Chapter 2

263 18 3
                                    

Sinubukan kong muling kumatok sa pintuan kahit pa alam kong wala ng tao pa sa labas dahil gabi na. Malamang ay kanina pa rin ang uwian.

"Palabasin niyo na ako rito!"

Wala akong ibang ginawa kundi ang humikbi, ilang oras na rin ang nakalilipas simula nang iwanan ako rito nina Airi.

Alam kong nakamamatay ang pag-aakala pero hindi ko inakalang kaya niyang panindigan ang pagiging walang puso niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pati ang kahinaan ko ay kailangan niya pang gamitin laban sa akin.

Natigilan ako nang marinig ang kakaibang ingay. Yung ingay na parang sa palabas mo lang maririnig na kung saan may nakakapanindig balahibong inaatras na bagay yung taong nananakot sa bida. Sabayan pa ng hangin na nilipad ang itim na kurtina ang nakapagpanginig sa akin.

Lumingon-lingon ako kahit pa ang dilim sa loob ng kuwarto. Gusto ko na lang muling umiyak.

Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito? Wala naman akong ginawang masama, e. Gusto ko lang namang ipaglaban ang sarili ko. Gusto ko lang ilahad ang mga narinig ko...ang mga nakita ko.

Yung mga taong katulad ni Airi na kayang lumagpas sa ganitong linya lang ang takot sa katotohanan. Hindi nila kayang tanggapin sa mga sarili nila kaya ibinubuntong nila sa iba ang frustration nila.

Muling tumama ang tingin ko sa nililipad na kurtina at nanlaki ang mga mata ko ng parang may kung ano akong nakita. Naalala ko rin ang kuwento ng babaeng namatay sa abandonadong building na ito dahil sa pambubully na naganap sa kanya. Umiling ako.

Hindi naman siguro . . .

Tama. Hindi naman siguro ito yung classroom na yun kung saan siya namatay, hindi ba?

Minsan ay gusto ko na ring magalit sa mata kong kulay asul dahil sa linaw kong makakita sa dilim kahit pa glimpse lang 'yon.

"Please...please wag po ngayong araw," dasal ko nang marinig kong biglang tumunog ang kabilang pinto.

Nasa may blackboard ako banda at sa kabilang parte ng classroom kung saan kalinya lang din ang isang pinto ay may kung anong kumakatok.

Nagsimulang lumakas ang pagkatok at parang mabigat ang kamay ang gumagawa no'n dahil sa madidilim na bagsak sa pinto.

"No, Ma . . . Please . . ."

Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko para hindi ko na marinig pa nang unti-unting bumukas ang pintuan at halos isiksik ko na ang sarili ko sa ilalim ng blackboard kahit walang pagsisiksikan. Kakaibang tunog ang pumalahaw sa loob ng classroom at ang umuwi na lang ang gusto kong gawin.

"Tama na! Tama na! Please!"

Hindi ko na mapigilan ang humagulgol nang may tumigil sa aking paanan at biglang sumalida sa harapan ko.

Malakas akong sumigaw nang marinig ang halakhakan. Wala na akong pakialam kung nanakit pa ang katawan ko dahil basta ko na lamang binangga ang kung sinumang tao sa harapan ko at halos gapangin ang distansya palabas ng classroom.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong gumawa n'on. Kung sino man 'yon, alam kong habang buhay akong babangungutin ng pananakot niya.

Malamig na hangin ang yumakap sa akin nang makaalis sa abandonadong building na 'yon. Hindi ko na rin napansin ang guard na sinubukang kausapin ako dahil ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nawala man ang takot ko sa mga tulad ni Airi ay napalitan naman ito ng takot ko sa mga taong maaari kong makita sa dilim.

Dahil alam kong hindi lang simpleng multo o mananakot ang makikita ko roon.

Kundi pati na rin ang multo ng mga taong pilit nagmatapang pero sadyang mahina rin ang kalooban.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon