CHAPTER 02 : HEART

396 8 0
                                    

     KATAHIMIKAN. Yan ang bumabalot sa loob ng VIP room na ito, dito sa Hospital kung saan naka confined ngayon si Alisha.

Ang dahilan ng kanina niyang pagkahimatay ay dahil sa hindi tamang pagdaloy ng maayos ng dugo niya sa katawan, nahirapan ang puso niya sa pag pump kaya daw nag karoon ng ganoong resulta sa katawan niya.

Ngayon alam ko na kung anong dahilan ng pagkahimatay ko nung mga oras na wala akong alam sa nararamdaman ko. Kung kay Alisha ay naagapan kaagad ang pagkahimatay, ano naman kaya ang saakin na halos abutin ng ilang araw bago ako magising?

"Aliah." Mabilis na napalingon ako kay papa ng banggitin niya ang pangalan ko.

"P-po?" Tanong ko.

"After four months. Kailangan ay mapalitan na ang puso ni Alisha." Seryosong sabi nito habang pretenteng nakaupo sa tabi ng kama ng aking kapatid. Naka clean cut ang buhok nitong bagsak at itim na itim, namumungay na mga mata at makapal na kilay. Maaliwalas din at kapansin pansin ang panga nito ngayon dahil sa bagong ahit. Hindi halata kay Papa na may edad na ito kung titignan dahil, sa tindig nitong na nakakatakot. Bumagay din sakaniyang ma-muscle na katawan ang pagiging kayumanggi ng kaniyang balat.

Ni matapunan ng tingin ay hindi nya ginawa, wala akong mahanap na kahit anong bakas ng kung anong emosyon sa kaniya, na para bang wala lang sakanya ang kaniyang sinabi, na para bang wala lang sakaniya na paglumipas na ang apat na buwan, ay wala siyang pakialam kung mawawala ako.

Four months...

Hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman ang dahilan kung bakit tila nawalan na pakialam saakin ang sarili kong Ama, na para bang nabuhay lang ako bilang hangin sa mundo nya. Siya pa mismo ang nag sabi saakin na hinding hindi sya aaalis sa tabi ko at pro-protektahan nya ako bilang anak ng mga panhong nawala ang bunso namin, pero ngayon tila nakalimutan niya ang lahat ng mga pinangako nya sa isang iglap lang.

"O-opo." Tumango na lamang ako at yumuko dahil baka kung anong pang masabi ko na ikagalit nila.

"Umuwi ka muna sa bahay at baka manakawan tayo." Suhesyon ni mama saakin.

"S-sige po." Hindi ko masisisi ang aking sarili kung bakit lagi akong nauutal kapag kausap sila.

Tahimik akong tumayo mula sa sofa na aking kinauupuan at kinuha ang bag na aking daladala, pati pag hakbang na aking ginagawa ay sinisiguro kong walang tunog. Ng makarating ako sa pintuan at maingat ko din itong binuksan, hanggang sa maisara kong muli ito ay maingat at tahimik parin.

     MAGSASARA na sana ang pinto ng elevator ng may kamay na biglang nagpatigil dito, pumasok ang tatlong lalaki na pare-parehong naka sumbrero na itim, tila ayaw mag pakita o masilayan ang mukha kaya't yumuko ang mga ito ng makita ako.

Napakunot ang aking nuo ng di sinasadyang masagi ang balikat ko ng lalaking unang pumasok, ni mismong mag sorry ay di niya ginawa basta ay sumandal lang ito sa hawakan ng elevator at di nagsalita.

Rude..

Mas gumilid ako para hindi ko siya masanggi. Nakakahiya naman eh

Lumipas ang ilang minuto ay tumunog na ang elevator hudyat na huminto na ito, lumabas ang tatlong lalaki na nakasumbrero, pinagmasdan ko lamang silang mag lakad palayo ng biglang lumingon ang lalaking kaninang nakasanggi saakin.

Basta basta na lamang itong tumingala at ngumisi ng makita niya akong nakatingin sakan'ya.

Ginagawa nun?

Binaliwala ko na lang ang nasaksihan at tinuon ang isip sa paghinto at pagtunog ng elevator, sinulyapan ko ang mga numero sa itaas ng pintuan nito, kasabay ng pag bukas ng pintuan nito duon ay lumabas na din ako.

Derederetso akong nag lakad papunta ng exit door ng building na ito. Nag para ako ng taxi ng makarating ako sa gilid ng kalsada at nag pahatid sa Sébastien subdivision.

     NAGISING ako sa isang puting kwarto na walang mababakasan na kahit anong mga gamit kundi ay ang kamang hinihigaan ko at mga machine na ginagamit sa isang kwarto sa Hospital lamang.

Hospital? Kay'lan pa?

Ang huli ko lang na naaalala ay nag sisigawan kami ng kambal ko ng gabing yun dahil sa isang hindi pagkakaintindihan.

"Miss?" biglang bumukas ang pinto ng silid na'to at pumasok ang isang lalaki na mukhang mas matanda lamang saakin ng ilang taon at isang babaeng nakapambihin ng isang Nurse.

"OK lang po ba kayo? may nararamdaman po ba kayong masakit?" Tanong ng lalaki, ito ay matangkad, maputi at nakasibilyan na damit.

"Huh?.." Takang tanong ko, sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit kaya bakit ako nandirito?

"Ako si Doctor Sy at ito si nurse Mae." Pagpapakilala niya saakin, tinanguan ko lang siya at takhang tinignan.

"Ano po bang mga nararamdaman niyo nitong mga nagdaang araw?" Tanong nya ng may bakas ng pag aalala. Nagtatakha man ay sinagot ko pari siya.

"Minsan pagka-gising ko tuwing umaga, nahihirapan akong huminga, laging rin akong nakakakita ng dugo sa tuwing umiihi at dumudumi ako, minsan naman ay nahihimatay ako sa di malamang dahilan." Paliwanag ko.

"B-bakit po ba?" Nakakaramdam na ako ng kaba ng mapagduktong duktong ko ang aking mga sinabi.

Nag katitigan muna sila ng nurse na kasama bago tumingin saakin, tila nag-aalangan ba siya kung sasabihin n'ya ba saakin o hindi.

"Uhm....base sa resulta sa mga ginawa naming test sa katawan mo, mayroon kang rare heart disease, pwede itong mamana by parents to children, hindi ko masisiguro kung ano ba ang dahilan ng pinanggalingan ng sakit mo, pero kung magpapatuloy na walang mangyayaring operation sayo maaaring....hindi kayanin ng katawan mo ang labis na internal bleeding na ginagawa ng puso mo, so much damage na ang ginawa ng internal bleeding sa katawan mo, mas makakabuti kung in state ka mag papaopera for more professional doctors ang makakatingin sayo,

Sorry to say this but maybe from now kung hindi ka mapapasailalim sa heart transplant, maybe less than seven years na lang ang kayang itagal ng katawan mo."

Less than- what?

     LAST year ko pa nalaman ang sakit na meron ako at isang taon ko na ding tinatago ito sa mga magulang ko.

Pagtapos ko malaman ang lahat ng yun ay iyak lang ako ng iyak sa tuwing naiisip ko ang sakit na meron ako.

Hindi ko parin kasi kayang tanggapin hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pangarap kong magging doktor, dahil alam kong kahit ipagpatuloy ko pa ang pagabot sa pangarap ko ay hinding hindi yun matutupad dahil una sa lahat ay may hangganan na ang buhay ko at alam kong magiging mas mahirap ang buhay ko ngayon.

Ayaw kong isiping may hangganan na ang buhay ko pero siguro yun din ang mangyayari saakin, una sa lahat wala akong balak sabihin kila Mama at Papa ang totoo, pangalawa wala akong pera pampaopera at pampagamot sa ibang bansa.

Lalo na't ngayon na mayroon akong inaalagaan na may katulad din ng sakit na meron ako.... 

_______________________

END OF THE CHAPTER

YourLazyMissA

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now