Aly's P.O.V.Hi ako si Alyssa Caymo Valdez. Aly or Ly for short. May isa akong napakakulit, pasaway, matigas ang ulo, matakaw, maingay, madaldal at bossy na bestfriend. Siya si Dennise Michelle Garcia Lazaro. Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun. Mabait naman siya, sweet, caring pero sa ibang tao lang. Maganda din siya. Ang gusto ko sa kanya ay yung pagiging matapang niya sa mga tao pag may inaaway o kinakawawa. Close ang parents namin. Lagi kaming nasa bahay ng isa't-isa. Hindi na nga kami mapaghiwalay eh. Akala ng mga parents namin, kami na. Hahaha. Sana nga. Pero di ko kayang itaya ang friendship namin eh. Paano na lang kung wala siyang gusto sa akin, edi masisira lang ang pagkakaibigan namin.
Den: alyssa!
Speaking of the devil. Ayan na siya.
Den: huy. Kanina pa kita tinatawag ah. Diba sabi ko sayo ikuha mo ako ng tubig?!
(Hay nako. Inuutusan na naman ako)
Aly: ito na nga po oh. Kukuha na.
Den: bilisan mo!
Aly: opo.
At lumabas na ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Nandito kami ngayon sa bahay ko. Dito daw siya matutulog kasi wala yung parents niya eh may bagyo pa naman. Takot kasi siya sa kulog at kidlat. Ang laki-laki na takot pa rin siya. Tsktsk.
Kumuha na ako ng tubig at umakyat na.
Pagkapasok ko sa kwarto ay may tumama sa mukha kong unan. Binato niya ako.
Aly: aray! Ano problema mo?
Den: ang tagal mo eh!
Aly: sorry naman. Uy, 12:00 am na. Matulog ka na.
Den: eh, tabihan mo ako dito.
Aly: oo na.
(Insert kulog at kidlat)
Tumakbo si den sa tabi ko at umakap.
Den: wag mo akong iwan
Aly: shh. Diyan ka lang muna may kukunin lang ako sa baba.
Den: wag mo akong iwan please.
Umiiyak na siya.
Aly: aish. Sige na. Sumama ka na lang sa akin.
At bumaba na kami. Nakakapit lang siya sa damit ko habang naglalakad. Natatakot 'to kaya kukuha ako ng gatas sa ref. Ito kasi ang nakakapagpatahan sa kanya.
Aly: oh inumin mo muna. Para tumahan ka na diyan.
Kinuha niya yung baso at ininom na ang gatas. Pagkatapos niyang inumin ay nilagay ko lang sa lababo ang baso at umakyat na kami. Nakakapit pa rin siya sa akin.
Aly: oh, nakainom ka na ng gatas. Matulog ka na.
Den: eh. Ayaw.
Aly: matulog ka na.
(Insert kulog at kidlat)
Den: alyssa, tabi ka sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ito lang ang makakapagpatulog sa kanya. Maya-maya ay tulog na siya.
Aly: goodnight den. I love you.
Hinalikan ko siya sa noo at natulog na.
Kinabukasan
Den: alyssa!
Napabalikwas ako dahil sa sigaw niya. Tumakbo agad ako sa baba dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.