Den's P.O.V.
Den: besh, ang bagal niya eh. Pagod na akong maghintay. 5 years na. 5 years na akong naghihintay na sabihin niya. Malapit na ang graduation. Maghihiwalay na ang mga landas natin.
Ella: den, konting tiis na lang. Kung ayaw mo naman, edi suko na. Basta i'll support you, whatever your decision is.
Den: hay. Tara na nga. Training na. Lapitan ko lang siya ah.
Hi im dennise lazaro. And im inlove with my best friend. Siya si alyssa valdez. Alam kong may gusto siya sa akin. Matagal na. Narinig ko kasi silang nag-uusap ni ella tapos nung kinompronta ko si ella, ayun. Dumulas si gaga. Hindi namin sinasabi kay alyssa na alam ko na. Syempre, dapat siya ang first move. Oh well, enough of the chatting. May training pa kami.
Aly's P.O.V.
Bea: eh dude naman kasi, tell her na. Malapit na graduation nila. Bahala ka. Bilisan mo na hanggang may oras ka pa. For sure pagkagraduate ni ate den, magiging busy na siya sa med school. Mas lalo ng walang bonding time.
Aly: bea, alam mo namang natatakot ako diba? Sa susunod na lang pag nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob.
Bea: kung hindi ngayon, kailan pa? Pag meron na siyang ibang mahal? Pag masaya na siya sa iba?
Aly: oh, eh masya naman siya eh. Edi masaya na rin ako.
Bea: wag mo nga lokohin sarili mo. Ang dami mong nasayang na chance para sabihin sa kanya. Remember nung nagkiss kayo?
Aly: yeah, i remember that. And that was an accident.
Flashback
Nandito kami sa beach namin sa batangas. Vacation ng team. Binigyan nila kami ng time para magpahinga muna from training. So, nandito nga kami sa beach then naglalaro kami ng frisbee. Hawak ni bea ang frisbee at binato niya yun papunta kay den. Dahil malayo si den, tumakbo siya papalapit dito. Nakita ko na may log dun sa tatakbuhan niya eh dire-diretso lang siya kaya tumakbo ako papunta sa kanya at tamang-tama ang dating ko dahil natisod siya at nasalo ko siya. Dahil na-out of balance kami ay natumba kaming parehas sa buhanginan at nagdikit ang labi namin. Nakapatong siya sa akin at ni isa sa amin ay walang gumagalaw. Ang lambot ng labi ni den. Ang sarap halikan. Naputol ang halik namin ng may magsalita.
Ella: ehem. Baka gusto niyong tumayo na. Medyo matagal-tagal na rin kayo diyang nakahiga eh.
Biglang tumayo si den at nakita kng sobrang pula ng mukha niya
Den: sorry
Aly: hindi, dapat ako ang magsorry.
Ella: oh, tama na yan. Den, tara na.
At hinatak na siya ni ella papasok ng cottage.
End of flashback
Bea: nasayang yung chance mo nun. Sana sinabi mo na sa kanya nung gabi.
Aly: natatakot nga kasi ako
Bea: saan ka ba kasi natatakot?
Aly: na baka i-reject niya ako. Na baka hindi parehas ang nararamdaman namin. Na baka layuan niya ako.
Bea: then take the risk. You'll never know naman diba. Malay mo, may gusto rin pala siya sayo.
Aly: bea, we all know naman na she's straight diba?
Bea: si laura. Diba straight naman siya! Pero nagawa mo siyang baluktutin!
Aly: that was when we were in highschool. And iba si den. Hindi siya katulad ni lau na mahuhulog sa katulad ko.