Aly's P.O.V.Nandito ako ngayon sa cafeteria. Pinapanood ko lang siyang kumain. Hay. Kailan mo kaya ako mapapansin? Matagal na akong umaasa na mapansin mo ako. Simula high school pa lang, mahal na kita. Lord, kahit isang hi lang oh. Bigla naman akong kinalabit ng unggoy na katabi ko. Nakakainis si ara!
Ara: oy! Kanina ka pa namin kinakausap, nakatulala ka na naman. Si dennise na naman yan 'no?
Kim: ano pa ba? Syempre siya na naman yun.
Ako: huh? Hindi no. Ano nga bang sinasabi niyo?
Gretch: deny pa! Ang sabi namin, anong plano mo sa valentines. Tayo yung pinapakanta sa valentines night party diba?
Mika: oo nga. Dapat may bago na tayong kanta. Gawa tayo. Ikaw aly. Baka naman pwede kang gumawa?
Ako: sige. Mag-iisip ako.
Nakalimutan kong sabihin sa inyo. May banda kami, ang "wampayb" (one five, pinagsamang one direction at 5 sos). Nakalimutan ko rin palang magpakilala. Ako si alyssa caymo valdez. At baliw na baliw ako sa nag-iisang dennise michelle garcia lazaro. Simula high school pa lang, obsessed na ako sa kanya. Kaso nga lang, hindi niya pa rin ako napapansin. Gusto ko sana siyang ligawan pero may boyfriend siya. Si myco. Pero alam ko namang mabait si myco kaya hinayaan ko na lang. Masaya naman si den eh. Tama na muna yan. Masakit na sa heart eh. So as i was saying, may band kami. Ako ang lead vocalist at lead guitar. Si gretch sa percussion. Si mika sa bass guitar. Si ara sa drums. Si kim naman sa keyboard. So, later na ulit ang chikahan. May pasok pa ako eh.
Ako: uy, una na muna ako sa inyo mga bros. May next subject pa ako eh.
Sila: sige, kita na lang mamayang uwian sa bahay niyo.
Ako: sige.
At pumasok na ako sa next class ko. After 3 long boring hours, natapos din ang klase. Nagpaalam na ang prof namin at lumabas na ako ng classroom. Nakita ko namang dadaan si den kaya inayos ko ang itsura ko. Ayan na! Papalapit na siya! Chance ko na 'to!
Ako: hi dennise!
Den: hi.
Nginitian niya ako at nagdire-diretso na sa paglalakad. Shocks! Nag-hi siya sa akin! Napansin niya ako! Sa wakas! Sana maalala niya ako. Dahil sa sobrang saya ko, patakbo akong pumunta sa sasakyan ko at umuwi na.
Den's P.O.V.
Hi. Im dennise lazaro. Kasama ko si ella ngayon. Naglalakad kami papunta sa next class namin. Nang biglang magsalita si ella.
Ella: besh! Si cutie oh! Madadaanan natin!
Tumingin naman ako sa tinuturo niya at nakita ko si alyssa na nag-aayos ng damit niya. Nagpagpag pa siya ng damit niya. Ang cute niya lang. Hahahaha. Naglakad kami papalapit sa kanila at ngumiti siya sa akin.
Aly: hi dennise!
Ako: hi
At dumeretso na kami ni ella sa next class namin. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa cafeteria. Umupo na kami ni ella sa isang table. Kumakain kami ni ella nang magsalita siya.
Ella: alam mo? Ang cute ni alyssa. Bakit hindi siya ang sinagot mo? Mukhang masaya pa siyang kasama.
Ako: hello, may bf po ako. Hindi naman boring kasama si myco ah. Ang bait niya nga eh.
Ella: oh. Wala akong sinasabi! Ikaw ang nanguna diyan ah. Pero sasabihin ko na ngayon. Boring kasama si myco. Lagi siyang safe! Mabait nga siya. Si alyssa din naman ah.