Chapter 3

240 13 3
                                    

I have a complete heterochromia iridic.

Isa siyang case na pagkakaroon ng kumpletong pagkakaiba ng kulay ng mga mata. Ang kaliwang mata ko ay kulay asul habang kulay kape naman ang nasa kanan. Kaunting tao lang ang nakararanas ng tulad sa akin. Kadalasan, mga tiga ibang bansa pa ang iba. Dahilan kung bakit maraming tao ang may ayaw sa akin dahil para sa kanila, hindi tao ang mga may ganitong klase ng mga mata.

Hindi lang isang tao ang tumatawag sa akin ng pusa, mutant, alien o di naman kaya'y halimaw sa pagkakaroon ng ganitong klaseng mata. At hindi ko maintindihan noon kung ano nga bang pinagkaiba namin at maraming galit sa akin dahil sa situwasyon ko.

"Keres, mabuti naman at naisipan mo pang umuwi. Akala ko habang buhay ka na lang sa labas eh."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Ate Karina sa sala. Siya ang pangalawang kapatid ko.

"Ate . . ."

Gusto kong sabihing pagod na ako at kung ano mang gusto niya ay ipagpabukas na lang niya. Pero syempre, sino ba ako para kontrahin siya? Gayong mukhang ang dami niyang gustong sabihin.

"Wala sina Mommy at Daddy dahil inaasikaso ng Daddy ang campaign niya. Alam kong alam mo naman ang tungkol doon, hindi ba?"

Hindi na ako tumuloy na umakyat sa itaas. Alam ko ang tungkol sa pagtakbo ni Daddy sa lalawigan na ito. At kung ano mang sasabihin ng kapatid ko ay may kinalaman iyon sa pagtakbo ni Daddy bilang gobernador.

"Opo."

Pero ano pa nga bang dapat na kinalaman ko doon? E hindi ko naman naranasang ipakilala ng pamilya namin bilang bunsong anak ng pamilyang ito. Kaya maraming estudyante sa eskuwelahan namin na malakas na ituring akong basura ay dahil hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit ako Morrigan.

Bakit pa?

Mukhang wala rin namang balak na ipakilala ako ng mga magulang ko bilang Keres Morrigan, parte ng pamilya nila eh. Ganoon din nila ako ikinakahiya dahil sa pagkakaroon ko ng ganitong mga mata.

Hindi man nila sinasabi pero alam kong halimaw rin ang tingin nila sa akin.
Paano ko nasabi?

Dahil ganoon ako tingnan ng kapatid kong nakasimangot ngayon sa harapan ko.

"The next day, pupunta rito ang mga photographer at iilang mga media para interviewhin sina Daddy. Of course, we should be complete. Kaya puwede bang wag ka muna magpakita sa araw na 'yon? Umalis ka ng mansyon kung gusto mo."

Hindi na ako dapat pang magulat pero hindi maiwasang umawang ng labi ko.

"Bakit, Ate? Akala ko ba complete—"

Tumango-tango siya. "Kaya nga. Complete. We are already complete without you, little sister. Pero syempre, ipapaalala ko lang ulit sa 'yo dahil mukhang balak ka pang ipakilala nina Daddy sa araw na 'yon. Hindi mo naman gugustuhing masira ang araw na 'yon para kay Daddy, hindi ba?"

Kumurap ako. "Pero . . ."

"Keres, hindi ka worth it ipakilala. Pagmasdan mo nga ang sarili mo at kaming pamilya mo. Tingnan mo kung anong pinagkaiba sa atin. Malaki ang diperensya at baka pagkamalan pa tayong aswang ng media. Gusto mo ba 'yon?" matabang niyang ani sa akin.

Alam niya namang kahit na anong sabihin niya sa akin ay makukumbinse niya ako. Ganyan ko kamahal ang kapatid ko. Kaya kong ibigay sa kanya lahat ng gusto niya, kahit pa ubos na ubos na ako. Naranasan ko pa rin namang mahalin niya, e. Noon.

"Keres?" tawag niya sa pangalan ko.

"Opo, Ate . . ."

Umirap siya sa akin ngunit ngumiti rin. "May silbi ka pa rin pala. Akala ko magiging pabigat ka pa rin sa pamamahay na ito. Hala sige, umakyat ka na sa kuwarto mo."

Napalunok na lang ako at mabilis pa sa alas kwatrong umakyat sa itaas gaya ng utos niya.

Tatlo kaming magkakapatid ngunit kami lang ni Ate Karina ang kasama nila mommy rito sa bahay. Ngayong nabalitaan ko nang nag-aasikaso na si Daddy para sa campaign niya ay malamang sa malamang, pauuwiin na nila ulit si Kuya Kiro. Hindi kasi siya rito nakatira. Samantalang, si Ate Karina naman, ganoon lang kami mag-usap parati. Kapag may kuwenta at silbi na ako sa kanya. Pero kapag wala, lalait-laitin niya ako hanggang sa makuntento siya. Tingin ko, sa ganoong paraan lang din siya nabubuhay.

Nanghihina akong napaupo sa harap ng tukador ko. Pinagmasdan ko ang walang kalaman-laman na vanity table at tanging isang bilog na lalagyanan lang ang nandoon. Ang lagayan ng contact lense ko.

Hindi ko ginagamit 'yon dahil nang minsan kong sinubukan ay sumakit lang ang mata ko. Nakakaya ko namang tagalan pero isang araw lang. Dahil namumula ang mga mata ko kapag tinatanggal ko na.

Ang Ate Karina ang nagregalo sa akin no’n. Aniya kailangan kong suotin parati 'yon dahil kung hindi ay malalagot siya sa mga kaibigan niya. Siguro ito na rin ang resulta ng galit at inis na ibinubuntong niya sa akin ngayon. Dahil minsan na akong nahuli ng isang kaibigan niya noong high school na nagtanggal ng contact lense at nabalandra ang contact lense ko. Nilait siya at pinagtulungan dahilan rin kung bakit siya inilipat ng ibang eskuwelahan at naiwan ako.

Dahil inaatake na siya ng anxiety at depression dahil sa ginagawa ng mga kaibigan niyang binubully siya dahil sa mga mata ko.

Simula rin noon ay sa akin naman nabaling ang atensyon na natatamasa ko ngayon. Ang atensyong hindi ko kailanman ipinagdasal. Ang pinagkaiba lang namin, hindi ko kailanman sinabi sa mga magulang ko dahil simula noong mangyari 'yon kay ate Karina ay parati na nila akong pinipilit na magpa-opera ng mata na para bang maidadaan iyon sa pagpapa-opera.

Nagalit naman nun si Kuya Kiro. Dahil sa bahay na ito, siya lang talaga ang kakampi ko. Pero umalis rin siya dahil hindi na niya kayang pakinggan ang mga salita ng mga magulang namin.

Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko kung bakit kailangan pa akong ipanganak ng ganito. Ang takot sa akin ng mga kaklase ko, ang galit sa akin ng kapatid ko, ang pagtatampo sa akin ng mga magulang ko at ang pagsa-suffer ng isa ko pang kapatid. Kasalanan ko lahat.

Pero ang hindi ko maintindihan . . . bakit walang nakapansin ng mga hinanakit ko?

Lahat natuklasan ko gamit ang mga matang kinaaayawan nilang lahat at kahit harap-harapan ko nang ipinapakita sa kanila ang paghihirap ko . . .

Bakit walang nagmulat ng mga mata nila para tingnan kung ayos lang ba ako?

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon