Aly's P.O.V.
Aly: ito na lang. Bagay sa kanya yan.
At binigay ko na yung dress para sa kanya. Nakatulala lang ako sa kawalan. Napangiti ako nung naalala ko kung paano kami nagkakilala.
Flashback
(Flashback po ito kaya binigyan ko rin ng pov si den)
Den's P.O.V.
Ella: den naman. Nababaliw ka na. Tingnan mo yang nasa bucket list mo. Puro delikado at imposible.
Den: anong meron? Okay lang naman ah.
Inagaw niya sa akin ang bucket list ko at binasa niya.
Ella: sky diving
Cliff diving
Mountain climbing
Rafting
Kiss in the rain
Fall in loveTumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait.
Ella: besh, alam mo naman ang kalagayan mo diba? Sabi ng doktor wag ka daw magpagod, magpa-araw, and magpa-ulan. Kiss in the rain eh bawal ka nga malamigan. Besh, hindi pwede yang mga nasa bucket list mo eh. Seriously, fall in love?
Den: eh besh, mamamatay na lang rin naman ako. Edi gagawin ko na lahat ng yan. Samahan mo ako.
Ella: ay nako. Bahala ka diyan. Di kita sasamahan. Mag-isa kang gawin lahat ng yan!
Den: okay! Duwag!
Hi! Ako si dennise lazaro. Den na lang. May leukemia ako. Stage 4 na pero malakas pa rin ako dahil sa mga gamot. Inilabas ako sa ospital dahil nawala na yung cancer ko pero ramdam kong bumalik ito. Nagpapasa na ulit ang balat ko at si ella lang ang nakakaalam nun. Wala na akong planong sabihin sa ibang tao kahit kay ella kaso nakita niya kasi yung mga pasa ko. Pinakiusapan ko siyang wag na lang sabihin sa iba. Nung una ayaw niyang pumayag pero dahil makulit ako, napapayag ko siya. Nandito ako ngayon sa mall naglalakad. Biglang may humatak sa akin at hawakan ang kamay ko. Sinandal niya ako sa pader at inilapit ang mukha niya sa akin.
Den: ano ba?!
Girl: shh. Please makisama ka na lang muna. Kahit ano gusto mo ibibigay ko. Just do this favor for me. Nandiyan pa ba sila?
Den: sino ba?
Girl: yung tatlong lalaki na tumatakbo.
Tumingin ako sa paligid at may nakita nga akong tatlong lalaking tumatakbo. Tumigil sila sa gilid namin at nagsalita ang isa.
Boy1: saan kaya nagpunta yung gagong yun?
Boy2: baka dun boss.
Bago sila umalis ay tumingin sila sa amin kaya natakot ako.
Den: wala na sila. Ag teka nga. Sino ka ba?!
Girl: Ako si alyssa. Alyssa valdez. Aly na lang. Thank you. Kahit ano ibibigay ko sayo.
Den: kahit ano?
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. May naisip na ako. Hahaha.
Aly: oh? Bakit ka ngumingiti diyan?
Den: dahil sabi mo kahit ano, samahan mo akong gawin lahat ng bucket list ko.
Aly: asan ba yung bucket list mo? Patingin nga.
Den: mamaya na. Libre mo muna ako. Gutom na ako eh. Btw, im dennise lazaro. Den na lang.
At hinatak ko na siya sa shakey's. Habang kumakain kami ay may naisip akong itanong sa kanya.