CHAPTER 14 MEDAL

441 13 6
                                    

(This Chapter is not EDITED)

     SINUKBIT ko sa aking balikat ang Back pack na nag lalaman ng aking mga gamit at Sinulyapan ang bintanang nasa tabi ng aking inuupoan. Papalubog na ang araw at lumalamig nadin ang simoy ng hangin. 

"Seven-thirty na pala." Mahinang sabi ko ng mapansi ang oras sa aking relong suot.

Mas maaga kaming pina-uwi ngayon kumpara sa orihinal na oras ng aning uwian, dahil malapit na ang foundation day na gaganapin kaya pinatawag ang lahat ng head teachers at SSG officers dahil may meeting daw sila.

Bago ko tuluyang lisanin ang desk ko, inusog at inayos ko sa pagkaka pwesto ang upuan ng desk na ginamit ko. Nang matapos ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng classroom.

Ako at ang last subject teacher na lang namin ang naiwan dito sa loob, inaayos nito ang pagkakapatong ng mga papel na dala niya. Lalapitan ko sana ang guro upang tulungan ito ngunit ilang segundo lang ay natapos na din si Sir Aldoreza sa pagaayos ng mga gamit niya, napadako ang tingin nito sa akin at nginitian ako.

Yumuko ako ng bahagya ng magtama ang tingin namin bilang pagpapakita ng pag-galang sa kaniya at nginitian ito ng magtama muli ang aming paningin.

"Una na po ako, Sir Aldoreza." Magalang na ani ko dito.

Handa na sana akong tumalikod sa guro upang mag ipagpatuloy ang pag labas ng silid ng tawagin ako nito.

"Wait, Miss Coral!" Mabilis ko itong hinarap. "Yes, Sir?" Nag tataka kong inaantay ang sasabihin niya. Lumapit muna sa akin si Sir habang daladala ang mga gamit nito bago muling mag salita.

"Gusto ko lang ipaalam na ikaw ang magiging valedictorian student ng school, Ms.Coral." Nakangiting Ani nito.

Tila ba biglang nag shut down ang isip ko at naka nga-nga lang na nakatingin sa guro na malapad ang pag kakangiti sa akin. Ilang minuto kong inisa-isa sa aking isipan ang sinabi niya, at nang tuluyan ng mag sink-in sa isip ko iyon ay masaya akong nag tata-talon habang sumisigaw ng "Yes!".

Congrats self, may maipag mamalaki ka na sa pamilya mo!

Tumigil ako sa pag talon ng mapansing nakatingin lang sa akin si Sir ngunit nakangiti parin ito. Bigla akong tinablan ng hiya, unti unti kong nararamdaman ang pag kainit nang mag kabila kong pisngi at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Siguradong mukha akong tanga kanina habang nag tata-talon at sumisigaw sa harapan ng guro namin!

Nakakahiya!

"Uhm.... s-sorry po. Salamat po pala, Sir, sa parangal." Nakayukong sabi ko sakaniya, pinaglaruan ko ang gilid ng hinlalaki ko at kinukutkot ito dahil sa hiya.

"Hindi ka sa'kin dapat mag-pasalamat, Miss Coral. Sadyang matalino ka lang talaga." Bahagya pang tinapik ni Sir ang balikat ko ng dalawang beses.

"Hindi naman po, Sir." Hindi ko parin inaangat ang aking ulo na palihim ko naman pinapasalamat sa Guro dahil hindi ako nito sinisita.

"So... sino ang mag sasabit ng medalya sa'yo sa darating na graduation?" Bakas ang exitment sa boses niya ng tanungin niya ako.

Napatigil ako sa pag-kutkot ng akong daliri at tuluyan ng nag-angat ng ulo. Dahil sa tanong na iyon, biglang nag laho ang hiya at sayang nararamdaman ko.

Sino?  Hindi ko..... alam. "'Di ko alam." Parang gusto ko na lamang sampalin ang sarili ng mapagtantong nasabi ko pala ang dapat ay nasa isip ko lang.

"What is it, Miss Coral?" Napalingon akong muli kay Sir Aldoreza.

"A-ahm... W-wala po Sir! kausap ko lang po yung sarili ko, pasensya na po." Nauutal na paliwanag ko sakaniya. 

Dolores 01: Why Always HerWhere stories live. Discover now