CHAPTER 07 : CHANGE

297 9 0
                                    

     MULI kong dinama ang komportableng pag-upo dito sa loob ng kotse namin ni Alisha, ngayon ko na lang ulit naranasang ang pag-sakay sa kotseng ito makalipas ng dalawang taon.


Kaninang paglabas ko ng kwarto ay nakaabang siya sa labas ng pinto ko, ang mas nakakagulat pa ay nakangiti siya habang may hawak na tray na may lamang pagkain.

Sa unang pagkakataon ay ginawa niya saakin ang bagay na 'yun kaya nakakapanibago din lalo na't simula ng mangyari ang aksidente ay lagi na siyang galit sa akin.

Pero kahit ga'nun na lamang ang biglang pagbabago niya ay hindi ko parin maiwasang mayakap siya.

Pagbaba ko ng kotse ay marami agad ang napatingin sakin, halata sa kanilang mga mukha ang pagtataka at pagkadisgusyo. Hindi na ako nagulat sa kanilang mga reaksyon dahil una pa lamang ay iyon na iyon na ang naisip kong kanilang magiging itsura sa oras na makita nila akong bumaba sa kotseng pagmamayari ng isang sikat dito sa aming eskwulahan.

Imbis na pakinggan pa at problemahin ang mga walang kwenta nilang pinagsasabi, naglagay na lamang ako ng cassette tape sa player nito na may nakakabit na ear phone para mapakinggan ang bagay na naka record dito. Kahit na pang nineteen pa ang mga ganitong bagay ay ganito parin ang mas gugustuhin kong pakinggan kaysa sa mga digital phone ngayon, pakiramdam ko kase nakakabata ang mga bagay na ganito. Sigurado akong kapag nalaman ng mga kaedad kong mayroon parin akong ganito ay siguradong pagtatawanan nila ako pero wala akong pakialam kung anong sabihin nila basta alam ko sa sarili kong gusto ko ang mga bagay na nakaka pag-palala saakin ng mga bagay na kahit papaano ay masayang maging bata na lamang

Inilagay ko sa aking bulsa ang cassette player na aking pinapakinggan. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at hindi pinansin ang mga matang mapanghusga na nakamasid saakin, sanayan na lamang ang kailangan sa mga sitwasiyong katulad nito, kung mas pinapakita mong wala kang pakialam sa kanila, sila na lang ang mapapagod sa mga judgement na binabato nila saiyo.

Hindi pa ako tuluyang nakaka liko ng dadaanan ng may bigla akong nakabunggong matigas na bagay. "Aray!" Sa lakas ng impact ng pagkakabungo ko sa bagay na iyon ay napaupo ako kasabay ng pag hulog ng isang bagay na mukhang nasira sa nalikha nitong tunog

Ang sakit ng pwet ko...

"Cassette player, huh?" Mabilis akong napa tingala ng madinig ang isang pamilyar na boses, ni hindi man lang nasira ang tindig nito sa nangyaring pagkakabunggoan namin. Seryoso lamang itong na ka tingin saakin at matalim akong tinignan

"I-Ice?" Nagtatakang tanong ko dito, bakit siya nandito sa school at naka unipormeng pang Jones Academy? Dito ba siya mag aaral? Hindi ko nga pala naitanong sakaniya kagabi kung anong plano niya ngayon na bumalik na ito sa bansa. Halos tatlong taon na din nago kami muling nag kita at di ko manlang nagawang tanungin siya kahapon.

Napansin kong natahimik ang buong paligid at ang boses lang namin ang aking nadinig dito sa bung corridor. Natigil din ang lahat ng estudyanteng naglalakad at nakatingin sa aming dalawa ni Ice na sentro ng atensyon ng buong estudyanteng andito.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya ng maalala ang aking itsura na nakaupo sa lapag dahil sa pagkawalan ng balanse kanina, mabilis kong pinagpag ang aking nadumihang palda. 

"Shit." Gusto kong maluha ng makita ang itsura ngayon ng cassette player sa lapag na kanina lang ay aking pinapakinggan. Dali dali kong pinulot ang bawat piraso ng cassette player na nasira sa lapag, inipon ko ito sa aking palad. Muli kong hinarap si Ice na nakamasid lamang saakin, nakaramdam ako ng kauniting kirot sa aking dibdib ng makita ang klase ng tingin niya saakin at sa sirang cassette player sa aking palad.

"Yuck! You still using that kind of trash, for listening music? hindi ba uso sayo digital phone?" Biglang may lumapit sa aming harapan na dalawang babaeng hindi ko kilala. Ang kaninang tahimik na paligid ay napalitan ng tawanan ng mga estudyante. Mas lalong tumindi ang nararamdaman kong hiya dahil sa komento na iyon ng babae, napayuko ako at dali daling ibinulsa ang sirang cassette player sa aking bulsa.

Hindi parin matapos tapos ang mga tawanan ng bumaling muli ako kay Ice, nakatingin parin ito saakin ng walang emosyon, nang akmang magsasalita ako upang kausapin ito ay iniligay nito ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa, isa sa mga sign na ayaw niya sa kausap. Ganun ko ito kakilala na pati mga nakasnayan at ginagawa niya nuon ay alam ko. Mas lalong tumindi ang kirot na aking nararamdaman ng makita iyon, hindi naman niya sinasadyang ipakita saakin iyon diba? 

Kahit na anong pangungumbinsi ko sa aking sarili na hindi niya sinasadya iyon ay masakit paring isipin na parang may biglang may nagbago sakaniya bigla, di naman posibleng nagbago kaagad ang isang tao ng isang gabi lang, diba?

Pero bakit parang....mali ang sinasabi ng isip ko? baka nga posible talaga- hindi, imposible!

"Moo-" Hindi ko na tuluyang naituloy ang sasabihin ng inilingan ako nito at nilagpasan upang maglakad sa daang aking pinanggalingan.

Parang may sariling isip ang aking braso at hinigit si Ice sa braso nito upang hindi tuluyang maglakad papalayo, dahil sa aking ginawa ay muling natahimik ang mga estudyanteng nanunuod parin saamin, nilingon ako nito at tinignan ang kamay na nakahawak sa kaniyang braso.

"I-Ice?" kinakabahan.g tawag ko dahil napakalamig ng tingin nito sa'kin ngayon. Parang kahapon lang ay ang saya saya naming nilibot ang buong Mall, malinaw na malinaw pa saaking memorya na hinalikan pa ako nito, tapos ngayong kinabukasan ay ganito niya na ako kung pakisamahan. May mali ba akong ginawa na kinagalit niya kaya parang isang ordinaryong tao lang ako na dumaan sa buhay niya?

Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako, nagmumukha na akong tanga dito ngunit dahil sa kaguluhan ng isip ko at sa inaasta nito ngayon ay wala akong pakialam

"I-Icelorh ako to. S-si Aliah?" Nararamdaman kong may namumuo nang luha sa aking mga mata, nagugulohan ako sa inaasta niya...ang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga masasakit na ideyang pumapasok sa isip ko

Paano kung Pagod na siya saakin? Paano kung narialized niya na di niya pala ako mahal?

Ilang minuto ulit ang lumipas ngunit katulad kanina ay nakatingin lang siya sa'kin. Habang tumatagal ay mas lalo nang naninikip ang dibdib ko hindi ko alam kung anong dahilan kung dahil ba sa sakit ko o dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa paraan ng pagtrato nya sakin ngayon.

"Don't touch me." Seryosong anito at tinanggal ang pag kakahawak ko sa kaniyang braso.

Hindi ko napansing tuluyan na itong nakalayo, pinanood ko ang papalayong bulto nito sa aking paningin. Gusto ko itong sundan pero parang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

___________________________

END OF THE CHAPTER

YourLazyMissA

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now