CHAPTER 10 : WHY?

346 12 0
                                    

     PAGKAHINTO ng SUV na sinasakyan namin ay hindi parin mawala wala ang kabang lumulikob sa akin buong katawan, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil unang beses na isinama ako nila Mama sa mga pagkikita na ganito o baka dahil sa ibang dahilan na hindi ko alam kung ano.

Kahit na pinaghaharian ako ng kaba ay pinlit ko paring isantabi ang nararamdaman, ako na ang nagayang bumaba na kami ni Alisha dahil abala parin ang kaniyang atensyon sa kaniyang cellphone.

Tila isang modernong mala palasyong establisyimyento ang aming nasa harapan ng makababa kami at salubungin isang building na di gaanong kataasan, pinaghalong kayumanggi at ginto ang kulay ng pader nito. Mas nag pa dagdag pa sa pagkasosyal ng gusali ang mga taong pumapasok dito, lahat ay tila mamahalin ang suot at mga mamahaling sasakyang naka parada sa harapan ng gusali.

Imbis na mawala ang itinatagong kaba ay mas lalo kong naramdaman ito dahil sa itsura ng lugar, ngayon lamang kasi ako nakarating at nakakita ng ganito kaganda at kasosyal na lugar. Kahit na kilala ang aming pamilya na mayaman ay hindi parin talaga ako nakakarating sa ganitong lugar dahil hindi naman ako isinasama ng aking pamilya sa mahahalagang lakad nila.

"Welcome to Goldie Restaurant, Ma'am." kaswal at naka ngiting bati ng babaeng nakatayo sa isang lamesang mataas na hanggang dibdib nito na tila nagaabang ng customers sa entrance.

Pati waitress sosyal.....

Black dress na above the knee at may gold lace sa dulo ng dress, simple lang pero sosyal ang design at may kasamang black and gold coat na hanggan baywang lang ang haba.

Parang gusto ko tuloy mag trabaho dito, parang malaki ang kita eh...

"Uhm... Where's Mrs. Coral reserved table. Miss?" kaswal din na tanong ni Alisha dito, binuksan naman ng babae ang malaking tila libro sa kaniyang harapan upang hanapin ang sinasabi ni Alisha. Isinara niya iyon at binalingan kaming muli habang may malapad paring ngiti sa mga labi.

"Please... This way Ma'am." Umalis ito sa harapan ng mataas na lamesa, may isang babae naman na kapareha ng kaniyang suot ang tila pumalit sa kaniyang pwesto kanina. Sinundan namin ang babaeng kinausap ni Alisha patungo sa second floor nitong lugar, tumigil siya sa harapan ng isang kwarto, hinarap kami at sinabing ito daw ang pina reserved ni Mama.

Kala ko ba table lang bakit naka VIP room?

Salamin ang pader nito pati ang pinto ngunit tinted ang uri ng salamin na ginamit, hindi kasi makikita kung ano ang nasa harapan nito at tila nag-sasalamin ka lamang kapag humarap dito.

"Thanks." Napansin kong naka alis na pala ang waitress at iniwan kaming dalawa ni Alisha sa harap ng pinto.

"Okay lang ba ang itsura ko Ate?" Malapad ang ngiting humarap ito saakin habang may hawak na maliit na salamin.

"Oh- here you are my princess!" Bakas ang pagkagalak sa boses na nagsalita galing sa loob ng buksan ni Alisha ang pintuan.

"Where's your Sister, Ija?" Rinig kong tanong muli galing sa loob.

Huminga ako ng malalim bago pumasok na ng tuluyan sa loob ng kwarto.

"Ohh... Ito na ba ang kambal ni Alisha?" Nakangiting ani ng isang babaeng di katandaan ang itsura na nakatayo sa harapan ni Alisha.

"Tsk, kambal my ass." Mahinang komento ni Alisha na hindi namin masyadong nadinig dahil sa sobrangnhina nito.

"Kamukhang kamukha nga siya ni Alisha my dear, right hon?" Tuwang-tuwang ani ng babaeng nag tanong kanina, katabi nito ang isa pang lalaki na mas matangkad sakaniya.

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now