Steal My Girl

2.1K 30 0
                                    


Aly's P.O.V.

"Alyssa! Gising bilis!" Ang aga-aga nagtititili na naman tong kasama ko.

"Den, parang awa mo na. Patulugin mo muna ako. Antok pa ako" grabe naman kasi to.

"Eeeehh! Aly! Nililigawan ako ni LA" Sabi ni den.

"Sus! Lolokohin ka lang nun! Nagpapaniwala ka sa gums na yun." Totoo naman eh. Gilagid yung ugok na yun eh.

"Ang sama mo talaga. Hindi naman eh" sabi niya.

"I'm just telling the truth!" Hay den. Ewan ko ba sayo. Nandito lang naman ako eh.

"Uy bangon na diyan. Dinner daw tayo sa bahay sabi nina mommy" siya.

"Five more minutes den"

"Anong oras na ba natapos yung gig niyo? Nako baka naman nag-inuman pa kayo nina gretch?"

"2 am na natapos yung party and hindi kami uminom"

"Hindi ka pala uminom eh. Bangon na diyan!"

"Oo na. Babangon na." Wala na akong magagawa.

"Bilisan mo. Hintayin na lang kita sa baba" siya.

"Sige. Babagalan kong maligo" hahaha. Bahala siyang maghintay.

"Subukan mo!" Siya. At lumabas na siya ng kwarto

Naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko, nakita ko siyang nakatulog sa sofa. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang buhok na nasa mukha niya.

"Hay den. Bakit kasi hindi na lang ako? Ang dami mo kasing manliligaw eh" At ginising ko na siya.

"Mahal na prinsesa, gising na po." At gumising na siya. Nginitian niya ako at biglang kinurot ang ilong ko.

"Aray naman!" Ang sakit kaya.

"Ang cute mo kasi eh" siya.

"Matagal ko ng alam!"

"Hangin natin ah. Tara na nga."

At umalis na kami. Papunta kami ngayon sa bahay nila. Ako na ang nagdrive dahil baka mapagod pa ang prinsesa ko.

Den's P.O.V.

Ang saya ko kasi nililigawan na ako ng all time crush ko. Si LA Revilla. Ang saya ko lang. Hay LA. Naputol ang pag-iisip ko.

"Nandito na tayo!" Hay nako. Makasigaw akala mo nasa kabilang kanto ako eh.

"Wagas makasigaw! Wala ako sa kabilang kanto" ang sakit sa tenga.

Bigla siyang bumaba. Aba at iiwan pa ako ng mokong na to. Pero biglang bumukas ang pintuan ko.

"Tara na" siya. At inilahad ang kamay niya para alalayan akong bumaba. Aba. Mabait ano kayang meron?

"Bait natin ngayon ah! Ano kailangan mo? Or, ano kasalanan mo?" Pag mabait to, may kailangan to or may kasalanan.

"Grabe ka naman. Mabait naman ako sayo ah." At tumalikod siya sa akin. Nako! Nag-inarte pa ang ang unggoy na to.

"Tampo ka na niyan? Tara na" at hinawakan ko yung kamay niya. Ngumiti ang loko at hinila ko na siya papasok.

"Mommy! Nandito na po kami!" Sorry. Ganyan talaga kami dito sa bahay.

"Alyssa! Nako anak! Namiss kita. Kumusta ka na?", mommy. At hinug si alyssa.

"Ok naman po mommy", alyssa. Close na close na talaga siya sa parents ko.

"Alyssa, anak. Tagal na nating di nakakapag-usap ah. Buti pumayag ka", daddy.

"Ah. Oo nga po dad eh", alyssa.

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon