CHAPTER 05 : YOUNGER BROTHER

322 11 0
                                    

     FRIDAY nga pala ngayon at wala kaming pasok dahil Exam na namin sa Monday, kaya pinagpahinga kami ng mga teacher ng isang araw at para na din makapag review kami bago ang exam kinabukasan.

Tapos na ako mag review kaya naisipan ko na lang mag linis ng kwarto dahil halos isang bwan ko na din hindi nalilinisan ito, hindi ko naman pinapa linis ito sa aming mga kasambahay hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa bilin nila Mama at Papa na bawal linisan ang aking kwarto ng mga katulong para daw maging responsible ako.

Sinimulan ko muna sa kama, sa bedside table, sa carpet, sa pader at kisame, sa vanity mirror at ang huli ay ang nag-iisang kabinet ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng naisipan kong buksan ang isa sa drawer ng kabinet na'to, ilang taon ko di itong di na buksan dahil ang part ng mga may damit lang ang araw-araw kong binubuksan.

Pagbukas ko ng drawer ay napatakip agad ako ng ilong dahil sa dami ng alikabok.

"Mag v-vacume nanaman ako nito." Napakamot ako sa batok dahil sa mga alikabok pero pinabayaan ko na lamang tutal nag lilinis na din naman ako.

May nakita akong dalawang baul na mahahalata mong luma na, inalala ko muna kung saan galing to pero hindi ko talaga maalala dahil siguro depressed ako nitong mga nakaraang araw or should I say, isang taon....

Dahil sa kyuryusidad ko ay binuksan ko ang isa sa mga baul, ang laman nito ay isang picture frame na may isang lumang family picture ng buong pamilya.

"Buo pa kami dito..." Naramdaman ko na lang na may likido na lumandas sa pisngi ko habang nakatingin sa picture frame na hawak.

Habang nakatingin ako sa family picture namin ay naalala ko na naman ang dahilan kung bakit naging ayaw saakin ng sarili kong pamilya.

Ten years ago...

"Ate!" sigaw ng aking kambal habang tumatakbo papunta saaking kinaruruonan.

"Wag kang tumakbo baka madapa ka!" paalala ko sakanya.


Ng maka lapit ito saakin ay sinalubong ko kaagad ito ng isang mahigpit na yakap.

"Ate! si Ashton hinahabol ako!" Nagsusumbong na sabi nito saakin habang naka nguso.

Napailing-iling na lamang ako dahil sa kakulitan nila.

"Atche (ate)!" Napatingin ako sa sumigaw na limang taong batang lalaki papunta sa pwesto namin. Sigurado akong maghaharutan nanaman ang dalawang ito at napikon si Alisha kaya pumunta sakin.

"Wag nga sinabing tumakbo eh..." Paalala ko kay Ashton dahil sigurado akong madadapa siya lalo na't nandito kami sa garden at marami pang maliliit na bato.

Medyo nahihirapan itong tumakbo sa damuhan na dinadaanan niya. Nang makalapit siya saamin ay mas lalong humigpit ang kapit si Alisha sa damit ko at nagtago ito sa aking likod, si Ashton naman ay kumapit sa laylayan ng aking damit.

"Bakit na naman?" Malambing na tanong ko kay Ashton.

Bahagya akong lumuhod para mag pantay ang tangkad namin.

"Atche biyi mo ko ayskim (ate bili mo ko ice cream)." Nakanguso ito habang nagpapa-cute na tumingin.

"Hindi pwede ako lang bibilhan ni ate ng ice cream!" Singit naman ni Alisha at humarap muli sa akin.

Napangiti na lamang ako sa ka-cute-tan ng dalawa kong kapatid...

"Oh.... Baka mapunit ang damit ng ate ninyo." Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng makita ang dalawang taong papunta sa kinaroroonan naming tatlo.

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now