Chapter 24

112 6 0
                                    

Hindi ko alam na darating ang panahon na magiging malaki ang sakop ng mundo ko.

Kaya hindi ako naging handa sa mga bagay tulad ng mga sinabi ni Helldric kahapon pati na rin ang mga taong tulad nina Audrey, Christelle, at Summer na may iba't ibang kuwento sa likod ng mga imahe nilang tumatak sa mga isip ng mga tao.

Dati, nakikita ko lang ang mundo bilang puno ng mga taong walang ibang alam kundi ang manghusga.

Pero ang hindi ko alam—ganoon din pala ako.

Hindi ko muna inalam kung talaga nga bang ang mga inakala kong bagay ay iyon na talaga.

"Good morning, class."

Natigilan ako nang pumasok ang adviser teacher namin dahilan para matahimik ang lahat.

Isa pang napansin ko ay talagang may mga tao palang hindi mahilig mangialam sa issue ng iba lalo na kapag hindi nila alam. Pero meron ring pilit na umiiwas dahil natatakot sila sa judgement na matatanggap nila mula sa pangingialam.

"I have an announcement."

Naging attentive ang mga kaklase ko nang marinig ang salitang "announcement". Sa Peterborough kasi wala masiyadong mga ganap at mas marami pa ang time ng mga estudyante mangpuna ng kapwa nila kaya magulo.

"We will be having a foundation week next week. Wala munang klase sa buong linggong ito para sa preparations. In exchange, kailangan maka isip tayo ng gagawin para sa darating na foundation week. From the decorations of the room, to booth and performance. Any questions?"

Imbes na magbato ng tanong ay nagpalakpakan lang ang mga kaklase ko. Ito siguro yung isa sa pinaka hinihintay nilang activity ng school.

Wala kasi masiyadong activity ang school namin sa Peterborough. Masiyado kaming nababad sa academics. Resulta na rin siguro kung bakit ang daming stressed mapa estudyante at guro dahil masiyadong mataas ang expectations sa school na 'yon.

"President, ikaw na lang ang maglista ng mga gagawin niyo at kakailanganing equipment para sa foundation week, okay?"

Tumango naman ang president ng classroom namin na siyang si Summer rin pala. Matapos nun ay lumabas na ng classroom ang teacher namin.

Sumandal ako sa upuan ko at tumingala. Kung buong linggo pa lang walang pasok at puro preparation lang, anong dapat kong gawin ngayon?

"Oy," may tumapik sa balikat ko.

Nang magmulat ako ng mata para makita kung sino ay nangunot ang noo ko nang bumungad sa harapan ko si Audrey.

"Bakit?"

"Usap tayo sa labas," aniya.

Napatingin ako kay Christelle ngunit nagkibit-balikat lang siya.

Nauna nang lumabas si Audrey sa labas ng classroom kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na rin.

"Good luck," pahabol ni Christelle.

Ano naman kayang problema ngayon?

Akala ko nang lumabas ako ay agad na kaming mag-uusap pero naglakad pa siya palayo kaya sumunod na lang din ako.

Napahawak ako sa eye patch ko nang kumirot ang mata ko. Nawalan na ako ng oras para intindihin na naman ang sarili ko dahil kailangan kong magmove forward.

Inaamin kong masakit pa rin para sa akin.

Hindi madali ang ma-bully dahil lang sa magkaiba ang kulay ng mata ko.

Hindi madaling sisihin ang sarili dahil lang wala na akong masisising iba kundi ang sarili ko.

Kagaya ng iba, gusto kong tumigil. Gusto kong magpahinga.

Your Eyes TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon