(This Chapter is not EDITED)
Author's POV
"Elyzine please.....let's talk" Nagmamakaaawang saad ng binatang Earl sa nakahigang dalagaPero nagtalukbong lang ng kumot ang dalaga at hindi pinansin ang pagsusumao nito
Gustong gusto nya pang umiyak pero tama na, ayaw nya ng marinig ulit ng binata ang pagiyak nya dahil pakiramdam nya ay napakahina nya sa harap ng binata dahil nasaksihan iyon ng lalaking dahilan kung bakit sya nagkakaganun
"I think she needs some rest" malungkot na ani ng dalagang si Aliah
Naaawa sya sa kalagayan ng kaibigan nya ngayon, gusto man nyang akuin na lang ang sakit na nararamdaman ng kaibigan ngayon ay hindi pwede
Nakakatawang isipin na kahit alam nyang mas malala pa ang kalagayan nya kaysa sa kaibigan ay pinipili parin nyang magdagdag ng alalalahanin para lang sa kaibigan
Ganun naman talaga diba? Mas pipiliin mo parin na ikaw ang masaktan basta wag lang ang mga taong malalapit sa puso mo
Mapupungay na mga matang tinignan sya ni Earl na animoy nag mamakaawa
Sa kabila ng mga matang nag mamakaawa ni Earl ay inilingan nya ito dahil talagang kailangan na mag pahinga ng kaibigan dahil sa nangyari
Nilapitan ng dalagang si Aliah ang kaibigan, ng makalapit ito sa hinihigaan ng dalaga ay bahagya pa nitong ibinaba ang kumot na nakatakip sa bandang mukha ng dalaga upang matignan nito ang namumulang mukha dahil sa pagiyak
Pinipigilan huwag maiyak ni Aliah dahil sa nasisilayan nya ngayon. Namamagang mga mata, namumulang ilong at pisngi katibayan na umiyak talaga ito ng lubusan
Ngayon nya lang nakitang umiyak ito ng lubusan sa loob ng limang taon nilang pagkakaibigan kaya't hindi nya talaga maiiwasang maluha dahil sa pagiyak ng kaibigan
Inayos nya ang pagkaka talukbong ng kumot sa katawan ng kaibigan bago naisipang lumabas ng cabin upang duon ilabas ng luhang nagbabadya
Hindi nya pinansin ang mga matang nakatuon sakanya at derederetsong naglakad, ang gusto nya lang ngayon ay mailabas ang luha
Mahigpit syang napayakap sa sarili ng biglang humangin ng malakas paglabas nya ng pinto ng cabin, hindi na din naman malakas ang ulan at napalitan ito ng panaka nakang pag ambon
Tiningala nya ang mala abong kalangitan, abo....
Sana maging abo din ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, yung tipong hahalo na lamang sa hangin at mawawala ng parang bula, sana miging nagug na ang kadali
Kalaunan ay tuluyan na ding tumulo ang mga luha dahil sa mga alaalang nagbalik sa kanyang isipan
Gusto man nyang gisingin ang kaibigan upang may masandalan sya dahil sa masakit na alaala ngunit pinigilan nya ang sarili dahil alam nyang hindi pwede lalo na at kakatulog lang ng kaibigan
Hindi na nya nakaya ang panginginig ng tuhod dahil sa panghihina at napaupo na lang sa basang lupa at napayuko
Yakapyakap ang sarili sa gitna ng gabing malamig, pinapakiramdaman ang nanginginig na katawan dahil sa pinaghalong lamig at panghihina
Ilang beses na ba syang umiyak dahil sa mga pinagdadaanan nya?
Ilang beses na ba nyang pinangarap na sana sya naman?
Na sana ang dapat na nararamdaman nya ay kasiyahan at hindi purong sakit
Napatigil sya sa pagiyak ng may maramdamang isang malambot na bagay ang pumatong sa kaniyang balikat
YOU ARE READING
Dolores 01: Why Always Her
Novela JuvenilEdited Version [SHORTCUT STORY DESCRIPTION] Her mother thinks that she is her biggest mistake. Her father hates her for no reason. Her twin sister takes everything she owns. Her li'l brother died because of her. Her knight died because of her innoce...