Chapter 52. Trying to remember

132 6 0
                                    

DREW POV

"What do you mean na buhay siya? Impossible! Patay na siya. Alam kong namatay siya doon sa bomb explosion!" Pagkapasok ko pa lang ng kwarto ng kambal ay narinig ko na ito, si Kalissa. May kausap sa phone.

"Ugh! Stupid!"

"Walang chip sa katawan niya kaya dapat patay na siya! Na kay Drew ang chip wala sa punyetang babaeng yun!" Sinalubong ako ng halik sa pisngi ni Kaye.

"What's happening?" tanong ko.

"Aisha is still alive."

WHAT THE FUCK? PAANONG BUHAY PA ANG BABAENG YUN?!

"Kalissa!" napalingon siya sa akin na kunot ang noo at parang sinasabi na 'WHAT?!' at bumalik agad ang attention niya doon sa kausap niya.

"How come? Paanong buhay pa ang isang patay na babaeng matagal ng wala? Alam naman natin na wala na si Aisha and it's been months for pete sake!" napahilot ako sa sintido ko.

Hindi pwede. Hindi pwedeng bigla bigla na lang siya babalik. Hwag na siyang bumalik. Hindi!

Tangina. Kung saan planado na namin ang lahat. Kung saan alam na naming mahinang-mahina na ang kapit ng Mendez tsaka naman babalik ang babaeng yun!

"Don't shout, you idiot." Sabi ni Kalissa at umirap

"I know, she' back. Pero hindi iyon hadlang para hindi ituloy ang plano. I know Aisha is strong pero wala siyang naaalala."

"What do you mean?" tanong ni Kaye

"Amnesia. Based sa inutusan ko, may amnesia si Aisha. Dumating siya kasama ang mga Lennon." Umupo siya sa kama at sinuklay ang buhok niya.

"You know what? You're chillin' out there and doing nothing. Do something Kalissa!"

"Oh cmon Sister. Don't be so exagerated. Bakit ikaw may ginagawa ka ba?" akmang lalapit si Kaye ng hinawakan ko ang braso niya.

"Well, I think meron. Hiding for years? Kayang-kaya naman nating yan Mendez kung hindi ka lang tanga!"

"How dare you! Kapatid mo ako! Ginaganyan—"

"Oh shut up! Ang tanga tanga mo! Namatay si Mommy dahil sayo!"

"Si Aisha ang pumatay hindi ako—"

"Pero parang ikaw na rin Kaye. You forced Mom na tanggalin ang chip sa kanya at ibigay kay Drew. Well, what do I expect? Mas malala ka pa sa alaga mong pusa. Bobo!"

Kumalas sa pagkakahawak ko si Kaye at lumapit kay Kalissa para sabunutan ito. Pero hinigit ko ulit siya papalapit sa akin. "Ano ba Kaye?! Tama na!"

"Wait Drew. Pinagtatanggol mo ba siya?!" Masama ang tingin niya sa akin at nangingilid na ang luha niya.

Kinalas niya ang pagkakakapit ng kamay ko sa kanya at lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako.

"My sister doesn't like you anymore. Can you feel it Fontanilla?" kinuha niya ang baril sa tabi niya at pinunasan iyon.

"What are you going to do?" Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa pinto.

Nilock niya iyon at lumapit sa akin.

"But I do." Lumapit siya sa akin at pinagdikit ang mga katawan namin. "I like you. I really do."

Tinitigan ko siya sa mata ng bigla niya akong sinunggaban ng halik.

Another Cinderella Story {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon