Chapter 20

151 10 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng blank document ng Word 2016 ko. Simula nang marinig mula kay Elisha ang mga patungkol sa situwasyon naming misfits ay naniniwala akong malaki ang mundo at maaaring may lugar pa rin kami kung saan tanggap kami ng lahat na hindi namin kakailanganin pang ipilit ang sarili namin sa ibang tao.

Sinilip ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa gilid ng laptop ko. Tanging lamp shade lamang ang nagbibigay ilaw sa akin at kita kong buhay na buhay ang pula at asul kong mga mata. Hinaplos ko ang mata kong tinusok ni Honoka ng ballpoint pen kaninang umaga. Hindi naman na 'yon masiyadong namumula ngunit ramdam ko pa rin ang hapdi nito.

Bumuga ako ng hangin habang iniisip na masiyadong naging mahaba ang araw na ito para sa akin. First day na first day of school pero iba't ibang klase na agad ng tao ang nakilala ko. Ngunit dalawa lang ang na-classified ko sa bawat taong nakilala ko.

Ang tanggap ang sarili nila at ang taong hindi tanggap ang sarili nila.

Nasabi sa akin ni Christelle na wala masiyadong club ang eskuwelahang ito dahil hindi naman masiyadong mahilig ang mga estudyante rito sa mga gano’n. Hindi yata na-research ng mga magulang ko nang maayos ang tungkol sa eskuwelahang ito pero puro tapunan daw ito ng mga delinquent. Pero dahil sa sinabi niya at sa sinabi ni Elisha rin sa akin kaninang umaga, naisip kong bigyan na rin ng spotlight ang boring kong buhay.

". . . we still have places that we can go and we can feel that we belong."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago napagpasyahang i-exit muna ang Word 2016 ko at dumiretso sa Google. Mabilis kong itinipa ang mga tungkol sa ibang terminology ng journey, word na may 'free will' ang ibig sabihin, at iba pang patungkol sa mga cases na katulad sa akin.

Naisip kong desidido ako sa balak kong pagtatayo ng club kaya kailangan ay magpursige ako.

Hindi lang ito para sa akin kundi para na rin sa mga tulad kong paulit-ulit pinararamdam sa kanilang wala kaming lugar sa mundong 'to.

Lumabas ang salitang Bohemian, Voyage at Eccentric.

Alam kong hindi lang ito tungkol sa pagtanggap ko sa aking sarili. Kung desidido akong tulungan ng ibang tao, alam kong kailangan ko ring tulungan ang ibang tao sa abot nang makakaya ko.

Huminga ako nang malalim at pinatunog ang mga daliri ko. "Okay, let's do this."

Kinuha ko ang journal notebook ko na hindi ko pa nagagamit at binuksan iyon sa harapan ng laptop ko. Nagsimula na akong magsulat ng mga objectives at kakailanganin para mabuo ang Misfits Club.

***

Mahahaba ang bawat hakbang ko papunta sa classroom namin habang mahigpit ang hawak sa aking journal notebook. Napag-isipan kong ngayong umaga ko na kakausapin si Helldric—ang presidente ng Student Council—bilang siya ang tagapamuno ng eskuwelahang ito. Naisip kong piliin ang mga taong isasali sa club na ito dahil na rin sa private school ito kaya palagay ko naman ay may class pa rin ang mga tao rito.

Nang makapasok ako sa classroom ay wala akong naabutang maski anong anino ni Christelle, siya ang may alam sa mga pasikot-sikot dito. Naisip ko ring baka nasa Student Council Room siya bilang treasurer raw siya rito kaya napag-isipan kong doon na lang din dumiretso kaagad dahil hindi ko matanggal sa isipan ko ang mga idea na naisip ko patungkol sa club.

Hindi ako sigurado kung gagana ba pero at least alam kong may nagawa ako para sa sarili ko at para sa ibang tao. Pagkakaibigan na main objective ng club na ito at isinama ko sa idea, kahit pa mahirap dahil kung ako nga ay nahihirapan, ang iba pa kaya? Ngayon, hahanapin ko ang purpose ko sa mundo.
Kung hindi man para sa akin ang mundong 'to, maaaring para sa iba.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon