CHAPTER 24 CHAOS

265 12 1
                                    

(This Chapter is not EDITED)

Author's POV

     NAKUTALALA si Aliah habang nakaupo sa waiting shed kasama si Elyzine, dala ang dalawang maleta na may lamang gamit nilang dalawa, hinihintay ang susundo sakanilang Van na ipinadala ng mommy ni Elyzine

Alas dos pa lamang ay nag aantay na sila sa waiting shed sa labas ng camping site, madali na lamang silang nakatakas sa mga tao sa camping site dahil sa wala namang nag babantay sa arko ng nasabing lugar

Nahirapan man silang lumabas sa camping site dahil sa pabugso-bugsong pag buhos ng ulan at malamig na klima ay napag tagumpayan naman nilang makaalis sa lugar dahil sa kagustuhan ng dalagang si Aliah

"Aliah..." Tawag ni Elyzine sa kaibigang tulala parin hanggang ngayon, pero hindi sya pinansin nito kaya't pinabayaan na lamang ng dalaga ang kaibigan

Pinigilan ni Elyzine na wag masira ang hawak na cellphone ni Aliah dahil sa text na nabasa nya galing sa mga magulang nito

from: Papa (0927*******)

Aliah, after one week pag tapos ng graduation ay kailangan mo ng ma-confined sa hospital ng tita Karen mo para sa darating na heart transplant ng kambal mo. Sa ayaw o sa gusto mo ay wala ka ng magagawa dahil buo na ang desisyon namin ng mama mo

Hindi sya tanga para di maintindihan ang ibig-sabihin ng text galing sa magulang ni Aliah

Alam nya ang tungkol sa heart transplant na sinasabi sa text dahil naikwento din ng kaibigan nito ang tungkol na iyon sa kanya. Imbis na mahirapan sila sa pag hahanap ng heart donor ng kambal ni Aliah nasi Alisha ay napagpasyahan na lang ng mga magulang nito na si Aliah ang gawing heart donor nito

Di maiwasan ni Elyzine na malungkot lalo dahil sa buhay ng kaibigan nya

Kaya gustong gustong makalayo kahit kaunting panahon lang ni Aliah sa lugar na pinag mulan ng nakaaklungkot na buhay nya, gusto rin iyon ni Elyzine para sa kaibigan nya

Ibinulsa na ni Elyzine ang cellphone ng kaibigan at inayos ang natabinging jacket nya sabay kuha ng dalawang maleta nila

Lumabas mula sa Van ang isang lalaki at tinulungan si Elyzine sa mga maleta na dala nito, ng matapos ilagay sa likod ng Van ang dalawang maleta ay napabuntong hininga sya dahil sa wala paring imik na si Aliah, lumapit sya dito at marahang tinapik ang balikat ng kaibigan na kalaunan ay napatingin narin sakanya

Bakas ang pagod, pamumula ng ilong at mata nito dahil sa pagiyak, inaya nya na itong pumasok sa Van

Ng makapasok sila ay kinuha naman ni Elyzine ang nabasang jacket ni Aliah at pinalitan ito ng isang mabalbong blanket upang mainitan ang katawan ng kaibigan laban sa malaming na panahon, bahagya din nitong ibinaba ang sandalan nila upang makahiga ng maayos ang kaibigan

katulad kanina ay habang inaasikaso ni Elyzine ang kaibigan ay wala parin ito imik, ilang sandali ay napansin ni Elyzine na lumalalim na ang paghinga ng kaibigan senyales na nakatulog na ito

Binalingan ni Elyzine ang driver ng mama nya na sumundo sa kanila

"Sa Rest house na lang po tayo ni mama sa Olonggapo kuya Jude" bakas din ang pagod sa boses ng dalaga dahil sa mga nangyari nito lang

"Sige po ma'am" Pinaandar na ni Kuya Jude ang Van

Tinignan ni Elyzine ang natutulog na si Aliah sabay buntong hininga. Kumuha din sya ng isa pang extra na blanket para sakanya, ng mahanap ni Elyzine ang komportableng pwesto para makapag pahinga ay napatulala naman sya sa bintan na kaharap

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now