CHAPTER 13 : MY KNIGHT?

359 19 2
                                    

     HINDI ko alam kung anong nangyari o dahilan, parang nuong nakaraang araw lamang ay maayos at maganda pa ang pagtrato saakin ni Alisha, ngunit matapos ang gabing iyon ay tila ba bumalik na siya sa dating pagtrato saakin, may nagawa ba akong mali?

Alam ko naman na mahirap maibalik ang dating pagtrato sayo ng isang tao lalo na kapag ikaw ang dahilan ng pagbabago nila. Pero kasi hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung bakit ganun na lang kabilis ang pag babago nila. Ayokong bigyan ng maling ibigsabihin ang kanilang galaw dahil pamilya ko sila at malaki ang tiwala ko sa kanila.

Pero.... pano kung tama nga ang nasa isip ko?

Maaaring may plano silang hindi ko alam o baka negative thinker lang ako?

"Miss, ilag!" Naputol ang aking pag iisip ng marining ang malakas na sigaw na nag mumula sa bandang gilid ko.

"Shit!" Hindi ako kaaagad naka galaw dahil sa gulat ng makita ang isang bolang paparating sa aking dereksyon. Hindi ko na nagawa pang humakbang para umilag dahil sa gulat. Napapikit na lamang ako at inaantay ang malakas na impact ng pagtama ng bola saakin.

Pinakiramdaman ko ang aking katawan, sobrang bilis ng tibok ng aking puso, ngunit iyon lamang ang aking nararamdaman sa nakalipas na sigundong nakapikit ako, napakunot ang aking nuo ng kahit anong sakit ng katawan ay wala akong naramdaman.

Kunot nuo akong napadilat ng aking mga mata, mas lalong tumibok ng mabilis ang aking puso at nanlalaking mata kong tinitigan ang isang gwapong nilalang sa aking harapan.

Makapal na kilay, namumungay na mga mata, napaka ganda ng kulay amber na mga mata nito na siguradong lahat ng tititig dito ay mahihimatay, matangos na ilong at manipis na labi, matangkad ang lalaking nasa aking harapan kung kaya't bahagyang nakatingala ako sa kaniya. Ngunit naputol ang pag hanga na aking nararamdaman ng mapansing nakangiwi ito na tila nasasaktan. Huh?

"Sorry Miss.... Hindi ko sinasadya! Sorry talaga!" Napabaling ang aking atensyon sa sumulpot na dalawang lalaki galing sa likod ng lalaking nasa aking harapan.

"Bakit mo kase nilakasan, Uhmm!" Binatukan ng lalaking Moreno ang kasama nitong isa pang lalaki na mas maputi sa kaniya ngunit ka-tangkad lamang nito.

Naka nguso itong bumaling saakin. "Okay ka lang ba? Miss?" Tanong ng lalaki, tumango naman ako ng dalawang beses sakaniya at ibinalik muli ang tingin sa lalaking asa aking harapan.

"U-uhm..." Napatikom ako kaagad ng aking bibig ng hindi ako makahanap ng salitang maaaring simulang itanong dito.

Malalim na nakatitig parin ito sa'kin na tila minemimorya niya ang aking buong mukha at hindi pinansin ang pag kautal ko kanina.

Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya dahil baka may dumi ako sa mukha o baka napapangitan siya sa akin.

Naputol lang ang titig nito sa akin at napabaling sa taong tumapik sa kaniyang likod. Dahil duon ay bahagyang nag karoon ng maayos na distansya ang aming katawan.

"Bro, baka matunaw." Hindi ko narinig ang sinabi ng morenong lalaki dahil ibinulong niya lamang ito sa kaharap ko.

"Tsk!" Manihang hinampas naman ng lalaking ito ang kamay ng moreno na nasa kaniyang balikat at bahagyang humagik-gik na para bang nasaktan.

Napakunot nuo ang lalaking moreno at sinundot ang kaliwang balikat ng kausap.

"Ugh! Fuck you, Art!" Daing nito sabay hawak sa balikat. Ngayon ko lamang napansing naka suot ito ng sando style na basketball Jersey ng school, dahil sa suot nitong Jersey ay kita kong ang pamumula ng parte ng balikat nito.

Huh?

Wala sa wisyong hinawakan ko ang braso nito at hinawi ang tela sa bandang balikat ng kaniyang suot. Kita ko ang unti unting pamamasa ng namumula n'yang balikat, ang laki ng pasa niya.

     BUMALIK ako sa lalaking nakaupo sa isa sa kama dito sa clinic. Pwumesto ako sa likod nito at hindi pinansin ang pag sunod ng tingin nito sa bawat galaw ko, di inalintana ang magandang hubog ng katawan nitong nakabalandra sa aking harapan at idinampi na lamang ang hawak na Ice bag sa kaniyang balikat.

Napasinghap ito sa bigla ng idampi ko ang malamig na Ice bag sa  kaniyang balikat, nag-sorry na lang ako sakaniya at ipinag patuloy ang ginagawa. Nang matapos kong dampian ng malamig ang aniyang balikat ay bahagya na itong natigil sa pamamasa.

Ibinaba ko ang hawak sa lamesang nasa gilid ng kama, at binigyang pansin ang lalaking ngayon ay nakasuot na ng Jersy na kaniyang pangitaas.

"Sorry ulit, kanina." Nang tignan ako nitong muli, ganun na naman ang klase ng kaniyang tingin ang ipinukol saakin.

"Don't be." Di ko napigilang maikumpara ang boses nitong napakalalim kaysa sa boses ng kaniyang mga kaibigang halatang masiyahin dahil sa mga boses nilang malalalim din ngunit magiliw ang tono.

Hindi na namin kasama pa ang dalawa niyang kaibigan dahil pinauna na namin ito sa kani-kanilang klase, ako na lamang ang nag boluntaryang mag gamot sa pasa ni Jace ng malamang may quiz sila sa kanilang unang subject. Kanina ko lang din nalaman ang kanilang mga pangalan.

"Arthur, but you can call me Art." Art, yung morenong lalaki.

"Earl is my name, Peralta is my surname." (Pronunciations: Erl Peralta) Earl, ay yung chinitong lalaki.

At, "Jhayce..." (Pronunciations: Jeys) Jhayce naman ang lalaking dinadampian ko ngayon ng yelo sa balikat.

Nung oras na nalaman ko ang pangalan niya ay nagulat ako dahil ka pangalan niya ang dati kong kaibigan. Di ko maiwasang mag bakasakali na maaaring siya si Jace na kilala ko, pero alam ko naman na imposible iyon dahil sa harapan ko mismo siya namatay.

Sa harapan ko mismo siya namaalam...

Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko sa pagkamatay ni Jace kahit na parating sinasabi ni Sy na wala akong kasalanan sa pagkamatay niya dahil ang mismong katawan na ni Jace ang sumuko dahil sa sakit na meron ito.

Ang inosente ko pa kasi nuon, na sa sobrang inosente ko hindi ko na namalayang wala na pala siya.

Wala man lang akong nagawa, kung namalayan ko na nagaagaw buhay na pala siya ng oras na 'yun ay sana maagang naagapan siya ng mga doktor.

Matagal ko ng hinihiling na sana may ay may time machine na pwe-pwede kong gamitin upang bumalik sa panahong iyon, para kahit pa-paano masabihan ko naman ang batang ako. Para hanggang ngayon kasama ko parin si Jace.

Ngunit alam ko namanng isang napakalaking imposible iyon.

___________________________

END OF THE CHAPTER

YourLazyMissA

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now