Chapter 29

173 5 0
                                    

Nandito kami ngayon sa garden.

Kanina pa walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala rin naman akong maisip na sabihin kaya hinayaan ko na lamang siya.

Pero kung may nararamdaman man ako—kakalmahan na lang 'yon sa situwasyon namin.

Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya kung paano.

Sa ilang linggo naming paghihiwalay ng landas ni Airi ay wala na akong naging panahon para isipin pa ang mga nagawa niya at ginawa niya sa 'kin. Siguro isa na rin sa dahilan ay ang mga nangyari rin sa Queenstown at ang mga naging realizations ko habang nandoon ako sa lugar na 'yon.

Nagkaalam ako sa mga bagay na hindi ko man lang nagawang madiskubre habang nandito ako noon.

Lumaki ang mundo ko kahit pa halos paikot-ikot lang ako sa iisang lugar. Pero dahil sa mga taong nakasalamuha at nakilala ko . . . pakiramdam ko ay may nabuksan na pinto sa buhay ko dahil sa mga natutunan ko.

"To be honest, I admire you for being so brave and independent," panimula ni Airi.

Lutang akong lumingon sa kaniya. Nakaupo kami sa swing pero ang tingin niya ay diretso sa harapan at hindi man lang makatingin sa 'kin.

"I was frustrated for three consecutive years because of my father pressuring me to do things."

Yumuko ako dahil sa nakita ko kaagad ang pamumula ng mga mata niya.

Hindi ko akalain na sa unang pagkikita ulit namin, e ito ang bubungad pa sa akin. Truthfully, na-consider ko naman na baka may rason siya. Pero hindi ko lang din magawang i-justify dahil hindi kailanman naging maganda ang ideya na i-vent out sa iba ang frustration ng isang tao.

"When Elysha's mother came to talk to me at the center and told me things about what the two of you had talk about, wala akong ibang inisip kundi kasalanan mo at deserve mo lang ang bagay na 'yon," wika niya.

Isa sa mga bagay na napansin ko kay Airi, she is so brutally honest. Wala siyang sinusugar coat sa mga salitang sinasabi niya. Isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit iniiwasan siya ay masiyado siyang matapang at straight forward.

Somehow, wala na rin akong ibang maramdamang galit sa mga naririnig ko ngayon mula sa kaniya dahil ayoko na ring masiyado pang mag-dwell sa mga pinagdaanan namin noon.

"Ikaw lang ba ang nahihirapan? Ako rin naman ah? Yun ang mga bagay na iniisip ko noong mga panahong 'yon. Hindi ako naging mabuti, inaamin ko 'yon. At isa sa mga bagay na nagsasalba na lang sa 'kin sa mga panahong 'yon ay ang pride ko pero na-realize kong inferiority complex ko na pala ang umiiral sa 'kin at hindi dignidad ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang nayukong pinakikinggan lang ang mga sinasabi niya.

"Sabi niya, nakikita niya raw ang anak niya sa 'yo at nakikita naman niya si Elysha sa 'kin. Dahil minsan na ring naging frustrated si Elysha sa mga magulang niya at naging pressured siya noon. Thinking about that, kaya lang naman ako naging ganiyan dahil sa Daddy ko. Simula nang mamatay si Mommy ay wala na siyang ibang ginawa at sinabi kundi gusto niyang maging perpekto ako. Kaya sa lahat ng mga ginagawa ko ay nakakalusot ako dahil na rin sa kaniya."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ito ang unang beses na nakarinig ako ng side story at hindi ito ang unang beses na may nagkuwento sa 'kin patungkol sa ganitong bagay.

Pero iba pa rin ang impact dahil si Airi na ang nagsasabi nito ngayon. At hindi siya yung klase ng taong magsasabi ng ganito sa taong kinaayawan niya noon.

"I want to say sorry for losing your eyesight, Keres. Alam kong walang magiging kapatawaran ang ginawa ko sa 'yo . . . I was so heartless. I am not human. Simud noong mahuli si Daddy sa mga illegal transactions niya using the name of our school, doon ko lang naisipang gawin ang pinagagawa ko sa 'yo noon."

Napatingin ako sa kaniya. Anong pinagagawa?

"I looked myself in the mirror and realized how pity I am. Tama ka nga nang sabihin mo sa 'king nakakaawa ako and it was wrong of me to justify myself just because my father pressured me to do things I don't actually wanted to do because all I want . . . is to have friends. A real one."

Natawa siya. "My friendship with Aya and Irene are toxic at nito lang din nag-sink in sa 'kin na hindi pala kaibigan ang turing nila sa 'kin lalo na noong naghanap ng way out ang mga magulang nila para sa kanila at ni hindi man lang nila ako kinausap na matapos no'n. Actually, hindi pa tapos ang stay-in days ko sa center. Minsan, mas gusto kong doon na lang dahil pakiramdam ko, safe ako roon. I used to think na mas lalo kong maabuso ang kapangyarihan kong hindi na tumigil sa ginagawa ko kapag nandoon ako pero unti-unti . . . nakikita ko na kung saan ako totoong nabe-belong."

Naalala ko yung mga panahon kung saan ay minsan na ring nasabi sa 'kin ni Airi na wala akong lugar sa mundong 'to pero ngayon—pakiramdam ko nahanap ko na.

"Hindi ko naman inaasahan na mapapatawad mo 'ko. Pero gusto kong malaman mo na pinagsisihan ko ang lahat at nagpapasalamat ako sa 'yo dahil ikaw yung nagpa-realize sa 'kin kung saan yung dapat na lugar ko at sa sarili ko 'yon. So yeah, thank you . . . Keres."

Bumuntonghininga ako at sa unang pagkakataon sa tatlong taon na puno ng galit at takot ako sa pinaggagawa niya ay napangiti niya ako.

Para akong binunutan ng tinik sa puso.

"You made me stronger, Airi. Thank you."

Pagtapos nang usapan na 'yon, alam ko sa sarili kong mas buo na 'ko ngayon.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon