Aly's P.O.V.Den: besh! I need you. As in NOW! It's urgent.
Aly: den! For Pete's sake! It's 3 in the morning!
Den: it's a matter of life and death!
Aly: what?! Wait. Give me 15 minutes.
At binaba ko na ang telepono. Agad akong tumakbo papuntang kotse at pinaharurot patungo sa condo ni den. Pagkadating ko ay tumakbo na agad ako sa elevator. Hindi na ako sinita dahil kilala na nila ako. Lagi kasi akong nandito. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay tumakbo agad ako sa unit ni den. Nakita ko siya sa hallway at agad na nilapitan ito.
Den: alyssa! Thank god you came!
Aly: ano bang meron? Napagod ako dun ah.
Den: look at me.
Aly: tinitingnan na kita.
Den: wag lang basta tingin. Titigan mo ako.
Aly: oh.
At tinitigan ko siya.
Den: ano? Meron ba?
Aly: anong meron?
Den: pimples? Acnes? Blackheads? Whiteheads? Freckles? Wrinkles?
Aly: malala ka na talaga. Pinapunta mo ako dito para lang diyan? Muntikan pa akong makasagasa ng pusa dahil dito.
Den: just answer my question. Meron ba?
Aly: meron. Ang dami nga eh. Ayan oh.
Den: huh? Saan?!
Aly: hahahaha.
Den: seryoso kasi!
At pinaghahampas niya ako. Ako naman, tawa lang ng tawa habang pinipigilan siyang hampasin ako.
Aly: hahaha. Aray. Tama na den. Joke lang. Wala.
Den: nakaka-inis ka talaga! Lagi mo na lang akong pinagttripan! Ang lakas talaga ng tama mo eh no?
Aly: sino kaya ang malakas ang tama sa atin? Pinapunta ang best friend niya sa condo niya ng 3 am para lang magtanong niyan.
Den: eh urgent naman talaga 'to eh.
Aly: you know what? Dito na lang ako matutulog. Tara na.
At hinatak ko siya papunta sa unit niya.
Den: pero seryoso, wala talaga?
Aly: promise. Wala!
Den: maganda pa rin ako?
Aly: oo naman.
Den: pakasalan mo nga ako.
Aly: kawawa lang ako.
Pagkapasok ko sa unit niya ay humiga na ako sa kama niya at hinatak ko na rin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at natulog na.
Den's P.O.V.
Den: alyssa! Nakuha mo pang maglaro diyan ng xbox habang nagpapanic na ako dito!
Aly: do i have to panic with you?
Den: eh kung tinutulungan mo na lang kasi akong maghanap ng masusuot.
Aly: you know that we have a different choice of clothing right? So, i can't help you with that. And besides, para namang ngayon ka lang makikipag-meet sa client.