CHAPTER 18 OUTING

294 10 7
                                    

(This Chapter is not EDITED)

Aliah's P.O.V

     NAPALINGON ako sa aking likod ng may marinig akong pag kalansing ng metal. "Ano ba namang mga damit 'to Aliah!" Iritang reklamo ng babaeng pasimuno ng tunog na iyon. Nandito kami sa loob ng kwarto ko at nag aayos ng mga dadalhin sa outing na aming pupuntahan.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa harap ng salamin at nag patuloy muli sa pag suklay ng aking buhok. Sinilip ko ang kaniyang repleksyon sa salamin, hinahalungkat niya ang aking damitan sa loob ng kabinet.

"Kung hindi oversized puro pajama!" Hinagis nitong muli sa aking kama ang mga damit na nakuha niya sa kabinet.

"D'yan ako komportable. e." Mahinang bulong ko. Nang matapos akong mag suklay ay tumayo na ako at inayos ang pagkaka patong patong ng mga damit kong naka hanger pa sa ibabaw ng aking kama.

Ng lingunin ko itong muli, nakahawak na ang isa nitong kamay sa kaniyang baba na tila ba nag iisip ito kung anong gagawin sa mga damit ko habang matalim ang tingin nito duon.

"Alam ko na! May mga shorts ka ba? Yung matino." Matino? Parang tangang nakangiti ito saakin na sigurado kong may binabalak siya. 

"Uhm O-oo. Cotton shorts." Nawala ang ngisi nito na napalitan ng masamang tingin saakin.

B-bakit?

     "S-SIGURADO kaba dito Elyzine? Parang sobrang igsi naman, ata." Muli kong hinila pababa ang maong short na pinasuot saakin ni Elyzine.

"Gosh Bess. Wala pa nga sa kalahati ng hita mo ang na e-expose!" Anong wala? E. halos hindi na nga matakpan ng tela nito ang hita ko! 

"Kasi sabi ko sayo, mag jogging pant na lang ako. e." Tila parang may aircon na nakatutok sa aking hita dahil ang lamig sa pakiramdam ang hangin.

"Bess Twenty-twenty-one na hindi na Twenty-thirteen or Twenty-fifteen para mag jogging pants ka, hindi na uso yun!"

Kasi naman naka oversize na puti nga ako pero itim na maong-shorts naman ang suot ko, na pinartneran ni Ely ng puting sapatos.

"Hindi ako sanay..." Mahinang bulong ko.

"P'wes sanayin mo!" Sigaw ni Elyzine.

"Tigilan mo nga yan! Tataliin ko talaga yang kamay mo eh!" Hinawakan nito ang dalawang kamay ko sabay hila saakin.

"Sandali! Oo na, hindi na." Pangungumbinsi ko.

"Wow! Chu-babe!" Bigla kaming napatigil sa paglalakad at napatingin sa nagsalita.

"Ikaw ba'yan Aliah?" Takang tanong ni Earl saakin.

"B-bakit, pangit ba?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.

"Nope, ang angas mo kaya." Nakangiting sagot niya.

"Ha? maangas? So mukha akong masama gan'un?" Nanlalaking matang tanong ko.

"Tanga!" Bigla akong binatukan ni Elyzine.

"Aray naman..." Hinimas ko ang parteng hinampas ni Elyzine at tinignan siya, tinarayan lang ako nito ng makasalubong nya ang tingin ko.

"Hindi-hindi. I mean ang cool ng suot mo." Mabilis na sagot niya.

"S'yempre ako pa ba." Proud na sabi ni Elyzine sabay flip pa ng buhok nito.

"Ikaw ang nag style sa kaniya?" Kunot nuong tanong ni Earl kay Elyzine.

"Oo, bakit?" Taas kilay na balik tanong naman nito.

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now