CHAPTER 09 : ENVELOPE

443 19 4
                                    

     ARAW NG LUNES at araw din ng muling pagpasok ngayon sa eskwelahan, nakakatamad man bumangon mula sa pagkakahiga ay sinikap ko paring mag asikaso ng sarili para sa pagpasok, katulad nga ng laging sinasabi ng iba.... Mondays sucks!


Pagtapos kong mag ayos ay naisipan ko ng bumaba upang mag-agahan. Hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ang mga naganap kahapon, dumiretso ako sa dinning area namin at nakita duon sila Mama, Papa at Alisha na may kasamang isang naka formal attire na lalaki.

Halatang seryoso ang kanilang pinag-uusapan sa kadahilanang hindi nila napansin ang pagdating ko.

"Salamat Attorney, makakaalis ka na." Seryosong ang mukha ni mama habang kinakausap ang lalaking naka formal attire, nakita kongmtumango lamang ang lalaki at tumalikod na sa kanila upang mag tungo palabas ng aming kusina, sa aking kinatatayuan.

Nakasalubong ko pa ang lalaking tinawag na attorney ni mama, tinanguan niya lang ng nginitian ko siya.

"Ka'ylan mo ba sasabihin sa kan'ya Mom? Nakakadiri ng maki pag-plastikan sa babaeng y'un... Yucks!" Maarteng ani Alisha kay mama at nagpatuloy sa pagkain.

"Just a little bit time Alisha, just wait." Nakangising sagot naman ni mama dito. Tila napansin na niya ang aking presenya, ang kaninang seryosong aura nito ay napalitan ng masayang ngiti ng lumingon ito sa'kin.

"Oh! Anak kain na." Nakangiting aya niya saakin na sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti, umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Mama ng makalapit ako sa kanila.

Ayaw ko namang magtanong tungkol sa napag usapan nila, kaya't pinilit ko na lamang itikom ang aking bibig sa kagustuhang magtanong sa kanila.

Hanggang ngayon ay nakaka panibago parin at nakakapagtaka ang kanilang biglang pagtrato saakin, kahit na anong pilit kong pagiisip ng posibleng dahilan ng kanilang pagbabgo ay hindi ko parin mahanap ang sagot, hindi rin ako pinatulog kagabi ng pagtataka sa kanila ngunit kahit ganun ay pinili ko na lamang baliwalain mga negatibong pumapasok sa aking isipan tungkol sa biglang pagtrato nila saakin. Basta ang mahala sa akin ngayon ay ang nararamdamang pag saya muli makalipas ang ilang taon.

Tahimik kaming kumakain at walang nag sasalita ng mapansin ko ang isang brown envelope na nasa ibabaw ng lamesa sa tabi ng platong kinakainan ni Mama. Napatigil ako sandali at tinitigan ang brown envelope na iyon.

Bakit parang may mali?

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.

"Please trust me."  Patuloy na nag e-echo ang mga salitang iyon sa aking isipan. Itinago ko sa ilalim ng lamesa ang aking mga kamay ng maramdaman ko ang panginginig n'yon.

"Anak may problema ba?" Napabalingkwas ako ng maramdaman kong biglang hinawakan ni Mama ang braso ko.

"W-wala po." Tumango tango ako ng paulit ulit na para bang kinukummbinsi si mama sa sagot ko.

     DALAWANG oras na ang nakalipas simula ng makaramdam ako ng kaba kaninang umaga ngunit hanggang ngayon ay binubulabkg parin ako ng mga negatibong ideya sa isip ko.

"Bess!" Napatakip ako ng aking tenga dahil sa isang matinis na boses. Ng makalapit sakin si Elyzine ay bigla ko itong binatukan.

"Aray! Para saan naman 'yun? Gandang good morning naman n'un!"  Reklamo niya sakin habang masama ang tingin saakin. Napa-pamewang ako sa harap niya.

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now