Tingnan mo lang, pagmasdan mo kung saan ka dadalhin niyang tapang mo."

"At tinitingnan rin kita ngayon, Airi. Sa tingin mo, saan ka dadalhin niyang pangangawawa mo kapag lumabas na ang totoo?"

Tumawa siya at may kung anong kinuha sa loob ng bulsa. Isang cellphone.

"Alin ang totoo? Ito?"

Nanlaki ang mga mata ko nang p-in-lay niya ang isang video.

"You're currently under investigation for Elysha Grace Silvenia's case."

Kumuyom ang kamao ko at ibinaba ko sa bandang binti ang baso ng juice na hawak ko. Anong gusto niyang mangyari?

"Sa tingin mo kapag ipinakita ko sa mga kaklase natin 'to, ano kayang magiging reaksyon nila na nagsisinungaling ka pala? Plus the fact that you’re sister, Karina Morrigan was also bullied in our school because of you? May matutuwa pa kaya sa Daddy mo lalo na’t kahihiyan ka lang naman ng pamilya ninyo?"

Napalunok ako. "Anong gusto mo, Airi?"

"What? Wala akong gusto. Tinatanong lang kita. At kapag nalaman nilang nakapatay ka pa, saan kaya kayo pupulutin ng pamilya mo?"

Bumigat ang paghinga ko habang nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Bigla na lamang nandilim ang paningin ko. Wala sa sariling kinuha ko ang kuwelyo ng suot niyang polo. Nabitiwan ko ang hawak kong juice.

"Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung dinadamay ang pamilya ko sa mga kalokohan nila," mariin kong wika. "Kung may problema ka sa akin, sa akin lang! Huwag mong idamay ang pamilya ko rito!"

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon