Halika na

1.7K 26 0
                                    


Den's P.O.V.

Me: valdez! Yung project ko!

Aly: hindi naman ako ang may gawa niyan eh.

May pumasok sa kwarto.

Dzi: valdez! Lazaro! Ano na naman yan?!

Me: ate dzi, si alyssa kasi. Ginawang paper airplane yung project ko.

Dzi: totoo ba yun valdez?!

Aly: hindi. Ano namang mapapala ko diyan

Den: eh sino may gawa niyan? Multo?!

Aly: pwede

Dzi: valdez! Sumagot ka ng maayos.

Aly: ok. Ako ang gumawa nun

Den: magsisinungaling ka pa!

Aly: pssh.

Lumabas na si alyssa ng kwarto

Aly's P.O.V.

Hahahaha. Yung itsura niya, ang epic! Lumabas na ako ng kwarto dahil ang sakit sa tenga nung boses niya.

Gretch: ano na namang ginawa mo alyssa?

Me: wala akong ginagawa.

Marge: eh ano yung ingay niyo dun sa taas?

Me: wala yun. Maliit na bagay lang yun.

A: hindi magagalit si den ng ganun kung maliit na bagay lang yun. Ano ba talagang ginawa mo?

Me: okay. Ginawa kong paper airplanes yung reaction papers niya. No big deal.

A: no big deal para sayo pero para sa kanya, big deal yun. Pinaghirapan niya kasi yun. Mahalaga yun sa kanya dahil para sa grades niya yun.

Me: it's just a piece of paper.

Gretch: akin na wallet mo.

Me: bakit?

Gretch: basta.

Kinuha ko yung wallet ko at binigay sa kanya. May linabas siyang picture.

Gretch: itong picture ng mommy mo, alam kong sobrang halaga nito sayo dahil ito na lang ang remembrance mo sa kanya. Sa ibang tao, it's just a piece of paper. Anong mararamdaman mo kung ginawang paper airplane yang picture na yan o kaya naman pinunit ng ibang tao? Diba magagalit ka? Bago ka gumawa ng kahit na ano, isipin mo muna yung mararamdaman ng tao sa paligid mo.

Natigilan ako dun.

Marge: ano pang ginagawa mo dito? Magsorry ka na dun.

Me: mamaya na lang. May pupuntahan muna ako.

Umalis na ako ng dorm. Papunta ako sa puntod ng mommy ko. After ilang minutes ay nakarating din ako.

Me: hey mom. I miss you so much. Ang daya mo naman kasi. Iniwan mo kaagad ako. Pwede bang kunin mo na ako? Ang hirap na kasi eh.

Naiiyak na ako. Sa pagpatak ng luha ko ay bumuhos din ang ulan.

Me: tama yan! Makisama ka lang.

Nagstay pa ako ng konti at umalis na rin. Bumalik na ako ng dorm.

Pagkadating ko ay wala ng tao sa baba. Nasa kwarto na siguro sila. Umakyat na ako ng kwarto namin at nadatnan ko si den na nakaupo sa study area niya. Nilapitan niya ako at tinulak.

Den: walang hiya ka talaga. Napakasama ng ugali mo! Kaya walang tumatagal sayo eh. Sobrang selfish mo kasi. Napaka-self centered ka pa.

Hindi ko na siya pinansin at tumalikod na. Nanghihina ako ngayon.

Short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon