Chapter 4

206 14 2
                                    

Napabangon ako nang marinig ang kakaibang tunog na nagmumula sa labas ng kuwarto.

Napalingon ako sa night stand at pinulot doon ang telepono kong nakalapag—naiwan ko pala ito kaninang umaga kaya hindi ko dala sa eskuwelahan—nakita kong alas tres pa lamang ng umaga.

Bumuga ako ng hangin. Hindi ako sanay na nakapatay ang ilaw kapag natutulog dahil nga sa takot ko sa dilim.
Halos mapaigtad ako nang may kumalabog sa pintuan.

Wala lang 'yan, Keres. Wag mong pansinin, pangungumbinse ng isang parte ng utak ko.

Sino bang nasa matinong pag-iisip ang kakatok ng ganitong oras, hindi ba? Wala. Wala lang 'yan . . .

Hindi. Hindi siya wala lang. Dahil tulad nang naranasan ko kanina ay unti-unting bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Wala akong narinig na susing sinubukang ipangbukas sadyang nabuksan lang.

Maagap kong pinulot ang telepono at akmang tatawagan si Kuya Kiro ng mag-shut down ang telepono ko.

"Keres . . ."

Hindi na ako nagkaroon pa ng panahong tumawag sa kahit na sino nang marinig ang malamig na boses na 'yon. Halatang dala ng hangin. Halatang hindi normal na boses.

Mabilis akong humilata sa kama at nagtalukbong.

"Keres . . ."

Pinilit kong matulog. Mariin akong nagpikit ng mga mata hanggang sa napasigaw ako sa humawak ng paa ko dahilan muli akong mapabangon at sumalubong sa akin ang maliwanag na sinag ng araw.

Masiyadong mabilis ang tibok ng puso ko at kahit malamig sa kuwarto ay ramdam ko ang pamamawis ko.

"Ma'am Keres, Ma'am! Ayos lang po ba kayo?"

Naging malikot ang mga mata ko at natagpuan ang titig ng mga katulong na naghahanda ng kuwarto ko. Binuksan na rin pala ang kurtina kung kaya't natamaan na ako ng sinag ng araw.

"Ma'am, ano pong nangyari?"

Napabaling ako sa katulong na siyang nakahawak sa paa ko. "Wala po, Ate . . ."

"Binabangungot po kayo, Ma'am. Kanina pa po namin kayo sinusubukang gisingin," malumanay na wika niya.

Hinawakan ko lamang ang dibdib ko at muling napapikit hanggang sa maging kalmado ako.

"Salamat po . . ."

Hindi na siguro talaga ako tatantanan pa ng takot na nararamdaman ko.

M

aaga akong pumasok ng araw na 'yon.

Mukha ring kahit sa sariling tahanan ko ay hindi ko na magawang magtiwalang walang masamang mangyayari sa akin.
Naniniwala na rin akong kadikit na talaga ng malas ang pangalan ko dahil sa sunod-sunod na masamang pangyayari ang nararanasan ko.

"Ang lakas din ng loob ni Keres na pumasok."

"Balita ko, nakulong daw siya sa abandoned building kagabi tapos umuwing takot na takot."

"Talaga? Ang tanga naman niya para pumasok doon. E alam naman niyang abandoned nga."

"Gaga, barkada kasi nila Airi yung nagkulong sa kanya r'on."

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon