CHAPTER 28 : UNTOLD

318 13 5
                                    

     MINSAN lagi kong tinatanong, kung ano bang dahilan bakit nabuhay pa ako sa mundong ito. Gusto ko lang naman mabuhay ng payapa, gusto ko lang naman maranasan, kung anong pakiramdam ng mabuhay ng masaya.


Katulad ng ibang kabataan na kagaya ko, gusto kong ma-enjoy ang buhay dalaga. Gusto ko lang naman maranasan kahit isang araw na walang iniisip na problema.... Yung tipong payapa mong dinadama ang hangin sa tabing dagat, habang nag lalakad sa buhangin ng walang iniisip na problema. Hindi yung kahit kaunting galaw lang kailangan mo pang pag-isipan ng mabuti, kung gagawin ba o hindi.


Hindi ko alam kung kanino ko pwedeng tanungin, kung bakit ko kailangan maramdaman lahat ng ito. Kung sa diyos ba na wala naman ginawang masama kundi ang bigyan lang ako ng pagkakataon mabuhay. O sa mga taong nakapaligid saakin na araw-araw kong nakakasama ngunit hindi ko nakakapiling sa gitna ng problema.


Ilang araw na akong nakakulong at hindi lumalabas sa aking kwarto, lalabas lang ako kung oras na ng pagkain. Alam mo yung pakiramdam na para bang binuhay ka lang sa mundong ito para sa buhay ng kambal mo? Para akong nabubuhay bilang anino ni Alisha. Pagod na binalingan ko ng tingin ang pintuan ng aking kwarto ng marinig kong bumukas ito.


"Kakain na." Ani nito, ibinulsa nito ang susi ng pintuan sa kaliwang bulsa ng kaniyang suot na pantalon at sumandal sa hamba ng bukas na pintuan. Tinignan ko lang siya at hindi sinagot. 


Paano kaya kung ako ay naging siya? Magiging masaya ba ako at mararamdaman din ang lahat ng nais ko?


Oo mag kamukha kami, at hindi mapagkakailang mag kambal nga kaming dalawa, ngunit mag kaiba kami ng nararamdaman sa loob ng bahay na ito. Tila isa s'yang mamahaling Diamante na may mahal na halaga, habang ako, isa lamang ordinaryong bato na walang kwenta.


Alam kong wala s'yang kasalanan, kung bakit naging ganito ang buhay na meron kami, parehas lang kaming biktima sa bahay na ito. Nakita ko ang pag-irap nito saakin ng hindi ko siya sinagot.


"Para kang Pipe. Mukha kang patay sa sobrang tamlay ng itsura mo." Napangiti ako ng mapait dahil sa tinuran niya. Di nga ba ako patay? Pakiramdam ko kase wala na akong buhay sa nakalipas na mga araw.


Sa nakalipas na mga araw ang tanging tumatakbo lang si isip ko ay ang araw na kung kailan ang araw na magsisimula ang operasyon, sa palagay ko hindi lang puso ang ibibigay ko sa kanya, pati na din buhay ko.


Buhay ko.....


Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang araw na alam kong di na ako masisinagan ng araw ng buhay pa ako. Lagi akong napapaluha, katulad ngayon. Napatakip ako ng dalawang palad sa aking mukha ng hindi ko na naman mapigilang masaktan sa mga posibilidad na kahihinatnan ko makalipas ang dalawang araw.


"G-gusto ko lang naman mabuhay..." Nadinig kong tumawa ito ng bahagya bago mag salita.


"Kung gusto mong mabuhay.... Ipag-laban mo, lumaban ka. Lumabas ka sa jan sa lungga mo at harapin mo sila, hindi yung hahayaan mo silang kuhanin ang bagay na wala silang karapatan. Lalo na't labag sa kalooban mo." kalaunan ay narinig ko na lamang ang pag bukas sara ang pinto, napahinto din ako sa pag iyak at tinitigan ang naka saradong pintuan.

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now