Chapter 32. Wrong Room

234 9 1
                                    

AUTHOR'S POV

Paris, France 9:55 PM 

3 years of pain, hatred and heart revenge. This is what we called Cinderella's breaking story spell. Imbis na sya ang hanapin ng prinsipe, sya ang naghahanap. Matagal nang hinahanap kung sino ang nagmamay-ari ng coat. Clueless kasi lahat.

Sa isang mataas na building 45th floor. May isang lalaki. Office Suit. Expensive watch at may nakapasak na baril sa bewang.

"Bring the papers at my office." tumango na lang secretary nya. Natatakot kasi ito sa baril na nasa bewang ng boss nya. Isama mo pa ang nakakatakot na mata nito. Pero di nya maipagkakaila na isa itong gwapo at may magandang built ng katawan.

Lahat ng employee binabati sya. Pero sya nananatiling diretsyo ang tingin sa pupuntahan nyang daan.  Kung ipagkukumpara sa temperature.. isa syang hot na lalaking may cold aura. Edi sya na.  Sya ng sinakop lahat ng kagwapuhan at kaColdan? Err.

Papasok sana sya ng office nya ng biglang may humarang sa kanyang napakacute na bata.

"Uwaaa. Daddy! Daddy!" napatigil sya at napailing na lang. Ngumiti ito at kinarga ang batang babae na may dungis ng chocolate.

"Ashley, nasaan ang Mommy mo? You stink!" sabi nya sabay punas sa mukha nito.

"Waaaah. kashii naman po Uwaaaa!"

"Chantelle! Yung anak mo!"

"Tigil tigilan mo ako Kit ha. Tigil-tigilan mo ako!"

"Babe naman--"

"Shut up!" Kinuha na lang ni Abi ang anak nya habang kinukulit sya ni Kit.

Napailing na lang ulit ang lalaki at pumasok sa loob.

Bumungad sa kanya ang isang black and white themed na office at may nakapalibot na lighting transparent glasses.

Nakita nya ang nakatambak na gawain nya sa table kaya napabuntong hininga sya. 

Pumunta sya sa isang malaking transparent glass para matanaw ang buong lugar. Napatitig sya sa tower na gustong puntahan ng lahat.

3 years ago.. Hindi nya aakalaing ganun. 

Umupo siya sa table nya at sinimula ng gawin ang gawain nya. At sinimulang alalahanin ang nakaraang tatlong taon.

*Flashback*
TRACE POV

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng biglang may tumunog. Mahabang tunog na putol putol.

Na nagpakaba sa dibdib ko.

Linya.

Zero.

Narinig ko ang pagpapanic nila sa loob habang ako napaupo sa kaba. Sa takot. Sa lungkot.

Isang linya na sumira ng puso ko.

B-bakit?

Kala ko ba may posibilidad na mabuhay sya? Bakit isang linya? Bakit isang diretsyong linya?!

"Aisha! Aisha!"

"Aisha laban!"

"H-hindi pa patay si Aisha, Cj! Sabihin mo sa akin!"

"Andrea.."

"Doctors! Nasan ba ang mga doctor?!" Nagkakagulo ang lahat. 

"CLEAR!"

Nag-ikot bigla ang paningin ko at nagblurred ang paningin ko.

Ilang beses ko pa kailangang maging ganto?

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon