Chapter 12

146 13 0
                                    

"Anong sa tingin mo ang ginawa mo, Keres?!"

Nakauwi na kami ni Kuya pero wala pa ring ibang nasa isip ko kundi ang desisyon ng committee na para bang hindi nila pinag isipan.

"Alam mong nagsimula na ang campaign period ko tapos ngayon ka pa gagawa ng gulo?"

"Dad, hindi kasalanan ni Keres ang nangyari. Hindi nag imbestiga nang maayos—"

"Isa ka pa, Kiro," agad na putol ni Daddy sa kaniya. "Anong pumasok sa isipan mo at sumabat ka pa sa usapang iyon? Hindi niyo man lang inisip ang kahihitnan ng lahat ng ito!"

Napalunok ako. Wala akong ibang gustong gawin ngayong araw kundi ang magpahinga. 'Yon lang.

Dahil hindi rin naman nila maibigay yung supporta na siyang kailangan ko sana.

"Sumagot ka, Keres! Ano? Hanggang kailan mo ba ako kailangang ipahiya? Ha?"

Tinakpan ko ang nanginginig na labi ko mula sa nagbabadyang luha na gustong bumagsak.

"Hindi ko naman po 'yon ginawa, e . . . Bakit ba walang naniniwala sa akin?" naiiyak kong tanong. "Dad, bakit hindi niyo man lang magawang maniwala sa akin?"

"Dahil sinungaling ka! Maraming tao ang nagsabing nakita nilang sinampal mo yung anak ng Principal ninyo! Paano kita paniniwalaan?!"

"Kasi sinasaktan po nila ako! Kung hindi ko man lang ipaglalaban ang sarili ko—sino na lang ang gagawa nun para sa akin?" hikbi ko. "Dad, pagod na pagod na ako. Wala akong matakbuhan. Wala akong mapagsabihan. Wala akong kahit na sino! Anong gusto ninyong gawin ko?"

"At nagresort ka sa pananakit? Ganiyan ka ba namin pinalaki, ha, Keres Esmeray?" singit ni Mommy.

"Sabi ko naman sa inyo, magiging pabigat lang siya lalo kapag ipinakilala ninyo sa maraming tao bilang anak ninyo. See? Anong nangyari? Nagsisimula ka palang, sisirain ka na agad," walang emosyong sambit ni Ate Karina.

"Bakit kapag ako mali? Bakit kapag si Airi, self-defense? Wala na ba talaga akong karapatang magsalita? Bakit? Dahil sa mga mata ko? Dahil destructive para sa inyo? Kasalanan ko po ba na nagkaganito ako? Hindi naman, di ba? Pero bakit pati yung pagkatao ko kailangan madegrade ng ganito?"

"Dahil mali ka naman talaga," agad na sagot ni Ate. "Paano ka ipaglalaban kung mali naman 'yang gusto mong ipaglaban?"

Kumuyom ang kamao ko. "Ate, naiintindihan ko. Sinusubukan kong intindihin kahit hindi ko na alam kung dapat bang ginagawa ko ngang intindihin ka ngayon. Pero . . . bakit? Bakit mo ba ako ginaganito? Anong ginawa ko sa 'yo?"

Tinagilid niya ang ulo niya at wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi galit.

"Bakit? Dahil malas ka! Hindi lang sa akin kundi sa pamilyang ito. Minsan, hinihiling ko na sana hindi na lang kita naging kapatid kasi alam mo 'yon? Nakakairita ka."

Dahan-dahan, bumibigat ang paghinga ko. Unti-unti ay nahihirapan na akong huminga. Habang nakatitig sa mga mata niya. Isa lang ang masasabi ko . . . hindi na siya yung kapatid kong nakilala ko.

"Karina, watch your words. She is still your sister," banta ni Mommy.

"Kaya nga mas nakakairita, 'Mmy e. Dahil may kapatid pa pala akong Keres ang pangalan niya." Umirap siya sa akin.

"Hanggang kailan mo tatratuhin ng ganiyan yung kapatid natin, Karina? Walang ginagawang masama sa 'yo si Keres," ika naman ni Kuya.

"Huh? Wala? Nakalimutan mo na bang dahil sa kaniya ay na-bully ako noon? I suffered anxiety and depression because of her! Ayaw ko nang pumasok dati sa takot na baka hindi na naman ako tigilan ng mga estudyante sa mala impyernong eskuwelahan na iyon. All because of her!" bulyaw niya habang nakatitig sa amin. "Tapos sasabihin mo ngayong wala siyang ginawa? Huh?"

Siguro nga . . . kasalanan ko talaga. Hindi ko magawa siyang tingnan. Pero hanggang kailan ko ba dapat pagbayaran? Kasi nakakapagod na.

"Hindi kasalanan ni Keres iyon, Karina. At hindi mo rin kasalanan na masiyadong makikitid ang utak ng mga kaklase mo. Pero hindi mo dapat pinaparusahan ng ganiyan si Keres kasi kung ganiyan ka, sino na lang ang tatanggap sa kaniya? Kung ganito niyo siya pagsalitaan, paano na lang niya matatanggap ang sarili niya?" mahabang litanya ni Kuya.

"Enough! Dahil na-expelled na rin naman si Keres. Isa na lang ang solusyon sa lahat ng ito," sambit ni Daddy.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.
"You need to transfer school in the city, Keres."

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon