Chapter 14

153 9 1
                                    

"Keres, gising ka na ba?"

Unti-unti kong minuklat ang mga mata ko ngunit agad akong nagtaka nang madilim ang paningin ko sa kaliwang parte ng mata ko.

"Anong nangyari? Bakit ang dilim? Nakakahilo ang paningin ko!" panic kong sigaw.

"Keres, keres, kumalma ka muna. Hm? Magiging ayos rin ang lahat."

Nang tingnan ko ang gilid ko ay natagpuan ko si Kuya Kiro na nakatayo at sinusuklay ang buhok ko.

"Kuya, bakit . . . bakit ganito? Bakit ang dilim?"

Sinubukan niyang ngumiti ngunit agad ding napangiwi. Iniisip ko kung ano ba yung huling nangyari sa akin para magkaganito ang paningin ko. Ayos pa naman kanina bago ako umalis—

Airi.

Siya ang may gawa nito. Sila.

"Sabi ng Doctor, magiging ayos ka rin. Kinakausap pa nila Daddy para ayusin ang tungkol sa eye surgery mo. Pero sa ngayon, ayos ka na, Keres. Maayos ka na."

Nagsimula na namang manlabo ang paningin ko dahil sa luha.

"Kuya, hindi naman ganito kaninang umaga 'to, e . . . bakit ganito na?" naiiyak kong sambit.

"Keres, please be patient. Aayusin rin nila 'yan. Magiging maayos ka rin, hm?"
Natigilan lamang si Kuya nang bumukas ang pintuan at iniluwa no’n si Ate Karina. Hindi ko siya matitigan nang maayos dahil nga madilim na ang isang paningin ko.

Agad akong nag iwas ng tingin.

"Karina," bati ni Kuya Kiro sa kaniya.

"Kuya, can I please talk to her for a while?"

Napalunok ako. Ito ang unang beses na narinig kong mag beg si Ate para lang makausap ako. Dahil noon, hindi niya magawang gawin sa akin 'yan kahit anong paki usap kong kausapin na niya ako.

"Please don’t stressed her out, Ka. Hindi pa maganda ang lagay ni Keres."

Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Kuya Kiro pero narinig kong bumuntonghininga siya.

"Lalabas muna ako, ha? Mag usap kayo ng Ate Karina mo."

Aalis na sana siya nang mapahawak ako sa braso niya. Nararamdaman ko na ang takot.

"Kuya, wag mo 'kong iwan . . ."

"Hindi naman kita iiwan, Ke. Sa labas lang ako. Kailangan niyo rin 'to ng Ate mo. Hm?"

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya kaya wala akong nagawa. Paulit-ulit lang akong napapalunok kahit wala na akong laway na mailulunok pa.

Nang marinig ko ang tunog nang pagsarado ng pintuan. Nagkaroon na nang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" panimula ni Ate.

Hindi ako nagsalita. Naubusan na rin naman ako nang sasabihin sa kaniya.
Siguro kung noon ito, ang dami kong gusto pang itanong sa kaniya tulad ng "talaga bang dahil sa mga mata ko, kailangan natin magbago?" at "hanggang kailan ko dapat tanggapin ang galit mo sa mga pangyayari?" pero naisip ko, ano pang halaga no’n?

Talaga nga namang nakakagalit kung magkakaroon siya ng kapatid na tulad ko. Noong naranasan ko lahat ng ito mula kay Airi, napatunayan ko nang kasalanan ko talaga kung bakit ako tinatrato ng ganito ng ibang tao.

"Keres, I’m sorry . . ."

Natigilan ako. Anong sinabi niya?

"I’m sorry kasi dahil sa akin nasasaktan ka ng ganiyan ngayon. I’m sorry dahil kailangan mo pang mapagdaanan lahat ng ito."

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon