CHAPTER 08 : GOOD NEWS?

269 11 0
                                    

     NGAYONG sabado ang uwi ng aking mga magulang galing Manila. Tumulong ako sa pag lilinis ng bahay ngunit hindi ko masyadong pinagod ang sarili upang makaiwas sa pananakip ng dibdib sa tuwing nakararamdam ako ng pagod, noong una pa ay hindi ako pinaglinis ng aming mga kasambahay dahil utos daw ng kapatid ko pero hindi naman ako sanay na walang ginagawa kaya't wala din silang napala kundi ang patulungin ako.


Pagtapos naming maglinis ay nakita kong kakababa lamang ni Alisha ng hagdan, halatang kagigising lang nito mula sa pagtulog. Nakita niya akong nagpupunas ng pawis gamit ang likod ng aking palad, bahagya pa itong nagulat ng makita ang aking itsura.

"Ate! Itigil mo nga yan, pasaway ka talaga!" Mabilis nitong kinuha ang vacumm cleaner sa kamay ko sabay hila saakin paupo sa sofa.

"Okay lang ako. Ano ka ba..." Pabiro ko siyang hinampas sa braso sabay tumawa ng mahina, napa nguso nalamang ito.

"Ate naman eh!" Tila isa itong bata na nagtatampo, hindi ko maiwasanb mapangiti habang pinagmamasdan siya ngayon, ibang iba ang Alisha na nakasalamuha ko sa nakalipas na ilang taon sa Alishang nasa harapan ko. Ganitong senaryo ang araw araw kong pinagdarasal sa diyos, na miss ko ang bawat ugali niya ng pag-kaisip bata, na miss ko ang kambal ko...

"Mukhang nagkakasiyahan ang mga anak ko huh..." Nagulat kaming dalawa at napalingon sa pintuan ng aming bahay.

Sila mama...

"Naku Hon. Baka naistorbo natin sila..." Natatawang ani ni Papa na naka akbay sa balikat ni Mama.

"Mom!" Masayang sigaw ng aking katabi, mabilis na tumakbo palapit kay mama at sinalubong ito ng yakap. Habang pinag-mamasdan sila sa pagyayakapan ay may may biglang pumasok sa aking isipan.

Sana hindi ako nananaginip....

Tila naramdaman ni Mama na hindi ako sumunod kay Alisha at naka tingin lamang sa kanila.

"Anong ginagawa mo d'yan anak? Lika payakap naman si Mama." Malambing na aniya sa akin habang naka ngiti ng malapad, itinaas niya ang kaniyang dalawang braso na tila nag aantay na may humagkan dito.

Naramdaman kong may namumuong tubing sa gilid ng aking mga mata sa di inaasahang pangyayari.

Anak? Namiss ko ang salitang iyon, halos limang taon ko ding hindi nadinig iyon kay mama.

Dahil sa sobrang saya ay napatakbo ako at sinalubong ng mahigpit na yakap si Mama.

Nang mayakap ko si mama tila nagulat ito sa reaksyon ko, ilang sandali bago niya ako ginantihan ng yakap, ang sarap sa pakiramdam.

Limang taon.....limang taon kung pinangarap ang senaryong ito, ngayon ay naramdaman ko na ulit ang pangarap kong mayakap muli si mama katulad ng dati.

Sobrang sarap sa pakiramdam, parang mas lalong nabawasan ang sakit na dinama ko ng limang taon.

     NANG sumapit ang tanghalian ako ang nag volunteer na mag luto para sa aming. Ngunit tinulungan ako nila Mama at Alisha sa pag dadahilang baka mapaso ako o mahiwa habang ginagawa ang aming agahan kaya hindi nila ako hinayaang mag-isa magluto.

Sa sobrang saya ko hindi ko maiwasang yakapin ulit si Mama mula sa likod.

"Salamat Ma'... Salamat sa lahat." Pinigilan kong huwag tumulo ang mga luha na gustong kumawala.

"Wala yun 'nak." Hinawakan niya ang braso kong nakayakap sakaniya at hinimas iyon.

"Salamat talaga Ma'." Puno ng sinsiridad na sabi kong muli.

"Tama na 'yan kakain na tayo pero bago 'yon sali ako." Parang batang sabi ni Alisha ng makita nitong yakap yakap ko ang aming Ina.

Sana ganito na lang kami parati...

Masaya akong natulog ng gabing yun, kahit sa sandaling panahon ay nakalimutan ko ang sakit ng pangungulila sa lalaking ilang araw ng nag papagulo ng aking isipan.

___________________________

END OF THE CHAPTER

YourLazyMissA

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now