CHAPTER 19 REASON

409 14 5
                                    

(This Chapter is not EDITED)

Aliah's P.O.V

     Isang simpleng kwartong may tatlong triple-deck na may kulay puting mga unan at kumot ang nasa kaliwang bahagi ng kwarto, at isang simpleng sala na gawa sa kawayan naman ang nasa kanang bahagi ng kwarto ang bumungad sa amin ni Elyzine ng makapasok kami sa loob ng cabin na nakaatas sa aming grupo. Wala pang tao ng dumating kami dito, tahimik at maaliwalas ang loob dahil sa pinag samang kulay cream at brown na pader.

"Tara, sa taas tayo!" humarap sya saakin ng may malaking ngiti

Kahit baliw itong kaibigan ko hindi ako nagsisising nakilala ko toh

"Sa taas talaga?" nagaalangan na tanong ko sa kanya

"Oo, bakit ayaw mo ba?" nakakunot noong tanong nya naman saakin

"Sa gitna na lang kaya?" nakangusong suhessyon ko

Yung triple deck ang pinaguusapan namin

Gusto nya sa taas pero ayaw ko kasi mamaya baka mahulog ako habang natutulog hindi naman ako malikot matulog, natatakot lang talaga ako kasi ang taas eh

"Mas maganda kung sa taas tayo para maabutan-" naputol ang sasabihin nya ng may magsalita sa aming likod

"Oh kung minamalas ka nga naman" biglang sabi nya ng makita nya kami dito sa loob ng cabin namin

"-tayo ng hangin ng electric fan" hindi pinansin ni Elyzine ang sinabi ni Alisha at tuloy tuloy na lang sa pagkumbinsi saakin

"Sige basta may unan ako sa gilid ko ha?" napangiti si Elyzine sa sinabi ko

"Dalawang panget na magkaibigan nagkakasundo talaga" parinig ni Alisha habang nagaayos ito ng mahihigaan nya

Kaming lima lang ang nandito sa cabin kasama yung dalawang kaibigan ni Alisha, sila Hera at Claire

Di ko alam kung nasaan yung apat pa naming kasama dahil pagdating naming dalawa ni Ely ay wala pang tao

"Sige basta ako sa bandang kaliwa" sabi ni Ely at nauna ng umakyat

"Kala mo famous di namamansin" parinig ulit ni Alisha

Pero di parin sya pinapansin ni Ely kaya di kona din pinansin

Mga ilang minuto pa ay napatingin kaming lahat sa pintuan ng marinig namin itong nagbukas

"hello babe!" biglang sumalubong ng yakap si Alisha kay Ice ng makita nya itong pumasok

Dahil sa eksena nilang iyon ay napaiwas na lang ako ng tingin

Bakit ba mapaglaro ang tadhan?

Kahit makita ko lang silang magkadikit parang sinasaksak na ng napakadaming kutsilyo ang puso ko

Akala ko dito na sa lugar na ito ako magiging payapa sa sakit pero mukahang nakalimutan kong kasama pala namin ang dalawang taong kasalukuyang wumawasak ng puso ko ngayon

FIVE p.m na at tapos nadin mag remind ulit si kuya Neon ang head ng camp site

Kaya naisipan namin ni Ely na mag libot libot muna kaysa bumalik sa cabin namin dahil may mga papansin daw duon

Maganda at mahangin dito sa napuntahan namin kaya todo sulit ako dahil alam kong pag natapos na ang tatlong araw na outing namin ay babalik na ako sa lugar na may mga alalang ayaw ko ng balikan pa

Mga alalang maaring makapatay saakin pag binalikan kopa pero alam kong wala naman na akong kawala sa mga alalang iyon

"Upo tayo duon" hinawakan ni Elyzine ang kamay ko at iginaya ako sa malapit na bench na nakita namin

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now