Last goodbye

1.6K 25 0
                                    

Den's P.O.V

Ella: sure ka na ba dito? Pwede pang mag-back out. May apat ka pang araw.

Ako: oo besh. Mahal ko si LA. Siya ang pakakasalan ko.

Ella: eh paano na si aly? Mahal mo pa siya diba?

Ako: hindi na nga. Besh, matagal na yun. Kalimutan na lang natin. Naka-move on na ako. For sure naman siya din. Iniwan nga ako diba?

Ella: bahala ka. Basta sinabihan na kita ah. Walang sisihan kung di ka man magiging masaya.

Ako: magiging masaya ako.

Ella: sabi mo eh. May apat na araw pa bago ang kasal. Pag-isipan mo muna ng mabuti.

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong nag-iisip. (Aminin mo na kasi, mahal mo pa). Hindi na nga! (Sus. Deny pa!). Sige, sabihin na nating mahal ko pa siya, may magagawa ka pa ba? For sure nakapag move on na yun. Nawala na nga ng parang bula eh. (Ako, wala. Ikaw meron. Ipaglaban mo. May apat ka pang araw oh. Use it wisely!). Hay nako. Nababaliw na ako. Nakikipag-usap na naman ako sa konsensya ko. Tama nga naman siya. May magagawa ako pero paano kung di na niya ako mahal? Edi ako lang ang masasaktan at mahihirapan. At isa pa, ikakasal na ako kay LA. Mahal ko siya kaya ko siya pakakasalan. Sa california naming naisipang magpakasal. Btw, nakalimutan kong magpakilala sa inyo. I'm dennise michelle lazaro. Yung kausap ko kanina, si ella. Ella de jesus, best friend ko. Pinipigilan niya akong magpakasal kay LA revilla dahil hindi sa ayaw niya dito kundi dahil hindi daw ako sasaya sa kanya. Mas sasaya daw ako kay alyssa. Ewan ko ba. Lahat ng kaibigan ko boto kay alyssa. Siguro dahil magkakaibigan din sila kaya gusto nila si alyssa para sa akin. Kahit nga yung nanay ko eh. Si papa kasi, ayaw kay alyssa.

Umupo ako sa kama at kinuha si piggy. Isa siyang malaking stuffed toy. Bigay 'to sa akin ni alyssa. Humiga ako at niyakap na lang si piggy. Naalala ko nung araw na binigay niya ito sa akin.

Flashback

Nandito kami ngayon sa mall at naglalakad ng makita ko ang isang napakalaking stuffed toy na baboy. Ang cute-cute niya!

Ako: yssa! I want that pig!

Aly: nise, next time okay?

Napasimangot na lang ako. Habang naglalakad kami ay nagpaalam si alyssa na pupunta siyang cr. Umalis na siya at naglakad-lakad lang ako. After 20 minutes, bumalik na siya.

Ako: yssa, bakit ang tagal mo?

Aly: mahaba kasi pila sa cr nise eh. Sorry.

Ako: sus. Nangchicks ka lang eh.

Aly: hindi po baby. Ikaw lang. Loyal 'to no!

Ako: talaga?

Aly: opo.

Pagkatapos naming maglakad-lakad sa mall ay umuwi na kami. Doon ako natutulog sa unit niya eh. Pagkauwi namin ay pumunta lang kami sa kwarto at nag-cuddle.

Aly: baby, may kukunin lang ako ah. Stay there.

Ako: okay!

Lumabas siya ng kwarto. Maya-maya ay bumalik siya at may buhat na malaking paper bag.

Aly: nise, close your eyes.

Ako: bakit?

Aly: wag ng makulit baby. Just close it.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Aly: can you hug me?

Tinaas ko naman ang aking mga kamay para yakapin siya. Nagulat ako dahil pagkayakap ko ay sobrang lambot naman. Nagtaka ako kaya minulat ko ang aking mga mata. Nagulat ako ng makita kong kayakap ko yung stuffed toy na gusto ko. Mas lalo ko itong niyakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon