CHAPTER 01 : UNEXPECTED DECISION

438 12 0
                                    

     PAGDATING namin sa hospital ay dumiretso na kaagad kami sa opisina ng doktor ni Alisha.

Pag pasok namin sa loob ay inalalayan ko kaagad si Alisha na umupo sa upuang nasa harap ng lamesa ni Doc. Jess, nginitian ko si Doc. Jess na nakatingin pala saakin.

Pati narin sila Mama at Papa ay umupo narin sa natitirang dalawang upuan na katabi ni Alisha. Ng mapansing wala ng bakanteng upuan sa tabi nila ay dumeretso na lamang ako sa malapit na single couch dito sa loob ng opisina ni Doc. Jess.

Nag simula na silang mag usap usap na hindi ko mas'yadong pinagtuonan ng pansin, inabot ko ang nakita kong magazine na nakapatong sa isang maliit na lamesa sa tabi ng aking inuopuan.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay bigla akong tinawag ni Mama,

".... P-po?" Mabilis na sagot ko naman, pasimple akong napalunok dahil sa kaba.

Binalingan ko si Mama at nag aantay ng kaniyang sasabihin, ngunit napatingin ako kay Papa ng ito ang sumagot.

"Napag usapan namin, na ikaw nalang ang maging donor ni Alisha." Ani nito na animo'y parang wala lang sakaniya ang kaniyang sinabi, habang ako ay gulat na napatayo dahil sa nadinig.

"Ano!" Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa magazine na kanina lang ay binabasa ko dahil sa panginginig ng aking kamay, hindi ko alam kung dahil sa galit o kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Abay!... Bakit ka sumisigaw?" Tinignan ko si Mama, nakatayo na din ito at nanlilisik ang mga matang nakatingin saakin, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila at ako ang naisipang maging donor ng sarili kong kapatid.

"P-pasensya na po n-nagulat lang ako." Mahinag sagot ko ng bigla muli akong makaramdam ng matinding kaba.

Hindi ko ide-deny na kinakabahan ako sa sinabi nila, sino ba naman kasi ang hindi magugulat duon diba? alam at tanggap ko naman na ayaw nila sakin pero sobra naman na ata 'yun.

At kahit sinong tao naman ata ang nasa posisyon ko ay kakabahan din lalo na't labag sa kalooban nila.

"We cannot proceed with the decision we made without the consent of the person who will be the patient's donor.... Misis Dolores. That's the law." Seryosong turan ni Doktora habang nakamasid saaming lahat.

Hindi sa ayaw kong ibigay ang gusto nila pero paano naman ako?

"No. She will agree... Right?" Nakapaskil ang isang misteryosong ngiti sa mga labi nito habang matalim ang tingin sa akin.

"Y-yes, but..." diyos ko po di ko alam kung anong sasabihin ko....

"Mama, parang labag sa kalooban niya." Bigla akong napatingin kay Alisha na pretenteng naka upo parin, ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay tinaasan ako nito ng kilay na para bang nang-aasar pa.

Seryoso ba siya?

"Aba'y ikaw talagang bata ka!" Sobrang bilis ng oras at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Mama.

Naramdaman ko na lamang ang paghapdi ng aking kaliwang pisnge dahilan ng sandaling pagwala ng pandinig ko sa kaliwang tenga, napatabingi din ang aking mukha dahil sa lakas ng impact nuon.

"Alam mo ba kung bakit ganun ang napag pasyahan namin? Dahil wala kang kwentang anak! You are a disgrace to this family!" Nanggagalaiting sigaw ni Mama sa pagmumukha ko, dahil duon ay napapikit ako, hindi dahil sa laway na tumalsik sa mukha ko kundi dahil sa sunod sunod na kirot na aking naramdaman.

"Mrs. Dolores! wag n'yo pong saktan ang anak n'yo." Naramdaman kong papalapit sa aming pwesto si si Doc. Jess.

Nanginginig na hinawakan ko ang aking kaliwang pisngi habang pinipigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.

"H-hindi ko n-naman po... sinabing i-ipinagdadamot ko..." Muli akong dumilat, napayuko ako dahil sa nakitang galit sa mga mata ni Mama.

"Eh ano? So sinasabi mong nag sisinungaling ang anak ko!" sigaw ni Mama.

Magsasalita na dapat ako ng biglang natumba si Alisha sa upuan at nawalan ng malay.

"Alisha/Anak!" Sabay na sabi nila mama at papa ng makita si Alisha. Dali dali naman silang tumakbo sa kinaruruonan nito.

Nakatulala lamang ako habang tinitignan sila na mag hysterical sa pag kahimatay ni Alisha, hindi ko alam ang gagawin dahil sa mga biglaang pangyayari. Naghahalo halo ang lahat ng bagay sa aking isipan.

"Kapag may masamang nangyari sa anak ko. Kakalimutan na kita bilang anak ko!" Sigaw ni Mama saakin habang galit na galit akong dinuro.

Kakalimutan?  

Mapait na napatawa na lamang ako.

Hindi ba nakalimutan na nga nila ako dahil sa pesteng sakit na yan!

Sumunod na sila mama sa pagdala kay Alisha sa Emergency room. Paglabas nila ay duon ko muling naramdaman ang hapdi sanhi ng pagkakasampal ni mama, napahagulgol na lamang ako dahil sa sakit at kirot.

Naramdaman kong may kamay na lumapat sa aking balikat ngunit hindi ko pinansin iyon at itinuon ang buong atensyon sa pag inda ng sakit sa aking pisngi at damdamin.

Sana sinabi na lang nilang gusto na nila akong mamatay.

"I'm sorry.... for that." dinig kong ani ni Doc. Jess. Napatigil ako sa pag iyak at napatulala sa bukas na pintuan ng opisinang ito kung saan lumabas ang doktora.

Unang beses, sa unang pag kakataon... narinig ko ang salitang hindi ko muling inaasahan pang marinig makalipas ang ilang taon. Kung sino pa ang taong walang kasalanan sa nararanasan ko ngayon, siya pa ang nag nagbigkas ng salitang nakalimutan ko na.... Salitang naglaho na sa sarili kong bukabularyo.

___________________________

END OF THE CHAPTER

YourLazyMissA

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now