Chapter 9

167 11 3
                                    

"Ma'am, nasa ICU po ngayon ang pasiyenteng si Elysha Silvenia." Tinuro ng nurse ang daan kung saan ang kasalukuyang kuwarto ni Elysha. Agad naman akong nagpasalamat.

Naisip kong dumiretso na lamang dito dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Isa pa, may gusto rin akong malaman. Napilitan rin nga akong magsuot ng contact lense ko dahil ayokong makagulo ngayon, kung sakali.

Nang makarating sa dulong hallway ay namataan ko ang mag-asawang nakatayo ngayon sa labas ng ICU room. Must be Elysha’s parents.

Kinakabahan man ay naglakas loob pa rin akong humakbang palapit sa kanila. Sa totoo lang, wala rin akong maisip na sasabihin. At alam kong iniisip rin nilang ako ang gumawa nito sa anak nila dahil lang sa sinabi ng mga tao sa eskuwelahan namin.

Tumikhim ako dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. Pareho silang mukhang walang tulog at magang-maga ang mga mata mula sa pag iyak.

"Sino ka?" nanginginig na tanong ng mama ni Elysha.

"Ako po pala si Keres . . ."

Nagkatinginan sila pareho ng kaniyang asawa bago sinenyasan akong sumunod sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito, hija?" tanong ng mama niya nang makaupo kami sa bench sa hallway.

"Sa totoo lang, hindi ko rin po alam...hindi rin naman po kami ganoon magkakilala ng anak ninyo maliban noong nagkita kami sa rooftop. Gusto ko lang po siyang bisitahin."

Tumango ang mama niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "So, you’re Keres Morrigan?"

"Opo."

Suminghap ang mama niya at sandaling umiwas ng tingin sa akin. Napayuko naman ako upang ihanda ang sarili sa mga salitang maaari kong matanggap mula sa kanila.

"To be honest, Keres, I was mad about you the first time I heard your name from the police. They were pointing fingers at you so that added to the fuel of fire. But then, I remembered I never saw you get along with my daughter. Not even once."

Tumango-tango naman ako. Dahil totoo naman. Noong araw na nakita kong nagbalak si Elysha na tapusin na lang ang buhay niya ay ang araw rin na unang pakikipag usap ko sa kaniya. Wala akong naaalalang naging magkaibigan kami noon. Dahil sino bang gustong makipagkaibigan sa akin, hindi ba?

"Pero naisip ko na baka may tinatago kang galit sa anak ko at ikaw ang dahilan kung bakit ginusto niyang tumalon sa rooftop na iyon. Hanggang sa naisip kong nagkaroon nga pala ng pagtatalo sa pagitan naming magpamilya."

Humigpit ang hawak ng mama niya sa kamay ko at hinayaan ko lang siya na gano’n. Baka wala siyang ibang paglalabasan, baka matagal-tagal rin niya itong kinimkim sa sarili niya.

"Elysha is a good daughter. Hindi niya kami kailanman sinuway ng Papa niya. Lahat ng nagiging desisyon ng anak namin ay sinisigurado niyang kasama ang opiniyon namin sa desisyon niya. Kaya naman isang araw, nagulat na lamang kami kung bakit ganoon na lang niya sirain ang buhay niya. Napatanong ako sa sarili ko kung saan ba kami nagkulang? Ano ba yung bagay na hindi namin naibigay sa kaniya para magkaganoon siya? Binigay naman namin lahat ah?"

Hindi ko maiwasang masaktan sa mga salita ng mama niya. Siguro kasi hindi ko kailanman nakitang ganito kaconcern sa akin ang mga magulang ko. Masiyado silang babad sa trabaho at parating si Ate Karina lang ang kasama ko sa bahay namin. Pero maski siya ay walang pakialam sa akin.

"Hanggang sa narealize kong sadyang may mga tao lang talagang hindi sapat para sa kanila ang atensyon na nakukuha nila kung kaya't nandadamay sila ng iba at doon na naging biktima ang anak ko ng bullying," dugtong niya. "Noong narinig ko mula sa kaniya ang totoong dahilan ng mga bangungot niya gabi-gabi ay hindi matanggap ng pagkatao ko kaya napangunahan ako ng galit. Hindi kami naniwala ng Papa niya sa kaniya at...at nagawa pa namin siyang pagbintangan na baka ginusto niya naman talaga. Na baka nagrerebelde siya sa amin dahil nitong mga nakaraang buwan ay wala na ang atensyon namin sa kaniya."

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon