Aly's P.O.V.
Den: alyssa!
Me: ano na naman den?!
Den: samahan mo na kasi ako.
Me: ayaw ko! Ang tagal-tagal mong mamili ng mga gamit eh. Kay ella ka na lang magpasama.
Den: eeehh. May gagawin daw siya. Atsaka ikaw ang gusto kong kasama.
Me: den, may ginagawa din ako.
Den: sige na. Please! Tutulungan kita kay julia!
Me: no!
Pumunta itong kama ko. Pagkatingin ko sa kanya ay nakatalikod ito sa akin at yumuyugyog ang balikat niya. Ibig sabihin ay umiiyak ito.
Me: uy den. Wag ka ng umiyak. Ito oh. (Abot ng panyo) sige na. Samahan na kita.
Den: (biglang ngiti ang loko) yehey! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis eh.
Me: ewan ko nga kung bakit eh.
Den: kasi nga mahal mo ako.
Me: asa ka.
Den: if i know, matagal ka ng may pagnanasa sa akin.
Me: dami mong alam. Magbihis ka na nga dun nang makaalis na tayo.
Sa totoo lang, matagal ko ng gusto si den. Mahal ko na nga siya eh. Hindi ko pinapansin ang nararamdaman ko sa kanya kasi baka masira ang friendship namin. Si den ang wingman ko sa panliligaw ko kay julia. Pero lately i realized na si den talaga ang mahal ko.
Ang tagal naman nun! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa sofa.
Den's P.O.V.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko si alyssa na natutulog sa sofa. Ang cute niya. Ako na lang ang mahalin mo. Wag na si julia. Nandito lang naman ako, bakit kailangan pang tumingin sa iba?
Masyado ng napatagal ang pag titig ko sa kanya kaya ginising ko na siya.Aly's P.O.V.
Nandito na kami sa mall at madami-dami na rin ang mga paper bags na buhat ko.Me: den, matagal pa ba yan? Gutom na ako.
Den: wait lang. Last na 'to.
Me: pang sampung beses ko nang naririnig yang wait na yan. Ang dami na nito oh. Tara na. Kain na tayo.
Den: wait bayaran ko lang 'to.
Me: aish! Bilisan mo.
Pumunta na siya sa counter at nagbayad. After nun ay lumapit siya sa akin at ibinigay ang mga pinamili niya.
Me: seriously? Sampung shopping bags na 'to. Hindi ka pa ba titigil?
Den: ok lang yan. Kaya mo yan. Saan ba tayo kakain?
Me: sa racks na lang
Den: sige
Pumunta kaming racks at kumain. After kong kumain ay tumayo ako at kinuha ko ang shopping bags niya at lumabas na. Bahala siyang magbayad nun.
Den's P.O.V.
Tumayo si alyssa at binuhat ang mga shopping bags. Lumabas na siya ng resto. Walang hiya! Ako pa pinagbayad! Napaka-ungentle woman talaga! Bakit ba ako nagkagusto dun?!Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na din ako. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Linapitan ko siya.
Me: walang hiya ka! Ako pa pinagbayad mo dun eh ikaw ang may pinakamaraming kinain!
Alyssa: kasalanan mo yan. Ikaw nag-aya sa akin dito. At pinagod mo kaya ako. Dapat lang sayo yan.
Me: hmp! Tara na nga. Uwi na tayo.