CHAPTER 27 : HOW ABOUT ME?

251 14 4
                                    

(Warning: Some part of this chapter reflected a physical and mental abused)


-


     "ISA pa po kuya." Nakangiting sabi ko sa bartender, nailing-iling niyang tinanggap ang baso na ginagamit ko.


Ang totoo niyan, hindi ko alam kung anong alak ang iniimon ko ngayon dahil wala naman talaga akong alam na kahit anong ng alak na sine-serve nila dito, basta humingi lang ako sa bartender ng kahit na anong alak. Gusto kong magpakalasing ngayon at makalimot kahit sandali.


Nakakadalawang baso pa lang ako ng alak na hiningi ko sa bartender ngunit nahihilo na ka-agad ako, I know I'm just seventeen years old pero di naman halata sa itsura ko kaya siguro napapasok ako sa bantay nitong bar kanina sa entrance.


Habang inaantay ang alak na hiningi ko, pinag masdan ko ang paligid. Napangiwi ako ng may mga nakita ako na kaliwa't kanang nag hahalikan na halos mag make out na, mga nagsasayawan sa gitna, mga parang wala na sa wisyo kung magwala, mga lasing at amoy na amoy din ang pinaghalong alak at amoy ng sigarilyo.


Sa totoo lang ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar, halos mag mukha akong taong bundok dahil sa wala akong alam sa lugar na katulad nito. Di ko din alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko pagtapos ng graduation namin, ni hindi ko din alam kung nasaan na si Elyzine. Basta ang alam ko lang gustong gusto ko ng umalis kanina.


     HALOS matuod ako sa kinatatayuan ko ng makasalubong ko ang tatlong taong ayaw kong makita.


"So, umuwi ka din." Supladang salubong ni Alisha sa'kin pag dating ko dito sa backstage. Katatapos ko lang tanggapin ang deploma at medalya na ibinigay sa akin ng principal, wala talaga akong balak na umattend sa graduation ceremony namin kung hindi lang ako pinilit ni Elyzine. Ang balak ko lang ay pag tapos kong tanggapin ang deploma at medalya ay babalik na kami ni Ely sa bahay bakasyunan nila.


Ang kaso mukhang mapapatagal pa kami bumalik....


"Alam mo bang, ilang linggo kaming nag antay na bumalik ka?" Seryosong tanong saakin ni Mama.


Inaantay nila ako? Halos mapangiti ako ng maisip ang bagay na 'yun ngunit sa sumunod na sinabi ni Papa ay napawi ang nararamdaman ko.


"The operation will start, once na bumalik kayo ni Shay galing ng camp.... Sabi ni Doctora Jess." Seryoso ngunit may halong diin na sabi ni Papa, ramdam ko pa ang matalim na tingin nito saakin pati ni Mama.


"Kaso anong ginawa mo? Tumakas ka!" Nagulat ako ng biglang hinablot ni Mama ang buhok ko sabay sampal ng malakas sa aking pisngi.


"Ilang linggong na-delay ang operation ng kambal mo, dahil sa kagagahan mo!" Galit na galit nitong hinatak ang buhok ko, wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang at tiisin ang sakit na dulot ng ginagawa niya sa akin.


Gusto kong sumagot, gusto kong lumaban..... Pero di ko kaya.


Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now