Aly's P.O.V.
Gretch: alam mo? Nag mumukha ka na lang tanga sa mga pinag gagawa niya sayo.
Ako: wala eh. Mahal ko siya.
Vic: yan ang nagmamahal!
Ako: buti pa si vic.
Marge: ano? Nagpapakatanga? Nagpapakagago?
Kim: tomoooo!
Ako: alam niyo? Kung wala kayong sasabihing maayos, manahimik na lang kayo.
Marge: ayaw lang namin na masaktan ka.
Ako: ok lang ako dudes. Matatag kaya 'to.
Kim: bahala ka.
Hi. Ako si alyssa valdez. Yung mga kausap ko kanina, mga best friends ko. Si gretchen ho, vic/ara galang, marge tejada, at kim fajardo. May mahal ako. Siya si dennise michelle lazaro. Yun yung pinag-uusapan namin kanina. Sabi nila itigil ko na daw kasi nag mumukha na lang akong tanga at ako lang din ang masasaktan. Masungit kasi si den. Madami na ring beses na ipinahiya niya ako sa madaming tao. Pero ok lang. Mahal ko eh. Kakayanin ko lahat. Oh well. Tama na muna ang kwentuhan. Nandito na ako sa next class ko.
Den's P.O.V.
Ella: besh, ang sama mo kay alyssa. Ang bait kaya nung tao.
Ako: ako? Masama?
Ella: grabe naman besh. Kailangan mo bang ipahiya yung tao?
Ako: problema niya na yun.
Ella: cute naman siya, ang gwapo, ang hot, ang bait, down to earth, napaka-gentlewoman, matalino, magaling kumanta at magpiano, mayaman, lahat nasa kanya na. Ano bang ayaw mo dun?
Ako: basta.
Ella: magmove on ka na nga kay myco!
Ako: shut up!
Hello. Im dennise michelle lazaro. Best friend ko yung kausap ko. Siya si ella de jesus. Ako yung laging kinukulit ni alyssa. Matagal na rin niya akong kinukulit. Ewan ko. Naiinis ako sa kanya. Para sa akin, mayabang siya. Kala mo naman kung sinong gwapo. ( hindi siya gwapo? ) Hindi! ( sure ka? ) Oo nga. ( sure na sure? ) Okay, fine. Gwapo siya pero kahit na. Naasar pa rin ako. ( edi umamin ka rin. Hihihi ) Manahimik ka na lang konsensya!
Papasok na kami sa klase at kami na lang ata ang kulang. May nakita akong bakanteng upuan. At kapag sineswerte ka nga naman talaga. Sa tabi pa ni alyssa. Papalapit na ako sa kanya at nag hi siya sa akin. Inirapan ko lang siya. Nang makaupo ako ay nakita kong ngiting-ngiti yung katabi ko.
Ako: anong nginingiti-ngiti mo diyan? (Mataray voice)
Aly: wala naman.
Ngumiti lang siya sa akin at nakinig na ulit sa prof namin.
Ella's P.O.V.
Hi. Im ella de jesus. Best friend of den. Pagkapasok namin sa classroom ay nakita kong dalawa na lang ang bakanteng upuan. Isa sa harap ni alyssa, yung isa sa tabi ni alyssa. Sinadya kong umupo sa harap ni alyssa para sa tabi niya umupo si den. Actually, i like alyssa for her. Ewan ko lang dito kay gaga. Pinag-mumukhang tanga. Bago ako umupo tiningnan ko muna si alyssa at nginitian. Nag thank you naman siya sa akin. Sa kalagitnaan ng klase, tumingin ako sa likod at napangiti ako sa nakita ko. Si den, nagsusulat habang nakatagilid ang ulo so yung buhok niya na kay alyssa (gets niyo ba?) yung isa naman, tuwang-tuwa na inaamoy yung buhok ni den. Bago umalis si prof, nagsabi siya tungkol sa group project.
Prof: ok class. Bago ako umalis, iaannounce ko na yung project niyo. Meron kayong maraming time para gawin 'to dahil syempre, kailangan niyong mag-out of town at kung saan-saan pumunta para dito. Buong sembreak niyo ito gagawin para may time talaga kayo. Kailangan niyong pumunta sa isang probinsya at alamin ang pamumuhay dito. Kung paano sila magtrabaho, ano mga traditions nila, at kung paano nila ihandle ang emotions nila. Igu-group ko kayo into three tig-seven tapos sasabihin ko sa inyo kung anong emotion ang pag-aaralan niyo about sa mga tao ng napili niyong lugar.
Okay, group 1 sina etc. group 2, etc. and group 3 consists of valdez, lazaro de jesus, ho, fajardo, tejada, and galang. Group 1, anger ang emotion na aalamin niyo. Group 2, sadness. And group 3, love. Kailangan niyong alamin kung paano nila ihandle yung emotion na binigay ko sa inyo. Yun lang, good bye. Since last class ko na 'to bago mag-sembreak, i just want to say enjoy your break. And ippresent niyo nga pala yan pag resume natin.