Chapter 19

141 8 0
                                    

"So, kailan ka pa binu-bully ng mga 'yon?" panimulang tanong ko nang makaupo sa tabi niya.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa lamesa kung nasaan ako kanina dapat pupuwesto at libro na gusto kong basahin.

"Hindi ka naman usisera, ano?" natatawang tanong niya.

"Wala lang talaga akong maisip na tanong," sagot ko naman.

Kung titingnan nang malapitan, masasabi kong maganda si Elisha. Angat siya kaysa doon sa mga babaeng pinagtitripan siya kanina. Mukha lang siyang masungit. Magandang masungit. Manipis ang kaniyang kilay na parang laging nakataas, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, at pink plump na mga labi.

"Kaya pag-uusapan natin ang span ng bullying sa akin?"

Nahiya naman ako roon dahil para nga akong reporter na hinahalughog ang buhay niya para makagawa ng isang scope. Hindi ako usually ganito magsalita. Siguro lang, siguro dahil ito ang unang beses na makakakita ako ng taong katulad ko na binu-bully dahil lang sa pagiging iba ko.

"Hindi ah," iling ko. "Tingin ko lang, masiyado mo silang hinahayaan na gawin sa 'yo ang mga bagay na ginagawa nila. Hindi ka ba nagsasawang tratuhin na para bang kakaiba ka kaysa sa kanila?"

Kahit pa kasi sabihing sanay na ako sa ginagawa sa akin ng mga katulad nina cam girl na nang-alipusta kay Elisha kanina, hindi ko pa rin magawang masikmurang panoorin na may gumagawa ng pangmamaltrato sa akin sa iba.

"Hindi. Hindi na rin naman kasi bago sa akin 'yan. Good thing lang na nawalan na ako ng pakialam sa mga gagawin pa nila sa akin kaya parang wala na lang sa akin ang lahat. Nasanay na lang ako," kuwento niya.

Napangiwi naman ako. "Nababaliw ka na ba? Kailangan pa naging mabuting bagay ang masanay sa pangangawawa na ginawa nila kanina? Na hahayaan lang kung anong mangyari sa kaniya, at masanay na lang sa ginagawa sa kaniya. Tell me."

"Syempre, ako. Sino pa ba?" pagak siyang natawa. "You see, ito na ang realidad para sa akin. Wala nang tatanggap sa mga tulad ko. Kung meron man, iyon lang yung mga taong makakayang tingnan tayo—as in sincere  na titigan tayo without even flinching. Pero wala nang ganoon, e. Lahat ng tao ngayon, para sa kanila, ang ibig sabihin nang ipanganak sa mundong 'to, dapat fit ka."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ganito rin ang iniisip ko patungkol sa mundo. Ang hirap lang kasi kahit anong gawin ng mga katulad namin na magfit in, hindi kami pinapayagan ng tadhana. Parang hindi nga lang tao ang kalaban namin, kundi pati na rin mundo.

"So, we are what they call misfits."

Napatango-tango siya habang tulala sa harapan. "Ikaw ba? Anong kuwento mo?"
Huminga ako nang malalim bago walang pasintabing tinanggal ang suot kong eye patch. Dito ko lang naman siya makikita at hindi pa ako sigurado kung makikita ko siya ulit kaya susulitin ko na ang paglaladlad ko.

"I have a heterochromia iridic," panimula ko.

Humarap siya sa akin at napaawang ang kaniyang labi. Yumuko na lang ako kaagad dahil hindi ko matagalan ang titig niya. Nahihiya ako para sa kaniya dahil kinailangan niya pang makita ang mga nakakadiring mga mata ko.

"Your . . . eyes . . . are . . . beautiful."

"Gusto kong paniwalaan pero alam kong hindi. Ang mga matang 'to ay mata ng isang halimaw. Halimaw raw ako, sabi nang karamihan."

"Bakit namumula 'yang kaliwang mata mo?"

Napahaplos naman ako sa mata kong 'yon. "Ah, ito ba? Tinusok lang ng balisong ng classmate ko."

"Tinusok lang? Paanong nila-lang mo lang ang bagay na 'yan? Puwede kang mabulag dahil sa ginawa niya," hindi niya mapakaling sambit.

Sa loob-loob ko, natutuwa ako dahil may concern pa pala sa akin na ibang tao. Although, maaaring naawa lang siya sa akin o sinasabi niya lang 'to para wala siyang utang na loob sa akin dahil sa ginawa kong pagtatanggol sa kaniya kanina.

"Sana nga mabulag na lang ako, e. Sawang-sawa na akong panoorin kung paanong ang mga taong tinuturing tayong halimaw ay nagiging halimaw na. Kaso isang mata lang ang nabulag."

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "I’m sorry, I didn’t know."

"Ayos lang. Hindi rin naman dapat ika-proud iyon."

Bumuntonghininga siya. "Pero alam mo yung maganda sa pagiging hindi fit in? Iyon ang katotohanang hindi natin kailangang makisabay sa uso kung saan paglilipasan lang ng ilang araw, tunaw na. Kumbaga, the last stand man ang peg na kung saan, kung gaano karami ang sumabay noong pumatok, sa huli, matira matibay sa kung sino ang matitira. Hindi natin kailangan iyon dahil unique tayo. Maaaring imbes na maki-join sa bandwagon, tayo ang tinatawag nilang trendsetter. Kahit pa wala namang gagaya sa atin, ayos lang. Mas mabuti nga 'yon. Cuz being different—"

"—is a uniqueness, yep. That's my motto. Pero hindi ko lang mapigilan minsan. Sobrang hirap nang nangyayari sa akin, at alam kong hindi iyon deserve maranasan ng iba, Hindi ko iyon kaya," patuloy ko sa sinabi niya.

Talaga ba, Keres? Kailan mo pa naging motto ang mga salitang 'yon?

"What can we do? Hindi naman tayo magdidikta kung dapat bang iba ang tingin nila sa atin o pantay lang, e. Isa pa, kita mo ba yung babaeng 'yon?" Tinuro niya sa akin yung babaeng ilang lakad ang layo mula sa amin. Naka-long sleeve ito at mukhang seryosong-seryoso sa pag-aaral.

"Nike Biasca . . ." Bulong ko.

I know her. Hindi naman ganoon kalawak ang Peterborough at kahit pa taga ibang lugar sila ay makikilala ko pa rin siya at kilalang violinist siya. Nag-champion sa school namin noong nag-held ng DSPC ang campus namin. "Her arms are made of metal," dagdag niya pa.

"Just like Queen Elsa . . ."

"That's right. Though, it's a different case with Queen Elsa. Still, may narealise ka ba?"

Napalingon ako sa kaniya. "Ha?"

Ngumiti siya sa akin. "Tinago ni Queen Elsa ang kamay niya dahil alam niya ang kakayahan na nagagawa ng kamay niya. Lahat nang mahahawakan ng kamay niya ay nagiging yelo, di ba? At si Elsa ay isang reyna. Ang kaharian kung saan siya nagrereyna ay natakot matapos matuklasan ang kung anong puwedeng magawa ng kamay niya. Tinago rin ni Queen Elsa ang sarili niya sa lahat, sa takot na baka malaman ng lahat ang pagiging iba niya sa kanila. At kagaya lang tayo ni Queen Elsa. Tinatago ang sarili sa lahat, natatakot sa mga reaksyong maaaring matanggap. Tinatanggap ang mga reaksyon kahit gaano pa kasakit. Parating mag-isa sa dilim. Walang kakampi."

Kaya sa buong disney princesses, si Queen Elsa ang bias ko. Siya ang paborito ko dahil nakikita ko rin ang sarili ko sa kaniya. Lalo na noong mga panahong tinanggal ni pandak na white hair ang gloves ni Queen hanggang sa malaman nila na nakakagawa siya ng yelo mula sa paghahawak niya ng mga bagay.

"Pero alam mo ba? Anna represents other people. Si Anna yung nag-push kay Elsa na lumabas sa comfort zone niya kaya nahanap rin ni Elsa yung lugar niya. Hindi man doon sa Arindelle. Still, naging lugar para sa kaniya kung saan tanggap siya ng lahat. And that enough means we still have places that we can go and we can feel that we are belong. Hindi mo ba naisip na kung hindi dahil sa mga kaklase ko, makakausap pala kita at masasabi ko rin sa 'yo ang mga iniisip ko? Funny how destiny plays, right?" natatawang aniya.

"Bakit ang optimistic mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Nawala ang ngiti niya kaya nagtaka ako. "I'm not being optimistic. I'm scared."

Sa kabila nang mga sinabi niyang iyon ay isa lang ang napagtanto ko. May lugar ako sa mundong 'to. Tulad na lang dito sa library, sa kuwarto ko. Hindi man sa lugar kung nasaan ang mga taong ipinapamukha ang pagkaayaw nila sa akin. Still, may lugar ako.

Iyon ang pinakamahalaga sa lahat.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon